Chapter 8

18 0 0
                                    

Nang magising si Mikella ay agad siyang naligo at nagbihis. Pagkatapos ay kumuha siya ng malaking bag at naglagay ng ilang pares ng damit bago ito isinara.
Pagkatapos ay bumaba kagad siya upang magpaalam sa mga magulang ni Kasper.
Nang payagan ay agad siyang tumakbo papunta sa kwarto ni Kasper at binuksan ito.
"Hoy Kasper. Gising! Aalis tayo."
"Ha?"
"Aalis tayo. Bumangon ka at magbihis ka bilis!"
Naalala pa ni Mikella ang pagiyak ni Kasper sa harap ng puntod ng lolo at lola niya kagabi at alam niyang may tinatago pa rin itong lungkot.
"Bakit?" Bumangon ito at kinusot ang mata.
"Basta. Mamaya sasabihin ko sayo. Sige na" At tinulak niya ito papunta sa loob ng cr. Nang narinig na ni Mikella ang patak ng shower ay kinuha niya na rin ang bag ni Kasper at nilagyan ito ng mga pares ng damit. At dinala ito sa kotse.
Di katagalan ay sumunod na rin si Kasper kahit na hindi niya alam ang nangyayari. Ito ang isang espesyal na bagay sa kanilang dalawa. Pinagkakatiwalaan nila ang isat isa kahit na ang kabaligtaran ang pinapakita nila.
"Bilisan mo! Ikaw magdadrive."
"Saan ba kasi pupunta?"
"Magdrive ka na lang ituturo ko sayo kung saan okay?"
"Tsk"
Kahit na gusto nitong umangal ay wala na siyang magawa at nagmaneho.
Nang makalayo sila sa bahay ay may naalala si Kasper.
"Did you follow me last night?"
"Oo" Walang alinlangan na sabi ni Mikella.
"So, you saw me-"
"Ano namang problema dun?"
"You saw me crying?"
"Oo."
"Is that what this trip is for?"
"Hindi. Kailangan ko lang ng tagabuhat. Tutulungan ko si mama."
"Why are we heading out of town then?"
"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo babalik tayo!"
"No. I'm fine with this. Pero pumayag si Mom?"
"Oo. Sabi niya pa nga kahit isang linggo ka pa dun, kung hindi lang 3 araw ang bakasyon."
"What is this about ba kasi?"
"Malalaman mo pag andun na tayo."
"Gutom na ko."
"Tsk. Ang dami mong reklamo. Oh siya sige kumain muna tayo."

Matapos ang lahat ay nakarating din sila sa destinasyon nila bago mag alas diyes.
"White Cloud Haven." Isang Lugar kung saan nagvovolunteer ang mga tao upang alagaan ang mga nakatatanda.
"Bakit mo ako dinala dito?"
"Kailangan ko nang katulong sa pagbubuhat ng mga sako ng pagkain. Ngayon yun dadalhin. Magsimula ka na."
"Sandali. Pero bakit naman biglaan? Anong meron?"
Bumuntong hininga si Mikella.
"Katulad mo, ang mga lolo at lola dito ay nangungulila din sa pagmamahal ng kanilang mga apo't anak. Yung pagmamahal na hindi mo na ibigay sa kanila noong buhay pa sila, sa Iba mo ibuhos."
Saglit nang natulala si Kasper bago muling umimik.
"Naaawa ka ba sakin?"
"Hindi. Naintindihan kita dahil nawalan din ako ng lolo at lola. Pero naiintindihan ko rin na hanggat hindi ka handang Bumangon ay patuloy lamang na magdudugo yang sugat sa puso mo. Ano? Babangon ka na ba?"
Napangiti si Kasper bago tumango.
"Pero ang korny mo"
"Alam ko."
At naglakad na sila papunta sa loob.

"Ineng sino ba yang kasama mo?" Tanong ni Lola Imelda Habang sinusuklayan siya ni Mikella.
"Ah, kaibigan ko po. Si Kasper."
"Papuntahin mo nga dito at siya naman ung magsuklay sakin. Lagi na kitang nakikita eh. Nagsasawa na ko sayo."
"Grabe naman si lola. Saglit lang po."
"Hoy! Kasper, punta ka nga dito. Dali" Nilapag ni Kasper ang buhat sako ng bigas bago tumakbo papunta kay Mikella.
"Baket?"
"Gusto ka daw na suklayan mo si Lola."Lumapit siya upang bulungan ito." Ganyan talaga si Lola sa mga bagong bisita. "
Nang makitang maayos naman ang pakikitungo nito sa mga Lola ay hindi niya na Ito pinigilan sa pagpapakabibo at sumali sa ibang lola na naglalaro ng baraha.
"Iho! Ikaw ba ay kasintahan na nitong si Ella?"
"Hindi pa po, lola" Parang nagpanting ang pandinig ni Mikella nang marinig niya iyon.
"Eh, kelan ka ba niyan balak sagutin, ha? Hindi ka ba niyan pinahihirapan?"
"Sa totoo niyan lola lagi akong pinahihirapan niy-"
"Lola hindi po niya ako nililigawan. Basta kaibigan ko lang iyan."Bumaling naman si Mikella kay Kasper." Hoy ikaw. Umayos ka nga kung ayaw mong ma chokeslam kita diyan."
"Okay lang sakin kung ichochoke mo ko."
"Ay naku ewan."
At nagtawanan lahat ng lola.
"Pagpasensyahan mo na yang babaeng yan ah. Ang totoo niyan hindi talaga siya mawili sa mga lalaki. Iniwan lang kasi ng tatay niya ang nanay niya tapos lahat na ng naging boyfriend ng nanay niya binubugbog sila o kung Di ay ninanakawan ng pera."
"Talaga po?"
"Hindi rin yan malambing na tao. Sa katotohanan nga eh ikaw pa lamang ang unang kaibigan na nakilala ko."
"Alam ko naman lola kung gano po siya ka brutal na tao." Nagtawanan sila bago muling nagkwentuhan.
Lingid sa kaalaman nila na nakamasid lamang si Mikella Habang may ngiti sa labi. "Sabi ko na eh. Bagay na bagay talaga siya dito." bulong nito sa sarili.
"Ate Mikaaa!" sigaw ng mga bata nang makita si Mikella.
"Ate Mika. May bago akong drawing tingnan mo."
"Oh sige. Tingnan natin yan" At hinatak na siya ng mga bata papunta sa kabilang cabin.
"Ito po ate oh."
"Wow"
"Sakin din ate."
"Wow."
"kanino po yung ma's maganda sa gawa namin ate?"
"Parehong maganda."
"Hindi ate dapat isa lang"
"Edi walang maganda kahit ano"
At dahil dito ay unti unti nangilid ang mga luha sa mata ng mga bata bago sila tuluyang umiiyak.
"Anong klaseng-? Bakit mo kailangan sabihin yun?"
Napalingon si Mikella nang magsalita si Kasper.
"Ma's mabuti nang ako yung kainisan nila kesa ang isat isa."
"Tsk! Buhatin mo ung babae, bubuhatin ko yung lalaki."
"Azul pangalan nung lalaki," pagpapakilala ni Mikella.
At binuhat nga nilang dalawa ang mga bata bago umupo sa isang kama.
"Ako favorite ko yung drawing mo" Sabi ni Kasper. Tiningnan naman niya si Mikella at tila sinesenyasan ito.
"Ah, eto yung ma's favourite kong drawing"
"Talaga ate? Ano, bleh!"
"OK lang ano. Pogi naman si kuya. Atsaka malakas pa. Ma's gusto ko na si kuya"
At nagtawanan sila bago nagring ang Bell na sumesenyas na magsisimula na ang lunch break.

Matapos ang kainan ay nagsimula nang tumulong si Mikella sa paghuhugas ng pinggan.
"Oy! Mika! Boyfriend mo ba yang kasama mo?" Tanong ng mga tagaluto sa kusina.
"Pati ba naman kayo? Hindi ko siya boyfriend okay?"
"Eh bakit kayong dalawa lang pumunta ngayon?"
"Basta. Kaibigan ko lang yan."
"Sige. Sabi mo eh"

"Mikella!" Tawag ng isang tauhan kaya't dali daling tumakbo si Mikella kahit na ang naaapakan niya ay madulas na sahig na sanhi ng pagkadulas niya.
"Aw!" bumagsak siya sa likod niya kaya't halos tumigil bigla ang kaniyang paghinga.
"Mikella!" Hindi na nagdalawang isip si Kasper at agad na binuhat ang katawan ni Mikella.
"Ospital! Asan ang ospital?"
"Wag kang oa Di ako mamatay. Ilapag mo na nga ako" sabay kaltok na sabi ni Mikella.
"Kasper. Dalhin mo na lang siya sa bahay kubo na yun oh" sabi ng isang tagaluto sabay turo sa isang bahay kubo sa Di kalayuan.
"Okay. Salamat."
Nagsimula na niyang Buhatin papunta dun si Mikella.
"Teka saglit! Wag mo na ako Buhatin!"
Ngunit hindi na siya pinakinggan nito at patuloy pa rin sa paglalakad kaya't lahat ng madadaanan nila ay nakatitig sa kanila.
Nang makarating sila sa bahay kubo ay agad na binuksan ni Mikella ang pinto dahil hindi na kayang gamitin ni Kasper ang kaniyang kamay.
"Oh! May bisita pala tayo Crisanto" Sabi ng babaeng matanda. Napatigil si Kasper sa paglalakad nang makita niya ang mga mukha nito na kahawig ang kaniyang lola.
"Talaga? Aba. Mga bagong kasal ba kayo isko?" biro ng lolo na kamukha din ng Lolo ni Kasper.

"Ah, hindi po. Napraning lang itong isang ito at binuhat ako. Ibaba mo nga ako."

"tamang tama Josefa. Ngayon na kayo magluto ng ginataang bilo bilo. At ikaw iho, tulungan mo akong magtabas ng damo."
Sumunod naman si Kasper sa lolo sa pag labas Habang si Mikella ay sinundan ang lola papunta sa kusina.
"Pasensya na lola sa abala namin ah."
"Ay naku wag niyong isipin yun. Gusto nga namin na magkaroon naman ng bisita kahit minsan dahil nakakasawa kung kaming dalawa na lamang ang laging magkasama."

Napangiti ang lolo nang makita niya kung gaano ka dedikado si Kasper sa kaniyang trabaho. Kahit na tumutulo ang pa

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon