Chapter 24

7 0 0
                                    

Chapter 23
Kunot noo si Mikella Habang pinipilit na ituon ang pansin sa ginagawa. Pinili niyang manatili muna sa White Cloud Haven.
"Mikella. Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong sa kanya ng nanay.
"Hindi na, ma. Kaya ko to." At nagsimula na siyang magayos ng mga kama. Habang nagkakasiyahan ang mga lola at lolo kasama ang mga nurse, ginamit niya itong pagkakataon upang maayos lahat ng kama at malinis ang ilalim nito.
Nang makarating siya dito ay wala siyang natirang panahon upang magpahinga at sa tuwing tumitigil siya sa pag galaw ay bumabalik ang alaala niya kay Kasper at sa naging away nila.
Ayaw man niyang aminin ay apektado siya nang todo sa inaakto ni Kasper at hindi pa din siya kumportable dito lalo na nang malaman niya na may gusto ito sa kanya.
"Kung sabagay, mukha namang hinding hindi na kami magkikita ng hayop na yun."
Tumayo siya at naginat bago lumabas sa kwarto.
"Ano na kayang pwede kong gawin ngayo't wala na akong trabaho?"
Naisip niyang magappky na lamang sa home ngunit alam niyang kapos ang funds upang tustusan ang gastusin nilang magina.
"Ate, Rose."Bati niya sa isang nurse doon.
" Mika. Ang tagal na kitang Di nakita ah. "
" Kayo din po. Kumusta na po kayo? "
" Ayos lang ako. " Napatingin si Mikella sa hawak nito. Isang malaking plastik na puno ng gulay.
" Tulungan ko na po kayo. "
" Ay nako. Alam mo namang kaya ko ito."
"May Iba po ba akong pwedeng matulong?"
"Nakakahiya man pero pwede ka bang mamili pa ng mga meryenda sa grocery? Nakalimutan ko kasi eh. Paubos na rin kaya kailangan na natin mamili kung hindi walang makakain ang mga matatanda tuwing meryenda."
"Sige po."
"Salamat talaga, Mikella."
Nagbihis na siya at tinali ang buhok bago tuluyang lumabas ng home at sumakay ng jeep. Malayo layo ang grocery mula sa kanila ngunit sanay na siya puntahan ito.
Ibinaba siya nito sa tapat ng isang kindergarten school nang may nahagip siya pamilyar na bagay kaya't agad niya itong liningon.
'Hiring: Daycare Babysitters.'
Napangiti siya sa sarili. 'Pati ba naman dito sinusundan niyo ako.'
Lumakad na siya at pumasok sa grocery Habang iniisip ang nakita niya.
*Flashback*
"Kasper!" Sigaw ni Mikella Habang hinahanap niya ang lalaki.
"Hoy! Kasper!"
"Ano ba?!"
"Hindi mo ba narinig kanina pa kita tinatawag?!"
"Yes. I heard you!"
Bumangon na Ito mula sa pagkakahiga sa isang puno at bumaba.
"Bakit ka nagcutting?!"
"What is it to you?!"
"Gusto mong ma-guidance?!"
"Gushto mong me guidance?!" panggagaya nito sa kanya.
"Sumunod ka na kasi!"
"Shumunod ke ne kesi!" Panggagaya muli nito kaya nasuntok na siya ni Mikella sa tiyan.
"Aray!"
"Ano?! Hindi ka titigil?!"
"Eto na!"
Kinuha niya ang kamay nito at hinatak ito papunta sa kotse ng pamilya nila.
"Where are we going?"
"Uuwi. Ano pa ba?!"
"Awww."
"Anong aw? Aso ka ba?!"
"Psh." Nanahimik ito at inihilig ang ulo pintuan ng kotse.
"Hindi ako nagcutting. Pinalabas ako ng teacher."
"Talaga? Bakit daw?"
"Well, this guy from my class kept on sneezing tapos tulo sipon pa. That's really gross so I threw the mop on his face."
"Kasper!" Sabay batok.
"Aw!"
"Lechugas kang demonyo ka!"
"Stop hitting me!"
"Bakit mo ginawa yon!"
"Eh sa nandidiri nga ako sa mukha niya."
"Gusto mong batuhin din kita ng mop sa mukha, ha?!"
"Ayaw."
"Edi anong gagawin mo?!"
"Oo na. Magsosorry na ako sa kanya."
"Bukas ah!"
***
Nang makauwi silang dalawa noong gabing iyon ay halata ni Mikella ang balisang mukha ni Kasper kaya't imbis na pumasok siya sa kwarto ay sinundan niya ito sa kwarto nito.
"Hey! Ano ginagawa mo?!"
"May problema ka ba? Mukha kang nalugi ng isang milyon eh."
"Well, meron lang naman akong isang milyong projects na inasa sa akin!"
"Remember that tulo sipon guy?"
"Oo."
"I kinda offered to help him with our group work, bilang pagbawi."
Nahihiya pa nitong sabi Habang nakayuko at namumula.
"Awwww. Ang cute cute naman."
"Hey! Stop!"
"Oh siya! Dahil good boy ka, tutulungan kita ngayon."
"Dapat lang noh."
Nagsimula na silang gumawa ng mga project. Si Mikella ang taga sulat at si Kasper naman ang taga print ng mga pictures. At dahil abala sila dito ay Di nila namalayan na lagpas hating gabi na pala.
"Hey. Look. It's late. Why don't you stop? I'll handle it from here." Mahinahon niyang sabi. Hindi pa ito narinig ni Mikella dahil na marahil sa pagod kaya inulit niya pa ito.
"Hindi na. Tutulungan kita."
"Ang kulit. Just let me do it. Isa pa ma's maaga kang magising sa akin."
"Tsk. Hindi ako inaantok. Kaya ko pa toh. Akin na nga yan." Kinuha nito ang scrapbook at nagsimula na itong balutan.
"Why are you doing this ba? Lagi mo akong sinasabihan na matigas ulo ko eh ikaw rin naman pala eh."
"Ako din naman ang dahilan kung bakit mo to kailangan gawin."
"No. I'm not talking about that. Why do you have to do this? You already saved my life, tapos ngayon you have to put up through all of this. Hindi ka ba nagsasawa?"
"Bakit naman ako magsasawa? Masaya ka namang kasama ah."
Parang tumigil ang paghinga ni Kasper dito. Agad niyang yinuko ang mukha upang itago ang namumuong ngiti at pamumula niya.
"Then why did you...."
"Ano?"
"Why did y...."
"Bakit kita niligtas?"
Napatingin ito kay Mikella at dahan dahang tumango.
"Yung pagligtas ko sayo, biglaan na lang yun dumaloy sa isipan ko. Kahit naman siguro sino ililigtas ko."
"Ah."
"Pero Pagkatapos kitang mailigtas, nang makilala kita, doon ko napagtanto kung bakit kita niligtas."
"Bakit?"
Bigla itong tumingin kay Kasper at sabay batok.
"Para pangaralan ka at mabawasan ng makulit ang mundong toh!"
"Aray!"
*End of flashback*
Natawa si Mikella sa alaala, lingid sa kaalaman niya na lahat ng nakapila sa likod niya sa grocery ay nagtataka siyang tinitingnan.
"Thank you, ma'am. Come again." Bati ng cashier at binigay sa kanya ang plastic bag.
Naglakad na siya palabas ng grocery at naglakad sa sakayan ng tricycle sa tapat ng preschool.
Doon ay nakita niya muli ang poster. 'Hiring: Daycare Babysitter.'
'Eto na lang kaya trabaho ko Habang nandidito ako?' Tanong niya sa sarili.
Ma's nilapit niya pa ang mukha sa poster upang makita ang mga detalye. '15k-25k Salary.'
At pumasok na siya sa loob nang walang pagaalinlangan.

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon