Chapter 12

11 0 0
                                    

Magkawak kamay na pumasok sila Kasper at Mikella sa hospital room ng tatay ni Kasper.
"Anak"
"Kasper."
"Fine. I'll do it. Pero in one condition, actually make it two. One, since gagawin ko yung trabaho mo, gusto kong magpagaling ka. And two, Mikella will stay by my side."Napatingin si Mikella sa sinabi ni Kasper.
Ngumiti naman ang nanay ni kasper pati na rin ang tito at ang tatay niya.
"Sabi ko sa inyo eh, si Mikella lang ang magpapapayag kay Kasper, buti na lang pinasama mo siya Thea."Sabi ni Doctor Vince, tito ni Kasper.
"Buti nga."Nakangiting sabi ng nanay ni Kasper bago nito binaling ang tingin kay Mikella.
"Mikella, can we talk?" Nagulat pareho si Kasper at Mikella nang sabihin iyon ng nanay ni Kasper. Sabay silang nagtinginan at kinabhan.
"Mom, if this is about earlier, I ca-"
"Tara, Mikella. Sa labas tayo magusap." Bumitaw na si Mikella sa hawak ni Kasper at sinundan ang nanay nito palabas ng hospital room. Alam niyang mabait ito ngunit ano na lang ang iisipin niya kung makita niya na ang taong pinagkatiwalaan niya sa anak niya ay hinalikan ang anak niya mismo.
Nakaabot sila sa isang tagong parte sa ospital. Nakayuko pa din si Mikella.
"I have to admit. Nagulat pa din ako nung nakita ko yung kanina. In expect na rin namin na you two will develop feelings for each other lalo na't lagi kayong magkasama. And sa nakita ko ngayoon, I wont mind if you two stay together."
"Maam hin-"
"Call me tita."
"Po?"
"Mikella, please stay by his side, always."
Hindi maisip ni Mikella ang sasabihin niya kaya nang marinig niya ang boses ni Kasper mula sa malayuan ay nakahinga siya nang maayos.
"Mom. Let me explain."
"At ano naman iyon?"
"I kissed her first."
"Alam ko."
"Please dont get mad."
"Sa kanya hindi ako galit. Sayo,oo. Hinalikan mo siya sa loob ng kwarto mo? Goodness, Kasper. Learn to treat a lady right. You haven't even told her how you felt and yet you kissed her." Panenermon nito bago ginulo ang buhok ng anak.
"Stop talking about the kiss"
"Fine. I'll be leaving. Mauna na kayong dalawa umuwi sa bahay dahil sasamahan ko muna daddy mo."
Umalis na ito at iniwan sila. Nagulat na lamang si Kasper nang bigla siyang nakatanggap ng kaltok mula kay Mikella.
"Aw! What was that for?"
"Bakit mo ako biglang hinalikan kasi kanina, hayup ka? Ano, it was a mistake na naman?"
"No, it wasn't"
"Edi bakit nangbibigla ka jan?"
"Pag ba nagpaalam ako papayag ka?"
"Hindi"
"Kaya hindi ako nagpaalam."
"Ah ganun."Tinusok niya tagiliran nito bago kiniliti ito sa leeg.
"Stop. Hahahaha."
"Tara na nga at umuwi sa bahay."
"Don't you think para na tayong magasawa?" Napansin naman ni Kasper ang pamumula ni Mikella.
"Itong kamao ko, gusto mong asawahin?"
"Why so harsh? Para namang hindi pa tayo nagkiss"
"HIndi ka talaga titigil?"
"Hindi, bleh." Sabay takbo palayo sa kaniya.
"Isip bata!"At naghabulan sila hanggang sa makalabas pareho ng ospital.
Ngunit nakasalubong nila ang malakas na ulan kaya't agad na nabasa ang buong katawan nila.
"Argh! Ang lamig!" Reklamo nila habang tumatakbo papunta kotse.
"Hoy! Bilisan mo ngang mag drive at gusto ko nang magpalit paguwi!"utos ni Mikella.
"Itinaas na sa signal number 4 ang bagyo ngayon at inaasahan ang mga brownout sa ilang Lugar." napatingin si Mikella sa radio.
"Brownout?" Usisa niya. Takot ito sa madilim kaya't nang marinig niya iyon ay pinagdasal niya na sana hindi umabot sa Lugar Nila ang brownout.
"You okay?"
"Ah. Oo."
"Bakit parang nanginginig ka?"
"Nilalamig ako eh."
"Lalamigin ka talaga niyan ang nipis ng suot mo eh."
"Tsk bastos! Wag mo ngang tingnan suot ko!"
"Hindi kita sinisilipan. Concerned ako sayo. Bakit ko naman sisilipin ang nakita ko na?" Biro nito.
Dinampot ni Mikella ang suklay malapit sa kanya bago ito binato kay Kasper.
"Bastos ka. Sinilipan mo ako? Kelan?"
"Di mo ba naaalala. Ako yung nagbihis sayo nung nagkasakit ka?"
"Hindi ko na naalala yun. Anong nangyare ha? Minanyak mo ko noh?"
"Ikaw mamanyakin ko. Ni hindi nga ako na turn on nung natanggal ko blouse mo eh."
"Gusto mong dukutin ko yang mata mo?"
"Bakit?Nainsulto ka na sinabi kong Di ako na turn on sayo? Gugustuhin mo ba na sabihin ko na, kung hindi ka lang nanghina noon ay hindi ko na alam kung anong nagawa ko?" nakangisi to Habang nakatingin kay Mikella.
"At hindi ka na rin kailanman makakaramdam ng ganyan dahil ipapakain ko ano mo sa aso?"
"Seryoso ako Mikella."
"Manyak mo."
"Hanggang ngayon nga naaalala ko pa kulay ng panty mo noon eh. Naka blue ka na panty na may drawing na mga cupid. Ang cute kaya."
"Hoy sinungaling ka! Wala akong ganyang panty."Namumula nitong sabi.
"Ah talaga? Gusto mong kunin ko pa yun sa drawer mo mamaya."
"Achoo! Tumigil ka na nga!"
"May sakit ka na naman? Ano yan? Magpapahubad ka na naman sakin?" Biro ulit nito.
"Sige ulitin mo pa di tayo makakauwi ng buhay sinasabi ko sayo."
Nang makauwi na sila ay hindi pa din tumitigil ang pangaasar ni Kasper kay Mikella.
"Mikella, anong dinner natin?" Malambing na sabi nito.
"Hindi ako magluluto dahil baka lason pa mapakain ko sayo."
"Tutulong ako."
Umakyat na muna si Mikella upang magbihis ng tuyong damit at bumaba na at nagsimulang magluto.
"Maghimay ka ng malunggay. Dapat walang matirang tangkay ah." Saad nito bago nagsimulang buksan ang kalan at magsaing.
Naalala bigla ni Mikella ang balita na natanggap ni Kasper kanina. Kaya ba Ito palaasar ngayon? Dahil doon niya ibinubunton ang sakit na nararamdaman? Mahilig itong itago ang tunay na nararamdaman at kung hindi lamang niya ito laging sinusundan ay hindi niya malalaman ang mga pasakit na tinatago nito.
"Kasper-"
At biglang namatay ang ilaw.
"Ahhhhhh!"

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon