Chapter 14
"Mikella! You're still awake!" Bulalas ni Kasper nang makita si Mikella sa living room ng kanilang bahay. Nakaupo ito sa sofa Habang may malalim na iniisip at kung hindi niya pa ito tinawag ay hindi siya nito mapapansin.
"Ah. Oo."Matapos madagdagan ng trabaho si Kasper ay minarapat niyang pauwiin na lamang si Mikella kaya ngayon eto siya at hindi pa din tapos sa kalahati ng gawain kahit na labing dalawang oras na siyang nagtratrabaho.
" Ah. Oo. Kasper. May kilala ka bang Victor Arazon?" Tukoy niya sa Doctor na kumakausap sa kanya kanina. Habang nagsasalita ito ay nakita niya ang nameplate ng Doctor.
"Yup. Kambal siya ni tito ko. Yung on call doctor mo dati nung nasagasaan ka."
"Ah. Kapatid pala siya ng nanay mo?"
"Half brother actually. Anak sila sa labas ng tatay ni Mom. Though Tito Vincent didn't mind, dinibdib yun ni Tito Victor. He would always blurt out na kung hindi lang siya anak sa labas, sa kanya din itong hospital. Although pinaghirapan ni dad and ni mom yun, he claimed na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito lalago. "
" Ah. "
" Why? ".
"Ah. Wala lang. Nakausap ko kasi siya kanina eh."
"What did he say?"
Naisip ni Mikella na wag sabihin kay Kasper ang tungkol dito bago niya malaman kung ano ang ibig sabihin nito.
"Wala lang. Kinumusta ka lang niya sakin."
"Mikella. Wag ka nang muling lalapit sa kanya. I don't know much about him pero I'm telling you. He's a huge asshole."
"Paano mo nasabi?"
"Basta. And anyway, ayoko na rin na malaman mo." Hinawakan ni Kasper ang sentido na napansin naman ni Mikella.
"Masakit ulo mo?"
"Medyo."
"Dito ka." Hinatak niya ito pahiga sa lap niya bago nagsimulang hilutin ang sentido nito.
"Mikella."
"Oh?"
"Wala lang. Gusto lang kita tawagin."
"Ewan ko sayo."
"Bukas after school wag mo na akong samahan sa kumpanya."
"Sigurado ka?"
"Yes. Besides baka mabusy ka pa after school ayokong idamay ka."
"Sige."
Nang nakatulog na si Kasper ay balisa pa din si Mikella tungkol sa sinabi ng Doctor kanina.
Kinabukasan.
Habang naglalakad si Mikella papuntang classroom ni Kasper upang sunduin ito ay bigla na lang may humila sa kanya mula sa likod na dahilan ng kaniyang pagkapatid.
"Mikella. Totoo ba na si Kasper pala yung anak ng mayari ng Rockefeller Hospital?"
"Tapos ikaw yung magiging parang secretary niya?"
"Ibig sabihin pala dati daw ikaw yung tagabantay niya. kaya pala lagi kayong magkasama?"
"Saan galing yan?"
"Kalat kaya sa news. Tapos may picture sa kasper. Bakit dito lang siya sa normal na private school nagaaral? Bakit di siya sa pangyamanin?"
"Sandali!"
"Siguro sinasahudan ka din ano? Magkano kaya sahod sayo?"
"Ano ba?!"
Napatigil ang lahat nang sumigaw ang boses ng isang lalaki.
"Ano ba kayo? Estudyante o paparazzi? Kung makadumog kayo para kayong mga hayop na ginugutom. Alis nga!" Napatingala si Mikella sa nagsasalitang lalaki. Pamilyar ang boses nito.
"Hoy! Si Lyon. Alis na tayo."
Lumingon ang lalaki at agad na bumalik ang alaala ni Mikella dito.
"Ung manyak" Bulong niya sa sarili.
"HIndi ba pwedeng mabait at matulungin lang. Galit ako nun sayo kasi ang lakas ng loob mo pero napatawad na kita." Nakangisi ito habang sinasabi iyon.
"At bakit mo ako kailangan patawarin? Tabi nga!"
"Hoy! Tinulungan na nga eh!"
SIgaw nito habang papaalis si mula sa pweste at papunta sa classroom ni Kasper.
"Hiningi ko ba tulong mo?"
Nang makalapit siya sa classroom nito ay saktong lumabas ito.
"Oh, Kasper. Tapos na i800 68 kayo?" Bati niya ngunit nakasingkit lamang ang mata nito bago binaling ang tingin sa lalaking nasa likod ni Mikella.
"Oo. Let's go.... Home" Inakbayan ni Kasper ang babae at mas lalong nilapit sa sarili.
"Ano problema nitong mokong nato?"Bulong ni Mikella sa sarili.
Nang makita na ni Kasper ang pagalis ni Lyon ay lumingon siya kay Mikella.
" Stay away from him. "
"Siya yung kusang Lumapit sakin."
"I know."
"Bakit pati sakin galit ka?"
"Hindi ako galit sayo." At naglakad na Ito palayo.
Nang makauwi na silang dalawa sa bahay ni Kasper ay agad na pumasok si Mikella upang ipagluto si Kasper.
"Ano gusto mong kainin?"
"Hindi ako nagugutom" Sagot nito at dirediretso lang na pumasok sa kwarto.
"Problema mong gago ka? Gusto mong isubo ko sayo tong kawali!"
Nang kumalma na siya ay napagdesisyunan niya nang magsimulang magluto. "Baka pagod lang yon."
At dahil naiinis siya sa pakikitungo ni Kasper sa kanya ay binudburan niya ng paminta ang adobo.
"Malalasahan mo ang galit ko, gago ka." Bulong nito sa sarili Habang nakangisi.
Matapos niya itong sandukan ay umakyat na siya sa taas upang ibigay ito. Nakaupo ito sa kama Habang hawak ang cellphone. Tulad nang dati ay madilim muli ang kwarto nito.
"Hoy! Kumain ka muna!"
"Hindi nga ako gutom!" Sigaw nito at hindi tumitingin sa kanya.
Ikinainis ito ni Mikella kayat padabod siyang lagkaad papunta sa night stand nito at binagsak ang plato.
"Hindi ka kakain?!"
"No!"
"Gusto mong isaksak ko sa lalamunan mo tong isang buong kanin."
"Get out!"
"Ano ka nireregla?!"
"Just get out, Mikella."
Napuno na siya at tinapon ang pagkain sa sahig.
"Kung ayaw mong kainin, bahala kang mamatay sa gutom!"
Nagdabog muli siya palabas at sa kaniyang pagdaan sa pinto ay sinipa niya pa ito.
"Hindi na kita ipagluluto ng pagkain kahit kelan!"
"Ang arte arte!"
"Anong akala niya gusto kong pinagluluto siya?!"
"Bakit? Cook ba ako?!"
"Akala niya siguro pagoapasensyahan ko siya!"
Padabog uli siyang nagsandok ng pagkain niya at nagsimula ang kumain ngunit agad niya din itong nadura.
"Ang anghang!"

BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"