Chapter 20

9 0 0
                                        

Chapter 19
Pumulot nang tatlong bato si Mikella nang makita niya kung saan siya nais dalhin ni Lyon. Papasok na sila ng Gate ngunit hindi man lamang umiimik ang lalaki.
"Pag eto talaga may masamang balak..." bulong ni Mikella sa sarili.
Malai ang bahay nito. Malinis at engrande ang Gate, may mga halamanan sa labas. Dalawa ang kotseng nakaparada at parehas itong nangingintab sa ilalim ng sikat ng araw.
"Hoy! Bakit nandito tayo?"
"Ano naman? Eh natutulog ka pa nga sa bahay ni Kasper eh."
"Gago ka ba?!"
Nang makapasok sila ay kapansin pansin ang maluwag na espasyo.
"Welcome."
Masama pa din ang tingin sa kaniya ni Mikella kaya ngumiti siya nang pilit.
"Bakit ba kung makatingin ka sa akin parang lalapain kita ng buhay? Pinapabisita lang naman kita sa bahay ko."
Nang mapansin niya ang tingin ni Mikella ay nawala ang ngiti niya
"Tsk! Mag relax ka lang nga muna! Umupo ka diyan sa sofa. Ano naman magagawa ko sayo eh mukhang ayaw mo nga akong palapitin eh?"
"Hindi talaga kita papalapitin sa akin."
"Hahaha."
Pumunta siya ng kitchen at kumuha ng pitchel ng juice at dalawang baso bago bumalik mula sa sala kung nasaan si Mikella.
"Oh. Uminom ka muna ng juice. Wag ka magalala. Once na nakita mo na bahay ko lalabas na din tayo."
Ininom ni Mikella ang juice bago tumayo.
"Bakit ba kasi hindi na lang tayo umalis ngayon?"
Napahawak siya sa ulo.
"Mikella? OK ka lang?"
"Lyon..."
At tuluyan nang nagdilim ang paningin niya bago siya bumagsak sa sahig.

"Hoy! Lyon! Bakit mo ba kasi kami pinatawag dito?! Nageenjoy na kami sa mga kasama naming babae eh."
"Gago ba kayo?! Gusto niyong may makakita sa inyo at sisihin ang kumpanya ng tatay ko?!"
"Hindi naman sa ganon."
"Tsk! Pinatawag ko kayo dito para manood. Kaya wag kayong magalala. Makakalimutan niyo yang mga babaeng kasama niyo kanina kapag nakita niyo ito."
Nanlaki ang mata ni Mikella nang mapagtanto niya kung asaan siya. Mukha itong kwarto ng lalaki ngunit kumpara sa kwarto ni Kasper, mas makalat ito at punong puno nang malaswang poster ang mga dingding. Nang subukan niyang gumalaw ay naramdaman niya ang tape na nakagapos sa mga kamay at paa niya, maging sa bibig niya.
Nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa posisyon niya bago ang pagalis ng isang manipis tela na nakataklob sa kaniyang katawan.
"Oh! Gising ka na pala eh?" Nakangisi nitong tanong.
"Mm!" Sigaw niya ngunit dahil sa nakatakip na tape sa kaniyang bibig ay walang lumalabas na salita.
"Grabe ka naman, Lyon. Bakit pati ba naman yung magaganda niyang labi tinakpan mo?"
"Oo nga pala." At tumawa ito bago pabiglang hinatak ang tape.
"Ahhh!"Sigaw ni Mikella.
" Sorry! Hindi ko makontrol yung galaw ko. Ayos ka lang ba? "Hinawakan nito ang baba niya kaya't mabilis niyang iniwas ang mukha.
Lumayo si Lyon sa kanya bago naglakad papunta sa mga lalaking kasama.
" Paano ba yan? Panalo ako. Asan na yung pusta niyo? "
"Ang daya mo Lyon. Sabi namin ikama mo, hindi kidnappin."
"Oo nga. Eh mukha ayaw naman niyan sayo oh."
"Tsk! Magugustuhan din niya yan. Bigay niyo na nga sakin yung pera!"
Naglabas sila isa't isa ng mga lukot lukot na papel na pera pati barya.
"Nakakahiya naman tong pera niyo!"
Tinapon niya ito sa mga mukha nila bago inabot ang isang case.
"Ipapakita ko sa inyo yung totooong pera ha!"
At Naglabas siya ng isang makapal na salansan ng pera bago naglakad sa harap ni Mikella.
"Diba ito yung dahilan kaya ka nagtratrabaho para kay Kasper?" Bulong nito Habang nakangisi at halos masuka na si Mikella nang biglang dumapo ang kamao nito sa kaniyang tiyan.
"Sagot!"
"Psh!"
Nagulat si Lyon sa tinuran ng babae kaya tinapon niya ang pera sa mismong mukha nito.
"Hoy! Tingin mo kaya mo pang magyabang yabangan diyan, Mikella. Wala ka nang magagawa! Lahat ng tao dito kaya kang patayin, bugbugin, sampalin, sunugin! Pero wag kang magalala. Hindi ko yun gagawin sayo. May awa pa naman ako."
Ngumisi si Mikella.
"Awa? O baka naman takot? Natatakot ka sa kung anong kaya kong gawin sayo kaya may bantay ka pa."
Tumawa ito bago naglakad palayo.
"Hahaha! Niloloko mo ko. Niloloko mo lang ako. Sinasabi mo lang yan dahil gusto mong pakawalan kita!"
Saglit na yumuko si Mikella.
"Wag kang magalala. Ginawa ko na yun para sayo." At tinaas niya ang kamay na ngayon ay libredo na mula sa tape bago malakas na hinatak ang tape niya sa paa at tumayo.
"Pa... Paano?"
"Hindi ko kayang manatili sa isang silid kasama ang mga hampas lupa tulad niyo eh. Nakakasuka!"
"Hampas lupa?! Ikaw ang hampas lupa sa atin."
Lumapit siya dito bago hawakan ito sa kwelyo.
"Ma's dukha ang mga taong tulad mo, sinusukat ang ibang tao batay sa katayuan nila sa buhay! Ikaw ang nakakaawa, Lyon!"
"Hoy! Ilayo niyo nga itong baliw na babaeng ito sa akin!"
Nang makalapit ang Iba ay agad na kinuha ni Mikella ang isang silya bago ito pinukpok sa uli ng pinakamatangkad. Apat lamang ito at nang nawalan ng malay ang isa ay mas lalong nawalan ng lakas loob ang Iba pa.
"Hoy! Babae! Tingin mo kaya mo kami?!"
Sinipa ito sa sensitibong part ng katawan ni Mikella kaya napaluhod ito.
"Puro ka hangin."
Nang akmang sasaksakin siya ng isang mataba ay aga niyang nasipa mula sa hawak nito ang kutsilyo tsaka ito pinulot.
"Hindi ako marunong gumamit nito kaya subukan niyong Lumapit at baka mapatay ko kayo!"
Panghahamon niya kaya't napatakbo ang dalawa pang lalaki.
Nang wala nang ibang makakalaban kay Mikella ay hinarap niya si Lyon.
"Saglit! Bakit ba ang lakas mong babae ka?! Lalaki ka ba?!"
"Gusto mong putulan kita ng dila?!"
"Sandali!"
Dumukot ito sa bulsa at may Nilabas na kwintas.
"Wag mo akong saktan! Kung hindi, hindi ko I ibibigay to sayo!"
"Saan mo nakuha yan?!"
"Nung niligtas kita. Kinuha ko to."
Bumugtong hininga si Mikella bago kumuha ng bato sa bulsa niya at binato sa mata si Lyon.
"Aray!"
Maliit lamang ito ngunit dahil sa malakas na pagkakabato ay napatumba papaatras si Lyon at nalaglag niya ang kwintas.
Pinulot iyon ni Mikella bago tumayo.
"Tama ako at masama ang kutob ko sayo. Pero Di ko inaasahan na ganyan ka kababang tao." At naglakad ito palayo.
"Sandali!"
Tumgil siya sa paghakbang.
"Kung wala kang tiwala sakin. Bakit ka sumama?"
"Dahil utang na loob ko sayo ang buhay ko."
"Ha?"
"Diba niligtas mo ko?"
"Pero muntikan ka nang mapahamak?"
"Alam ko."
At naglakad na siya palayo.
"Ang tanga mo, Mikella." Nakangiting bulong ni Lyon sa sarili bago naupo nang tuluyan at huminga.

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon