Chapter 16

13 0 0
                                        

Chapter 15
Nang nakauwi na si Kasper mula sa opisina noong gabing iyon ay agad na tumakbo si Mikella papunta ng kwarto niya upang magtago at iparamdam dito ang galit.
Umakyat si Kasper sa kwarto ni Mikella at pinihit ang hawakan ng pinto.
"Anong kailangan mo?"
"Alam kong gutom ka pa."
"Hindi ako gutom."
"Mikella. I'm not mad at you. I swear."
"Pake ko."
"Wanna eat something?"
"Ayoko."
"Don't lie to me."
"Nawalan ako ng gana nung nakita kita!"
Natawa na lamang si Kasper at Lumapit dito.
"Come on. I brought food. Alam kong hindi mo kinain yung maanghang mong niluto."
"Ano naman?!"
"Mikella."
"Oh?!"
"Ang ganda mo pa din kahit galit ka." Pangaasar nito.
"Leche ka! Lumabas ka nga." Tinulak niya ito palabas ng kwarto. Tumawa na lamang si Kasper at linapag ang pagkain sa kama ni Mikella bago nagpatangay palabas.
"Goodnight sungit."
"Anong nakain nung asong yun? Kanina pagkasungit sungit. Ngayon namamlastic. Ang sarap imudmud sa inidoro eh."
"Pinagtritripan niya ba ako?!"
"At ano toh?Peace offering? Umpog ko kaya kita sa gasul."
Kinuha niya ito at binuksan. At Di niya na mapigilan ang takam nang tumunog ang tiyan niya kaya nilapag niya ito sa lamesa ngunit bago siya magsimulang kumain ay nilock niya muna ang pinto.
"Kinakain ko lang toh dahil ayokong magsayang ng pagkain."Bulong niya sa sarili.
Narinig naman iyon ni Kasper na nakadikit ang tainga sa pintuan kaya't napangiti siya.

Kinabukasan.
Hindi muli pinansin ni Mikella si Kasper nang dumaan ito sa harap niya.
" Are you still mad at me? "
Nilagpasan lang siya nito na parang hangin.
"Karmahin ka sana sa kaartehan mo." Bulong ni Mikella sa sarili.
"Sinong maarte?" Napatingin kaagad si Mikella sa harapan at nandoon si Lyon.
Nilagpasan lang din siya ni Mikella.
"Hoy! Sinong maarte?"
Nang magtuloy tuloy si Mikella sa paglalakad ay naubusan ito ng pasensya kaya't Lumapit siya dito at hinawakan ito sa pulsuhan.
"Kinakausap kita."
"Ano ba?! Epal ka bata?! Ano? Ikamamatay mo ba kapag Di ka sinagot?! Bitawan mo nga ako nasisira lalo umaga ko sa'yo."Hinatak niya ang kamay bago naglakad muli palayo.
"Ah. Matigas ka ah."
"Sinasabi ko sayo, Lyon. Layuan mo si Mikella kung ayaw mong ako ang tumapos sa'yo." Sabi ni Kasper at tumabi sa lalaki.
"Tingin mo kaya mo akong takutin, ha?!"
"Hindi lang kita tinatakot, Lyon. Binabantaan kita." At naglakad ito palayo.
Ngunit hindi na Ito pinansin ni Lyon at muli sinundan si Mikella. Kaya nang sumapit ang lunch break ay agad na pumasok ito sa classroom ni Mikella at tinabihan ito.
"Hindi ka ba kakain?"
Hindi pa din siya pinansin nito at patuloy lang ito sa pagbabasa ng libro.
"Mangangayayat ka niyan."
"Hoy! Manhid ka ba o makapal lang mukha mo? Mukha bang gusto kitang kausapin?!"
"Bakit ba ang layo ng loob mo sa akin?!"
"Hindi mo na ba natatandaan yung ginawa mo sa akin dati? Pinagtulungan niyo ako sa likod ng school."
"Ang tagal na nun. Nakalimutan ko na nga. Hindi mo pa ba nakakalimutan?"
Tumayo na si Mikella at naglakad papalabas ng classroom nang magpakita naman si Kasper sa kanya.
"Hey! Kakain ka ba? Sabay na tayo!"
"Isa ka pa! Ako nga pagtitigilan niyong dalawa?! Gusto niyong pagpalitin ko mga mukha niyo?! Tabi nga!" Tinulak niya si Kasper patabi at nagwalk out.
Nagtinginan naman ang dalawang lalaki.
"Diba sinabi ko sayo layuan mo siya?!"
"Eh ayaw ko eh. Bleh."
"Ha! Akala mo may pagasa ka pa sa kanya?! Nagkiss na kami noh! Dalawang beses na!" Nakangisi ito.
"Ano naman?! Pustahan tayo pinilit mo lang siyang halikan ka."
"Inggit ka lang."
"Gusto mong tatluhin ko pa eh."
"Sub-"
Hindi na nila natuloy ang sasabihin nang binato sila ni Mikella ng eraser ng blackboard.
"Bastos!"
Lumapit ito at parehong hinatak sila sa buhok bago binato palabas ng classroom.
"Wag na kayong bumalik dito! Ang skandaloso niyo!" At pabagsak na sinara ang pintuan.
"Akala ko ba naghalikan na kayo? Bakit ganon ka na lang niya tratuhin? Magkalevel lang pala tayo eh."
"Ayos lang. Paguwi namin sa bahay nagbabago na ugali niya noh. Pinagluluto niya pa nga ako eh."
"Ano ka bata?!"
"Ano naman kung bata?! Inggit ka?!"
"Bakit ako maiinggit?!"
Muling bumukas ang pintuan.
"Bumalik na nga kayo sa mga classroom niyo. Balik!"

Nang natapos ang araw ay pumunta na si Kasper sa classroom ni Mikella ngunit naningkit na naman ang mata niya nang makita niya ang nakangising mukha ng isang lalaki.
"Nauna ako sa'yo."Pangaasar nito.
" Kahit na mauna ka sakin, sa bahay ko pa din siya uuwi. "
"Ano? Tinatanggap mo na bang hindi mo siya masusundo ngayon?"
"Ano ka?! Hilo?! Tingin mo hahayaan kong malapit ka kay Mikella?! Eh baka kung ano pang gawin mo sa kanya?!"
"Kasper!" Napalingon sila sa boses ni Mikella.
"Oh?!"
"Tara na!"
Bumaling naman ito kay Lyon.
"Ano?! Inggit ka noh?!"
Bago ito patalong tumakbo papunta kay Mikella.
Ngumisi na lamang si Lyon bago naglakad palayo.
"Hoy! Kayong dalawa! Kung magaaaway kayo, wag niyo ngang idamay pangalan ko! Nakakahiya kayo."
"Bakit ako pinapagalitan mo?!"
"At bakit?! Hindi ka ba kasali sa away niyong dalawa?!"
"Siya pagalitan mo."
"Sige sumagot ka pa."
"Ano ka nanay ko?!"
"Hindi. Pero naiirita ko sa bibig mo kaya manahimik kang gago. Tara na nga!"

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon