Secret
Maingay ang buong klase dahil malaya na naman dahil walang guro. Tila mga nakawalang hayop mula sa hawla.
Pagod ang mga mata kong sinuyod ng tingin ang lahat na palakad-lakad, parang kiti-kiting hindi mapakali, mga babaeng nag-uumpukan at nagchichismisan sa gilid, grupo nina Lheera na nasa harap na ngayon at panay ang sayaw sa harap ng cellphone.
"Girls, continue na natin pagtitiktok!" Boses ni Lheera ang nangingibaw sa lahat.
Sa malayo ay may mangilan-ngilan akong nakitang nakayuko at natutulog na ata. Iyon ang huli kong pinagmasdan at bigla akong dinalaw ng temptation na gawin ang ginagawa ng marami - ang yumuko sa desk at matulog.
Tatlong subject pa ang sumunod at habang nag-didiscuss ang guro sa harap ay kinapa ko ang ilalim ng lamesa ko. Hindi ko ito nagagamit dahil wala naman akong nilalagay na kung ano-ano roon maski papel kaya matagal na rin iyong natengga at hindi nalilinisan kahit pa na walang laman.
Kaya naman laking gulat ko nang may mahawakang mga papel, marami. Ano 'to? Mga basura?
At sino ang naglagay? Dumaan ang naglalakad na guro namin sa gilid ko kaya napatigil ako sa lihim na ginagawa, lahat ay tahimik na rin at nakikinig. Kaya lang pagkaangat ko ng kamay ko ay may sumama. Tumingin ako sa madikit na manipis na plastik na iyon. Sticker??
Tinitigan ko ang hugis pusong sticker na nakadikit sa daliri ko. At sino namang naligaw na bata ang magdidikit sa ilalim ng lamesa ko ng ganito, ha?
Natapos ang mahabang klase at noong lunchtime ay nawala sa isip kong tangkaing silipin ang ilalim ng desk. Pagka-ring kasi ng bell ay diretso ang punta ko sa bilihan ng pagkain at matulin na tinungo ang comfort room.
Nahihilo akong napaupo sa may nakasarang takip ng toilet bowl habang nasa kamay ko pa ang pinabalot kong pagkain. Napakariin ng pagkakahawak ko roon sa supot na animo'y doon ako humuhugot ng lakas at enerhiya para maayos ang sarili.
Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Pero magmula noong patapos na ang taon last year,madalang na lang ang ganitong biglaang pagkahilo. Ngayon lang ulit dumalaw, kung kailan nasa eskwelahan pa ako. Mabuti na lamang at lunchtime naman.
Pinapantay ko ang lebel ng paghinga. My hand holding the food rested on the tiled walls of the cubicle while my other hand is on the rush, finding the small tablet in my uniform's pocket.
Agad kong ininom iyon at inubos ang biniling bottled water na itinayo ko pa sa likuran ko kanina. Hindi sana ito mangyayari. Alam ko naman na tatlong beses ko dapat iniinom itong gamot ko. At ang pangtanghali ay natagalan lang dahil nag-overtime pa ang lecturer kanina.
O kaya'y naagapan ko sana ang pagkahilo kung nadala ang inhaler sa saglit na pagkapos ng hininga. Pero dahil alam kong kaya ko na at hindi na susumpungin nang malala ay nakalimutan ko itong ibulsa na lagi lang naman nakalagay sa bag.
Nakita kong saglit na lang ang oras na natitira kaya naman naisip ko na sa loob na lang ng cubicle ubusin ang pagkain. Isang kagat pa lang ang nagagawa ko roon mula nang mabili. Nakatulala akong tahimik na kumain at pagtapos ay lumabas na para bumalik sa room.
Parang walang nangyaring kakaiba nang pumasok ako pabalik. Ang mga paa kong tumutungo sa aking upuan ay naantala sa mga kaklase kong babaeng nakaharang.
"Sanchez! Ang dami palang papel sa ilalim ng desk mo? Don't worry nilinis na 'yon nina Lheera," sabay na umalis ang magbest friends na iyon at patawa tawa sa kung ano.
Dumako ang mga mata ko sa itinuro niya bago umalis, si Lheera at ang dalawang sidekicks nito. Galing sa pinakalikod malapit sa basurahan ay kaswal na nagtungo na sa kani-kanilang mga upuan, hindi napapansin ang presensya ko.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...