37

38 0 0
                                    

Sea

There's always a rainbow after the rain, they said. Mayroon bang there is a rainbow during the pain? But is it possible to experience rainbow while raining? For me, maybe yes.  Did you ever find yourself in a situation where you both experience suffering and joy at the same time? Because that's what I'm feeling. I found pain and happiness in him. A love that can't be measure.

A love that acts as my first aid on my wounded body. A drug that I gladly want to take everyday because it keeps my sanity amidst the noise of everything, amidst the noise that clouds my head.

Bumukas ang pinto ng bus at iniluwa nito ang isang konduktor at mabibilang sa kamay na mga pasaherong nagsibabaan.

"O sakay na, sakay na, sakay na!" Pagtatawag ng konduktor sa mga pasahero ang kaso ay kaming dalawa lamang ni Gale ang naroon at paakyat.

Inalalayan niya akong makaupo sa bandang gitna na upuan ng bus, kapagkuwan ay tumabi siya sa akin.

"Ayaw mo ba dito?" He asked, pointing at the seat near the window. I just shook my head, expressing my dislike. Ayaw ko roon, masyadong mahangin, knowing na bukas na bukas pa ang mga bintana at walang salamin.

Mabilis na umikot ang konduktor na may mga ticket sa kamay at kinolekta ang bayad. Gale casually answered the man's question and handed our fare.

I asked him where we will go. Sinagot niya ako, pupunta raw kami kung saan ang nais ko. Sa lugar na alam niyang matiwasay. Kung saan kalmado... pero ang mga alon ay magulo. Lumukso ang puso ko. Ngayon lang yata ako na-excite sa lugar na pupuntahan. Iba ang nadarama ko. Feeling ko ito na 'yon.

Tahimik kaming sumilip sa bintana. Mabilis ang biyahe at nilalagpasan ang ang mga puno at halaman.

Pinagapang niya ang palad niya sa aking balikat, patagilid na yinayakap ako. Tinitigan ko siya habang nakahilig sa dibdib nito. I can feel his heartbeat.

I am intently gazing to his beauty. It's fun looking at his face with all seriousness.

I cannot help but to reminisce in the bus.

Sakto n'un ay ang biglang pag-play ng isang familiar song mula sa isang phone, hindi kalayuan sa amin. Hinintay kong may magsita o magreklamo sa hindi man lang hininaan na volume. But siguro ay wala namang magtatangka, and it's a good song. I smiled while thinking about this moment.

Naramdaman niya siguro ang paggalaw ng pisngi ko sa pag-angat ng labi dahil yumuko ito sa akin. Nahuli niya ang ngiti kong mananatiling lihim sana. I closed my eyes when he kissed my forehead.

We'll do it all
Everything
On our own

We don't need
Anything
Or anyone

This guy beside me is not just somebody.
He is my favorite secret...

He's not just my boyfriend but he's also my motivator.

Siya ang nagpabaluktot sa pinaniniwalaan kong pagbabago. Laging iba ang tingin ko sa mga pagbabago. Para sa akin, ang salitang iyon ay depinisyon ng kasamaan at pagkabangungot.

Inayos niya ang kamay na nakapatong sa balikat ko. I glued my eyes on it. Lagi kong babaunin at lalasapin ang bawat mainit na yakap na ibinabahagi niya sa akin. I remember... our shared intimate hugs, touches and deep kisses. Kung noon ay pinakamainit na ang tagpo roon sa batisan, akala ko'y matindi na iyon dahil dama ko ang init sa ibabaw ng balat ko pero may mas magliliyab pa pala doon. Sa kubo ramdam ko ang apoy hindi lang sa balat kundi pati sa kalooban ko, sa loob ng katawan at tumatagos hanggang sa aking buto.

Gwyneth and Gale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon