Chapter 9

10 0 0
                                    

"Ah, hindi po. Napraning lang itong isang ito at binuhat ako. Ibaba mo nga ako."

"tamang tama Josefa. Ngayon na kayo magluto ng ginataang bilo bilo. At ikaw iho, tulungan mo akong magtabas ng damo."
Sumunod naman si Kasper sa lolo sa pag labas Habang si Mikella ay sinundan ang lola papunta sa kusina.
"Pasensya na lola sa abala namin ah."
"Ay naku wag niyong isipin yun. Gusto nga namin na magkaroon naman ng bisita kahit minsan dahil nakakasawa kung kaming dalawa na lamang ang laging magkasama."

Napangiti ang lolo nang makita niya kung gaano ka dedikado si Kasper sa kaniyang trabaho. Kahit na tumutulo ang pawis nito ay hindi parin ito tumitigil.
"May lakas ka pa ba bata? Madami pa yan"
"Opo, lolo"
"Hahaha. Sige nga."

Nang sumapit ang hapon ay natapos din sila sa kanilang mga gawain at saktong natapos din ang linuluto nila Mikella.

"tama na yan at kumain na kayo." tawag ni Lola Josepha sa kanila. Di kalaunan ay lumabas si Kasper at si Lolo crisanto mula sa makapal na punuan, tagaktak ng pawis ngunit nagtatawanan.
"mukhang nagkakasundo na iyong dalawa ah" Sabi ni lola.
"Opo."
Nang makaupo silang lahat ay nagsimula nang kumain ang dalawang matanda.
"Mikella" "Ano?"
"Pwede pasubuan? Puro sugat na kasi kamay ko eh, ang sakit" napatingin si Mikella sa kamay ni Kasper at agad na nagpanic.
"Oh. Anyare diyan?"
"Shh. Wag kang maingay baka marinig ni lolo ayokong magalala siya."
"Tsk. Pero sa sarili mo hindi ka nagaalala."
Kinuha na ni Mikella ang mangkok at nagsimulang subuan si Kasper.
"Parang tayo lang sila noong bata pa tayo noh?" bulong ng lola.
"Diba ganyan ka din kalambing sakin noon?"
"Anu ba?"
Nang matapos silang kumain ay niyaya na sila ni Lola Josepha.
"Tara na sa loob at malamok na dito kapag gabi."
Nang makapasok sa loob ay nagsimula nang maglatag ang dalawang matanda ng kanila kama at tumulong naman sila Mikella at Kasper.
Nang patayin na ang ilaw ay hindi pa rin mapakali si Mikella. Ayaw niyang hayaan na sugatang matutulog si Kasper kaya't nang sigurado siyang tulog na ang dalawang matanda ay bumangon siya at kinalabit si Kasper.
"Hoy! Gising. Bilis" Hinatak niya kaagd ito patayo bago sila dahan dahang lumabas ng kubo. Lingid sa kaalaman nilang Gising pa ang mga matatanda at parehong nakangiti.
"Saan naman kaya pupunta ang dalawang iyon at nagbubulungan pa?" nakangiti nilang sabi.
Hinatak ni Mikella si Kasper papunta sa kitchen kung asan ang first aid kit tsaka pinaupo ito sa isang silya.
"Aw!"
"Huwag kang gumalaw!"
"Eh ang sakit eh!"
"Bakit ba kasi hinayaan mong magkaganto yang kamay mo?"
"Gusto kong mabawasan yung gagawin ni Lolo eh para hindi na siya masyado maghirap doon"
Napabuntong hininga na lamang si Mikella.
"Sorry ah. Kailangan mo pa tong gawin. Gusto ko lang naman na tumigil ka na sa pagiging depressed mo eh"
"At gumana siya kaya thank you." hinawakan ni Kasper ang kamay ni Mikella at ngumiti.
"Basta bukas, bawal ka nang gumawa ng kahit na anong gawain ah. Gastos ka sa bandaid at betadine eh."
"Oo na."
Nang matapos sila doon ay nakita nila si Trudis at Azul na nanonood ng TV sa common area.
"hoy, kayong dalawa. Bakit hindi pa kayo natutulog?"
"nakakatakot po sa kwarto ate eh samahan mo kami."
"Ay nako. Pinapairal niyo na naman yang takot na yan. Oh sige Tara"
Sinamahan sila ni Mikella at sumunod na rin si Kasper papunta sa kwartong tinutuluyan nila Trudis at Azul.
Nang makahiga na ang dalawa at makumutan na nila ay tumabi si Mikella at ganun Din si Kasper sa kanila.
"matulog na kayo bilis. Andito na kami."
"Ate. Kanta ka po"
"Ayoko"
"Ehhhh. Sige naa"
"Pag ba ako kumanta ay matutulog kayo?"
"Opo"
"pag Di kayo matulog kukunin kayo ng mumu" pananakot naman ni Kasper na ikinatawa ni Mikella.
⭐🎶sanay Di magmaliw, ang dati kong araw, nang munti pang bata sa piling ni nanay. Nais kong maulit ang awit ni inang mahal. Awit ng pagibig Habang akoy nasa duyan🎶⭐
Habang kumakanta si Mikella ay hindi mapigilan ni Kasper na tumitig sa kanya.
🎶Sa aking pagtulog na labis ang himbing, ang bantay ko'y tala ang tanod ko'y bituin. Sa piling ni nanay, langit ay buhay. Ang puso kong napagod, sabik sa ugoy ng duyan.🎶
Nang matapos si Mikella sa pagkanta ay sabay nang nakatulog si Kasper sa mga bata kaya hindi na lamang siya gumalaw hanggang sa nakatulog na rin.
Sa pagsikat ng araw ay nagising kagad si Mikella at dahan dahan siyang bumangon upang hindi magising ang dalawa bata bago ginising din si Kasper.
"Pst. Gising na. Maaga pa tayo." tahimik lang itong bumangon at naginat. Pagkatapos itali ni Mikella ang buhok ay lumabas na sila sa kubo.
"Anong oras na?"
"Alas sais"
"Bakit ang aga?"
"Mamamalengke pa tayo tapos magluluto ng agahan bago umalis"
"Ha? Aalis na tayo?"
"Oo. Pangako ko sa magulang mo na uuwi na tayo ngayong araw."
"gusto ko pang mag stay"
"bumalik ka na lang ulit dito. Pwede naman tayong bumalik sa pasko"
At Pagkatapos non ay nag tricycle na sila papuntang palengke. Matapos ito ay bumalik na sila sa home kung saan ay halos lahat ay Gising na din.
Pumunta na si Mikella sa kusina Habang si Kasper ay tumulong sa paghahain ng pagkain.
Nang matapos ang agahan ay nagpaalam na ang buong home sa kanila.
"Ate, balik kayo ni kuya ah"
"Oo naman. Babalik kami"
Tinanaw ni Mikella si Kasper na ngayon ay papunta sa kubo ni Lolo Crisanto at lola Josepha.
"Babalik ba kayo ulit dito?"
"syempre po. Pangako yan."
"malungkot na naman kami ulit dito."
"wag po kayong magalala, hindi niyo lang napapansin nakabalik na ulit kami dito"
"Lolo payakap" Hindi mapigilan ni Kasper ang emosyon niya.
"Lola din"
"Ay nako. Ang laki laking tao pero ang lambing lambing. Alagaan mo si Mikella, ah"
"Siya po yung nagaalaga sakin"
"Ah ganun ba hahahaha."At nagtawanan sila.
Pagkatapos ay sumakay na sina Mikella sa kotse at nagsimula nang bumyahe patungong Manila.
Ngunit nagulat si Mikella nang pumarada si Kasper sa isang simbahan.
"Sinabi sakin ni lolo crisanto at lola Josepha, dito daw nila balak ikasal sa 50th wedding anniversary nila."
Napangiti si Mikella sa sinabi ni Kasper.
"Ang ganda ng ganoong love, ano? May happy ending."
"my parents aren't actually married" na patingin si Mikella sa rebelasyon ni Kasper.
"They are only married by paper. Hindi sila kinasal sa simbahan. They even skipped the you may kiss the bride part because they were too young. Ito ang pinakaunang kasal na makikita ko. Kaya gusto kong pumunta.... Tayo"

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon