Agad na napatayo si Kasper mula sa pinagkakaupuan niya at agad na tumakbo papunta kay Mikella.
"Hey"
Nagulat siya nang mahawakan niya ito ay mainit ang buong katawan nito kaya hindi na siya nag sayang ng oras at dali daling binuhat si Mikella papuntang kwarto niya.
Nang maihiga niya si Mikella ay saglit na nagising ito.
"Kasper... Hayup ka" Mahina nitong sabi.
"I know. I'm sorry. Nakalimutan kong andun ka pa pala."
"ang lamig."
Doon lamang napansin ni Kasper ang basang damit ni Mikella.
"Ano... Yung damit mo kasi p... Pano ba?"
Ngunit hindi na siya sinagot nito at nakatulog na Ito.
"hindi ko naman siguro siya kailangan palitan. Kukumutan ko na lang siya."
Kinumutan niya ito at tumayo siya upang magluto ng makakain ni Mikella.
Pinili niyang magluto na lamang ng lugaw.
Nagsimula nang maghiwa ng gulay si Kasper.
Hindi siya masyadong magaling magluto dahil may taga luto na ang kanilang pamilya ngunit natutunan niya din ang mga simplenh pagkain dahil tinuruan siya ni Mikella.
Nang matapos niyang maluto ang pagkain ay dinala niya na Ito sa taas kung asan si Mikella.
"Achoo! Achoo! Cough cough cough! Sniff!"
Tuloy tuloy ang pagubo ni Mikella dahil sa lamig.
Nilapag muna ni Kasper ang bowl ng lugaw at agad na tumabi kay Mikella.
"Mikella! OK ka lang?" Kinapa niya ang noo ni Mikella at napagtantong mas uminit pa ito.
"ang.... Lamig... Achoo!" ang lalim ng kunot sa noo nito Habang ramdam ni Kasper ang panginginig nito.
"kailangan ko talaga siyang palitan ng damit." bulong niya sa sarili
Tumakbo na siya sa drawer niya sa tabi ng kama at kumuha ng pajama niya. Malaki ito at makapal kaya't siguradong bubuti ang pakiramdam ni Mikella dito.
Ngunit nang hinarap niya si Mikella ay biglang nanginig ang kamay niya.
"Papalitan ko lang siya ng damit dahil may sakit siya." bulong niya sa sarili.
Sinimulan niyang tanggalin ang buttones sa blouse ni Mikella.
Tatlong taon na silang mag kakilala ngunit ito pa lamang ang unang beses niyang makikita ang katawan ni Mikella kaya't Di niya mapigilan ang kabahan.
Nang matanggal niya ang pagkakabutones nito ay agad niya sinuot dito ang pantaas ng kaniyang pajama. Hindi niya napansin na baliktad ito ngunit hinayaan niya na lamang.
Sunod ay pinatong na lamang niya ang pambaba ng pajama bago tinanggal ang skirt ni Mikella at ang mejas niya.
Nang matapos niya itong mapalitan ng pajama ay huminga siya nang malalim bago kumuha ng maraming unan mula sa cabinet niya pati na rin ng isa pang comforter at pinatong ito kay Mikella.
"Sorry kung masikip or mabigat. Kailangan ko lang takpan ng todo ung katawan mo," bulong nito kay Mikella Habang pinalilibutan ito ng unan.
Umupo na si Kasper sa kaniyang sofa at pinagmasdan ang mukha ni Mikella. Namumutla pa rin ito at nanginginig.
Bigla niyang naalala na hindi pa pala ito nakakakain kaya't agad niya itong nilapitan.
"Saglit lang Mikella, kumain ka muna bago ka matulog."binangon niya ito bago dinampot ang bowl ng lugaw at nagsimulang subuan ito.
"Mama,"
Nagulat siya nang bigla na lamang tumulo ang luha sa mata ni Mikella.
"Tawagan ko ba si Tita?"
Ngunit hindi na siya nasagot nito dahil nakatulog na ulit ito.
"goodnight, I guess."
Nang sumapit ang umaga ay naunang magising si Mikella kaysa kay Kasper, hindi na gaanong masama ang pakiramdam niya at mas kaya niya nang tumayo.
Agad niyang napansin na nasa kwarto siya ni Kasper at natutulog ito sa sofa lamang.
Lumapit nmn siya dito at tinapik ito sa balikat.
"Hoy. Kasper. Gising."
Ngunit hindi man lamang ito kumibo kaya minarapat niyang lumabas muna sa kwarto nito at magluto ng pagkain. Wala ang Iba kasambahay sapagkat tapos na ang shift nila sa linggong iyon.
Marahil ay nasa bahay na rin ang mga magulang ni Kasper ngunit nagtratrabaho sa kanilang mga silid.
Habang nagluluto siya ay naramdaman niya ang pagbaba ni Kasper mula sa silid nito.
"you're up already?"
"Ah. Oo. Ayos na pakiramdam ko."
"let me check."
At Lumapit ito kay Mikella ngunit dahil sa gulat ay natulak siya ni Mikella.
"Hey. What's your problem!?"
"Huh?Ano.. Nagulat lng ako."
"Is it because I kissed you?" bruskong na patingin si Mikella kay Kasper na ngayon ay seryoso ang mukha.
"Look. That was a drunken mistake. Ni hindi ko nga alam na ginawa ko yun eh. I'm sorry. And wag mo siya masyadong isipin. Wala lang yun."
"alam kong wala lang yun noh." galit na sabi ni Mikella bago umikot at binaling ang atensyon sa niluluto. 'pero bakit parang ang sakit? Sa kanya wala lang iyon.'
Buong oras na kumakain sila ay hindi niya kailanman tiningnan sa mata na ikinabahala ni Kasper. Natural na sa kanya ang pagalitan at pagsabihan ni Mikella at kung tutuusin, kahit na naiirita, mas gusto niya iyon kaysa ganitong parang hindi sila mag kakilala.
Mula sumakay sila ng kotse hanggang sa pag dating sa school ay hindi sila kailanman nagtinginan.
"Mikella. May-" hindi natuloy ni Kasper ang sasabihin nang nilampasan siya ni Mikella.
'The hell?! What's wrong with her?' isip niya. Alam niyang hindi pa gaano rin magaling si Mikella at nais lamang niyang tanungin kung may masama pa rin itong nararamdaman.
"Bala na nga."
At pumasok na siya sa kaniyang silid. Magkaiba sila ng section ni Mikella. Sapagkat Iba ang antas ng grado nila. Si Mikella ay nabibilang sa mga matatalino at magagaling sa sports Habang si Kasper naman ay nabibilang sa matatalino at magagaling sa akademiko.
Nang sumapit ang uwian ay tumayo na si Mikella at dali daling lumabas ng classroom upang matakasan si Kasper. Nang nakita niyang wala na Ito doon ay tumakbo kagad siya palabas ng building at nagtungo sa likod nito papuntang parking lot.
"Hoy, Ms. Saviour. Diba ikaw yung nasa Cafeteria nung isang araw?" Napatigil si Mikella sa pamilya na boses at lumingon upang tingnan kung sino ito.
Tama nga ang kaniyang hinala ito yung tatlong lalaking naka away niya at ni Kasper sa cafeteria..
"Anong kailangan mo?" Lumabas din mula sa likod nito ang dalawa pa nitong kasama.
Napatingin si Mikella sa paligid. Walang tao at madilim.
"Kailangan ko? Simple lang. Gusto kong lumuhod ka at mag sorry. O Di naman kaya..." Lumapit ito kay Mikella Habang tinitingnan ang buong katawan niya. "Ito na lang ang kapalit."
Mabilis na nahatak ng lalaki si Mikella at dhail nga kakagaling pa lamang sa sakit ni Mikella ay Mahina pa siya at Di niya kayang pumalag.
"Tulong!" Mahina niyang sigaw.
"oh. Anong nangyare sayo? Eh parang nung isang araw lang ang tapang at ang lakas mo pa?" Nakangisi nitong sabi na tinawanan lang ng dalawa niya pang kasama.
"o baka naman gusto mo din to?"
Pumatak na ang luha ni Mikella dahil sa takot pati na rin sa sakit ng uli na nararamdaman niya.
"Ano? Gusto mo b--" hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin ng bigla na lang may dumapong suntok sa kaniyang pisngi.
"Kasper?"
"Subukan mong hawakan ulit siya gamit yan madumi mong kamay, hindi lang mukha mo ang paduduguin ko."
"Si Kasper"
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
