"Kasper anak?" Agad na napahiwalay Si Kasper kay Mikella nang marinig ang boses ng nanay niya sa bandang pintuan.
Nang lumingon siya sa pintuan ay kitang kita ang gulay sa mukha ng nanay niya.
"Mom."
Umiling ang nanay ni Kasper na para bang may naalala at tumingin sa kanya.
"Your dad is in critical state."
Parang tumigil ang mundo ni Kasper sa salita ng nanay.
"Asan siya?"
"He's in the hospital right now and you have to come. Mikella please come with us."
Nagulat na lamang si Mikella nang hinawakan bigla ni Kasper ang kamay niya bago siya hinatak palabas ng bahay papunta sa kanilang kotse.
Bago sila pumasok ng hospital room ng tatay ni Kasper ay hinigit ni Mikella ang kamay mula sa hawak nito, kaya tumingin sa kanya si Kasper.
"Bakit?"
"Dito na lang ako sa labas."
"Sige na Kasper. Pumasok na muna tayo."
Pumasok na silang dalawa ng kaniyang nanay at naiwan si Mikella sa labas. Umupo muna siya sa isang upuan at nagdasal.
"Dad?" Dahan dahan itong lumingon sa kanya habang ang labi nito ay namumula at may tubong nakasalpak sa bibig nito.
"Son."
"Anong nangyare sainyo?"
"Your dad is suffering from a chronic kidney diseased. Secretely, he has been visiting the hostpital a lot lately hoping na there's going to be something that we can do for him, but until now, wala kaming magawa."
"Bakit di niyo ginawa ang lahat?"
"Maniwala ka samin Kasper, we did everything we can."
"KUNG GINAWA NIYO ANG LAHAT, HINDI AABOT NANG GANITO SI DAD. NAPAKA IRONIC NAMAN. MAY PAGMAMAY ARI NA NGA KAMIN ISANG OSPITAL, NAGKASAKIT PA SIYA."
"KASPER, CALM DOWN" Sinigawan na siya ng sariling nanay.
"How can I calm down!"
"This is not the right time and place for an outburst."
"Anong gusto niyong gawin ko?!" Lumapit na dito ang nanay niya at hinawakan siya sa balikat.
"Kailangan ka ng tatay mo ngayon, pati ng kumpanya."
Napatingin si Kasper sa nanay niya.
"What do you mean?"
"You'll temporarily hold rights to the company, hanggang sa kayanin mong pamahalaan ito."
"Anong pinagsasabi niyo?"
"Kasper anak, hindi na ako tatagal. Mahirap nang hindi tayo handa."Sabi ng kanyang ama kahit na hirap itong magsalita.
"No. Hindi ako papayag."
"Anak naman. Isipin mo ang kapakanan ng kumpanya, ang kumpanyang pinalago ng tatay mo."
"Dahil alam kong gagaling ka pa dad. Gagaling ka pa and you'll go back to being this company's ceo!"
"Kasper. We all have to accept the fact and at least bid him goodbye happily."
HIndi na kinaya ni Kasper ang sakit at lumabas siya ng ospital room na yon bago tumakbo si mas mataas pa na floor at pumasok sa isang vacant na room.
Nang makita ni MIkella ang pagtakbo ni Kasper ay sinundan niya kaagad ito at sinilip ang kalagayan nito.
Nasa bandang bintana ito, nakatanaw sa labas habang ang kamay ay nakahawak sa bandang ulo.
Dahan dahang binuksan ni Mikella ang pintuan bago pumasok.
"Get out!"
"Ayoko"
Humarap sa kanya si Kasper, at yun ang unang beses na nakita niya ang galit sa mata nito. Nagulat na lamang siya nang dinampot nito ang isang vase na nakapatong sa bed side table at binato ito sa isang pader.
Kahit na natatakot siya ay pinilit ni Mikella na wag ipakita ang kahinaan kay Kasper. Lumapit siya dito.
"Kasper, makinig ka sakin."
Lumingon ito sa kanya, hinihingal at nakakunot ang noo.
"Mikella. Gagaling pa si dad, diba? Diba?!"
"Hindi ko alam. Walang nakakaalam. Ang alam ko lang ngayon, ayaw ko na magsisi ka. Ayoko na magaya si papa mo sa lolo at lola mo. Dahil hindi natin kayang iligtas lahat ng tao. Dahil hindi nating kayang tanggaling yung sakit na nadarama nila. Dahil si papa mo, sigurado akong nasasaktan din siya, sa dinaramdam niya ngayon. Pero nagpapakatatag siya dahil ayaw niyang makita mo siyang mahina. Kaya ikaw, lakasan mo din loob mo."
"Ayokong tanggapin."
"Alam ko. At wag mong pilitin ang sarili mo na tanggapin."
"Natatakot ako."
"Mas natatakot siya."
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko."
"Andyan yung mama mo, anyan si tito mo, andito ako."
Matagal ang katahimikan na bumalot sa kanila bago lumambot ang mukha ni Kasper at yumuko.
"Stay with me, please."
Tumango lamang si Mikella ngunit naramdaman na ito ni Kasper at bahagya siyang ngumiti.
Umupo si Kasper si isang kama habang nakatatayo sa harap niya si Mikella. Bumaba ang kamay niya sa bewang nito.
"Kasper, hindi ka ba babalik dun?" Tanong ni Mikella.
"Saglit lang. 5 more minutes."
"Ano ba ginagawa mo?"
"Kumukuha energy sayo."
Binatukan naman siya ni Mikella sa ulo.
"Korny mo, gago. Tara na nga!" (Sorry alam kong sad tong chapter natoh pati next chapt pero kapit lang kayo after nung happy uli tayo hahaha, peace xoxo)
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
