Chapter 17

7 0 0
                                    


Kinabukasan.
Nilabas ni Mikella ang isang maliit na kahon mula sa ilalim ng kama na naglalaman ng kwintas na pinamana pa sa kanya ng lola bago ito namayapa. Madalas ay sinusuot niya ito kapag malapit na ang kaarawan ng kaniyang lola bilang alaala sa pagkamatay nito.
"Mikella. Hindi ka pa ba tapos?" Parang batang pangungulit ni Kasper sa labas ng pintuan ni Mikella kaya naman tumalim na naman ang mata niya bago lumabas.
"Ano na naman problema mo?!"
"Ang tagal mo eh."
"Ano naman ngayon?"
"Wala lang. Iniinis lang kita."
Matapos silang makapasok ng eskwelahan ay Lumapit muli si Lyon kay Mikella.
"Good morning."
"Layo!"
"Ang harsh naman. Kakasimula pa lang ng umaga oh."
Hindi muli siya pinansin ni Mikella kaya naman tumigil na lamang siya at hinayaan itong makalampas Habang si Kasper naman ay sinagi ang kaliwang balikat niya.
"Hoy! Tandaan mo! Di ako nakikipaglaro sayo!"
"Wag ka magalala. Wala naman akong ganang makipaglaro sa isang tulad mo. Mukha kang talunan."

Habang linilinis ni Mikella ang classroom bilang cleaner siya ay may nagtakip sa kanyang mata.
"Diretso uwi ka ah. Pag may nangyare sayo, may paglalagyan ka sakin."
Tinanggal niya ang kamay.
"Hoy! Kasper! Ano pinagsasabi mo Jan?"
"They need me at the company. Just for today. Kaya mo bang umuwi magisa?"
"Ah. Ganun ba? Oh sige."
"Ipapahatid na lang kita sa driver."
"Hindi na kailangan."
"I'll call you a cab."
"Wag na. Gagastos ka pa. Tingin mo ba Di ako marunong magcommute?"
"Paano kung may mangyari sayo?"
"Ano kala mo sakin? Bata?"
"Babae. Babae na pwedeng pagtulungan."
Di kagad nakapagsalita si Mikella.
"Su... Subukan lang nila noh!"
"Hay! Ang kulit mo!"
Naglakad ito nang padabog palabas ng classroom ni Mikella.
Wala na siyang nagawang iba pa kung hindi ang ipagpatuloy ang pagpilinis Habang ang mga ka klase niyang lalaki ay nagkukulitan pa din sa loob.
"Hoy! Hindi ba kayo uuwi?!"
"U..uuwi na po."

Matapos siyang makapaglinis ay diretso uwi na din siya dahil padilim na din at mas mahirap makipagsabayan sa naguuwian sa katabi nilang school.

Iniikot niya ang leeg dahil sa ngalay nang marinig niya ang pagkaskas ng gulong sa aspalto at ang tuloy tuloy na pagbusina.
"Tabi!"
"Mikella!"

Ilang segundo na ang nakalipas ay nakapikit pa din siya.
"Ayos ka lang?" Boses ito ng lalaki Habang hawak hawak ang baywang niya.
"Lyon?!"
"Gago yun ah!"
Tinayo siya nito bago tuloy tuloy na minura ang kotse na hindi man lang tumigil.
"Tama na! Ako naman yung hindi tumitingin eh."
"Pero ayos ka lang ba?"
"Oo."
"Mabuti naman. Kung hindi, hahabulin ko talaga yung mokong na yun."
"Ano... Salamat."
"Ano?"
"Sabi ko, salamat."
"Ano? Di ko talaga marinig."
Naubos na ang kaniyang pasyente at inapakan ito sa paa.
"Aw!"
"Sabi ko thank you. Bakit ba paulit ulit ka?!"
"Bakit kailangan mong mangapak ng paa?"
"Ang bingi mo eh!"
"Ito naman. Pero hindi ko tatanggapin yang thank you mo."
"Edi wag mo tanggapin."
At naglakad na Ito palayo ngunit nahawakan pa ni Lyon ang kaniyang braso.
"Sandali lang naman. Kung makapagsungit naman ito parang ang dali daling sumagip ng taong muntikan nang mabangga. Paano kung sa pagsagip ko pala sayo ako yung nabangga?"
Napatigil si Mikella at naalala niya ang pangyayaring tatlong taon ang nakakalipas kung saan ay nabangga siya para lamang mailigtas si Kasper.
Hinarap niya si Lyon.
"Salamat."
"Date kita."
"Ayoko nga."
"Isang beses lang."
"Asa ka."
"Niligtas kaya kita."
"Kahit na."
"Please."
Saglit na napaisip si Mikella. Hindi niya pa din kilala si Lyon at maaaring may masama na naman itong gawin sa kaniya ngunit kaya lamang ito nakalampas dati ay dahil kagagaling niya lamang sa sakit. Kung sakaling may gawin muli si Lyon sa kaniya ngayon ay sigurado siyang kaya niyang ipagtanggol ang sarili.
"Saan ba?"
"Bukas ko sasabihin sayo."
"Bago mag 4 tapos na tayo dapat. Hindi mo na din ako kailangan ihatid."
"Bakit naman?"
"Hanggang dalawang oras ko lang kayang sikmurain presensya mo."
Tinawanan na lamang ito ni Lyon at nang maisip ni Mikella na wala na itong importanteng sasabihin ay naglakad na siya palayo.
"Mikella."
Liningon niya ito muli.
"Wag mong sabihin kay Kasper."

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon