Chapter 5

19 0 0
                                    

Hinanap muli ni Kasper si Mikella at nang makita niya ito ay nagpanggap siya na hindi niya ito nakita at naglakad sa ibang direksyon. Kaya nang makita siya ni Mikella na papalayo ay agad siya sinundan nito.
"At San naman kaya papunta ang lokong ito?"
Bulong ni Mikella sa sarili.
Napangiti si Kasper sa sarili. Hindi pa rin nagbabago yung nakasanayan ni Mikella, isang bagay na misteryo sa kaniyang ngunit wala na siyang balak na alamin kung bakit. Tuwing tatakas siya dati ay lagi iyong nararamdaman ni Mikella at agad siya nitong susundan. Noong una ay nainis pa siya dito ngunit kalaunan ay nagustuhan niya rin ang presensya ni Mikella. Minsan ay pagtritripan niya pa nga ito.

*Flashback.*
Naalimpungatan si Mikella sa mahihinang lagabog ng paa mula sa kwarto ni Kasper na katabi niya lamang.
"tatakas na naman ang mokong." Bulong niya sa sarili.
Agad siya nag suot ng jacket at nagmadaling lumabas ng bahay upang sundan ito.
Mdalas ay hindi niya kagad ipapaalam an sinusundan niya ito upang malaman kung saan ito pupunta.
Nang makitang sa isang bar na naman ito patungo ay agad na siyang tumakbo papalapit kay Kasper at piningot ang tainga nito.
"At akong balak mo na naman gawin? Ha? Magpapakalasing ka na naman hayup ka?"
"Aray!"
"Tsk! Tara na nga at umuwi na tayong lassenggo ka!" kunot noo pa rin si Kasper dahil sa gulat ngunit nang matauhan ay agad niyang inagaw ang kamay mula kay Mikella.
"Ano ba? Bakit mo ba ako pinipigilan?"
"Hindi mo ba alam na nagaalala ang mga magulang mo sayo, at anong ginagawa mo puro ka alak!"
"Ano naman pakialam mo? Magulang din ba kita?"
"Hindi pero nagaalala din ako para sayo!" at sabay kinaltokan niya ito sa ulo.
Nanlalaki pa rin ang mata ni Kasper, at hindi niya alam kung bakit ay parang nagiinit ang pisngi niya.
Matagal siyang tiningnan ni Mikella bago ito muling nagsalita.
"kung gusto mo talagang makalimutan yan, hindi alak ang sagot." bago siya nito hinawakan sa kamay at hinatak.
"hoy! Saan mo ba ako dadalhin?!"
"Tsk! Mamaya makikita mo?"
"Ayoko nga!"
"Gusto mong makatanggap ng isang pang kaltok?"
"Hindi po"
Matapos ang mahabang paglalakad ay nakarating din sila sa track and field kung saan madalas nagprapractice dati si Mikella.
Nang makalakad sila sa pinaka gitna ng field ay nagulat na lamang si Kasper nang biglang dumapo ang kamay ni Mikella sa zipper ng hoodie niya.
"Hoy! Anong ginagawa mo?"
"Tanggalin mo to at baka Di ka makahinga ng maayos. Tatakbo tayo"
"Bakit ayoko nga."
"Edi wag."
Nang akmang Tatakbo na si Mikella ay bigla siyang nagsalita.
"kung sino matalo siya manlilibre ng pagkain  mamaya."
At ayun nga, napatakbo na rin si Kasper. Mas mabagal ito kay Mikella ngunit dahil sa kaniyang tuwa na ginagawa na rin ni Kasper ang mga ganitong bagay ay nais niyang iparanas dito ang manalo naman kaya  nagpabagal siya nang kaunti at nang manalo si Kasper ay hindi makakalimutan ni Mikella ang ngiti nito. Ito ang unang beses na nakita niyang sobrang saya ni Kasper.
*End of flashback*
Sinusundan pa rin ni Mikella sa Kasper na ngayon ay nakapasok na sa loob ng mall.
Madalas ay titigil si Kasper upang pakkramdaman kung nasa likod niya pa nga si Mikella at kapag naramdaman niya na Ito ay magpapatuloy siya sa paglalakad.
Sa una ay pumasok muna si Kasper sa isang store na puno ng damit pang babae na ikina taka ni Mikella. Para kanino naman kaya ito? Hindi na pumasok si Mikella sa loob at nagmasid naman sa malayo dahil masikip lamang ang boutique.
Ilang minuto pa ang nagdaan ay lumabas na Ito nang may dalang isang paper bag.
Sunod naman ay pumasok ito sa isang boutique na puno ng sapatos pangbabae, tulad nang kanina ay hindi na rin pumasok si Mikella hanggang sa lumabas si Kasper na may dalang panibagong paper bag.
"Ano bang pinaggagagawa nitong lalaking ito?"
At nang akala naman ni Mikella na lalabas na Ito ay bigla na lamang itong pumasok sa optical store.
Hindi muli pumasok si Mikella at nagmasid mula sa labas. Halos dalawang oras din ang lumipas at sumapit na ang gabi bago pa makalabas si Kasper.
Matapos nito ay pumasok naman siya sa isang bookstore at lumabas nang may maliit na paper bag.
"Ang daming pinamimili nito ah."Bulong ni Mikella sa sarili.
Narinig niya na ang pagtunog ng tiyan niya ngunit ay hindi pa din umuuwi si Kasper.
Sunod ay pumasok na Ito sa isang restaurant at mabilis na lumabas kagad na may dalang panibagong paperbag.
"Umuwi ka na please. Gutom na ako at antok. Ang dami ko pang assignment" Bulong ni Mikella sa sarili at nang palabas na nga ito ng mall ay hindi niya mapigilan ang pagngiti.
Agad niya tinawagan ang driver at sinabi  kung asan si Kasper upang doon na sunduin at Di katagalan nga ay dumating na Ito.
"Magcocommute na lang din siguro ako para Di niya malaman na sinundan ko siya" Bulong ni Mikella sa sarili bago lumiko ngunit biglang lumingon sa direksyon niya si Kasper.
"hoy! San ka pupunta?"
"Ha? Hahaha. Ano sa cr, jejebs ako. Bakit?"ngumiti siya na guilty na ikinatawa ni Kasper.
"Pwede naman sa bahay mo na lang gawin yon. Nakakahiya naman sa mall, Di ka na nga bumili ng something makikitae ka pa." at dahil malayo sila sa isat isa ay malakas ang kaniyang boses kaya nagtinginan ang mga tao kay Mikella.
"Gago talaga toh. Sige isigaw mo pa, hindi pa rinig ng buong mall eh" at padabog siyang naglakad papuntang kotse upang magtago dahil sa sobrang hiya.

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon