Chapter 2
Nanlaki ang mata ni Mikella nang bumaba ang kamay ni Kasper sa laylayan ng kaniyang damit.
Agad niya itong itinulak at tumayo siya mula sa kama.
"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?!" sigaw ni Mikella ngunit nakatulog na kagad si Kasper kaya't wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang buhatin ito at ilagay sa kama niya. Lumabas na siya ng kwarto ni Kasper at nagtungo sa dining hall.
"Humanda ka sakin bukas, manyak ka!" buong niya sa sarili at nagsimula nang magluto ng hapunan.
Kinabukasan.
"Ahhh!" Sigaw ni Kasper nang bigla na lamang siya buhusan ng malamig na tubig ni Mikella sa mukha.
"Ano ba?!"
"Bumangon ka nang lassenggo ka! May pasok tayo ngayong araw." Malamig ang boses ni Mikella nang sinabi niya iyon kaya't nagtaka si Kasper. Madalas kasi ay pagtatasan siya nito ng boses.
Bumangon na ito at agad na nagpalit ng damit dahil ang pantulog niya ay basang basa na bago bumaba.
Pagkababa niya sa hapag kainan ay naroon ang kaniyang mga magulang.
"Good morning, Kasper." Bati sa kanya ng kaniyang ama.
"Good morning, dad."
"Nga pala, Kasper, may dinner appointment ulit kami later. For sure malelate kami. Mikella, ikaw nang bahala sa anak ko ah."
"Yes, sir."
Nang matapos kumain si Mikella ay inihanda niya na ang susuotin ni Kasper pati na rin ang kanya.
At naiwan na lamang sila Kasper at ang kaniyang magulang sa hapag kainan.
Inaasahan na ni Kasper na alam na ng kaniyang mga magulang ang ginawa niyang katarantaduhan.
"So, Kasper, okay lang ba kayo kagabi dito? I mean, kayong dalawa lang ulit."
Nagulat si Kasper sa sinabi ng nanay. 'hindi pa sinasabi ni Mikella ang tungkol sa paglalasing niya.'
"Yup. We're okay." Maikli niyang sagot at binilisan na ang pagkain bago sinundan si Mikella sa taas.
Nang malaman niyang nasa kwarto niya ang babae ay pumasok kagad siya dito.
"So, you didn't tell them?"
"Ang alin?"
"Me getting drunk last night."
"Ah. Oo. Pero hindi porket hindi ko sinabi ay malaya kana. Paparusahan pa rin kita dahil sa mga kalokohan mo." Napangiwi si Kasper sa sinasabi ni Mikella na parusa. Kapag kasi may ginawa siyang masama ay kikilitiin siya nito hanggang sa mangiyak ngiyak na siya.
"Pero bakit Di mo sinabi?" Namula bigla ang pisngi ni Mikella nang maalala niya ang mga pangyayari kagabi.
"Dahil sa sinabi mo?"
"What did I say?"
Nanlaki ang mata ni Mikella.
"hindi mo naalala?!"
"yeah. Ano ba nangyare kagabi?"
"kasi nung inaakyat kita kagabi, ano, sabi mo-" hindi na natuloy ni Mikella ang sasabihin dahil sa sobrang hiya. Siya lamang pala ang nakakaalala nung nangyare. 'Walang hiya.'
Nang nakasakay sila ng kotse ay hinilot ni Kasper ang kaniyang ulo.
"Oy. Ayos ka lang?" Nagaalalang tanong sa kanya ni Mikella.
"Hangover, I guess."
Ngumisi si Mikella at linabas ang Advil at tubigan niya mula sa bag.
"Oh ayan. Inumin mo yan."
Agad itong kinuha ni Kasper at ininom.
"Thanks."
"Ano, ang saya uminom noh?" Sarkastikong tanong ni Mikella kay Kasper.
"Shut up."Natawa na lamang si Mikella sa sinabi ni Kasper.
"By the way, may natatandaan ako from last night." Nanlaki ang mata ni Mikella.
"I was at the police station"
"Ano pa?"
"Yun lang naalala ko."
Napabuntong hininga si Mikella. Mabuti na lamang at yun lang ang naalala ni Kasper.
Uwian.
Naglalakad papunta si Kasper sa classroom ni Mikella upang sabay na silang lumabas papuntang kotse. Di tulad ng Iba, mas malapit ang relasyon ni Kasper kay Mikella dahil pinagkakatiwalaan niya ito.
Nang paakyat na siya ng hagdanan ay may dalawang babae dito, ang isa ay may pilay Habang ang isa ay inaalalayan ito.
"Magingat ka baka mapatid ka."
At biglang lumabas sa isipan niya ang nangyare kagabi.
"Kasper, Magingat ka. Baka mapatid ka." sabi ni Mikella Habang inaalalayan siya paakyat ng hagdanan.
Ayun pala ang nangyare. Bulong ni Kasper sa sarili.
Habang Naglalakad siya papuntang classroom ay tuloy tuloy niya nang naalala ang mga nangyare noong gabing iyon.
"Bakit ka ba kasi uminom?"
"Dahil sa'yo."
Ngumiwi si Kasper sa alaala. Bakit niya kailangan sabihin yon?
"Hindi mo naman kailangan uminom para mapatunayan mong hindi ka bata.Sa ginawa mo ngang yan, mas lalo mo lang pinatunayan na isip bata ka pa din"
Nagulat na lamang si Kasper nang naalala niya kung paano niya inihiga si Mikella sa kaniyang kama at pinatungan.
Nakalapit na siya sa classroom ni Mikella kaya't lumapit na Ito sa kanya.
"Tingnan natin kung isipin mo paring isip bata ako."
Nanlaki ang mata ni Kasper nang maalala niya ang sunod na mangyari.
"Hoy, Kasper. Anong tinutunga tunganga mo diyan?"
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Kasper.
"Hinalikan kita?" Mahina nitong sinabi.
Nagulat si Mikella sa sinabi ni Kasper.
"Ha?"
"Shit! Hinalikan nga kita?"
Napahakbang si Kasper paatras bago umikot at kumaripas nang takbo.
"Saglit." Pahabol ni Mikella ngunit ay hindi niya siya napansin ni Kasper.
Lumapit naman ang mga kaibigan ni Mikella.
"Nagblablush ba si Kasper? Ang cute niya. Ano ba kasi pinagusapan niyo" Tanong ni Elaine.
"Basta. Mauna na ako sayo. Ingat ka na lang."
Agad na tumakbo din si Mikella upang sundan si Kasper. Kahit na ayaw niya itong makausap ay kailangan niya pa ring sundin ang bilin ng mga magulang ni Kasper na wag itong layuan anuman ang mangyari.
Nang makapunta sa parking lot ay hindi na niya makita ng kotse na madalas nila sinasakyan.
Kaya nang tumunog ang kaniyang telepono ay agad niya itong binuksan.
Driver: Mikella. Pasensya ka na. Nagpanic na ako dahil namumula si Kasper kaya nakalimutan kong naiwan ka pala diyan. Sabi rin kasi ni Kasper na umuwi na kami kagad.
Kumunot ang noo ni Mikella.
"At iniwan pa ako ng loko." Bulong niya sa sarili.
At dahil wala na siyang magawa ay lumabas na lamang siya ng school at nagabang ng tricycle. Nang nasa unahan na siya ng pila ay nilabas niya ang pitaka at nakitang limang piso na lamang pala ang laman nito.
Nanlaki ang mata niya.
" Argh! Wag mong sabihin saking maglalakad ako papuntang bahay."
Nagsimula na siyang maglakad bago mag gabi. Ngunit Di pa nakakalayo ay naramdaman niya ang pagpatak ng ulan.
"Leche. Lagot talaga sakin yung Kasper na yun kapag nakauwi ako."
Padabog siyang naglakad patungong bahay.
Nang makarating siya ay nanghihina na ang mga tuhod niya at parang minamartilyo ang ulo.
Samantalang, nakapangbahay na si Kasper at kumakain ng hapunan. Nang mapatingin ito sa mangyari kay Mikella ay Nanlaki ang mata nito.
"Mikella. Di ko sinasadya. Shit. Nakalimutan ko."
Ngunit masyado nang nanghihina si Mikella upang isipin pa ang nangyayari. Nagulat na lamang si Kasper nang bumagsak si Mikella sa sahig.
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
