Nang nasa loob na silang dalawa ng kotse ay inabot ni Kasper ang dala niyang paper bag na may lamang pagkain mula sa restaurant..
"Here. Alam kong gutom ka na kasi buong mag hapon mo akong sinusundan."
"loko ka. Alam mo palang sinusundan kita bakit Di ka man lang nagsabi."
"i enjoy playing with you."
"gusto mong isaksak ko sa lalamunan mo itong chopstick? Playing playing ka diyan."
Ngunit hindi na pinatagal ni Mikella at kumain na rin siya dahil sa sobrang gutom.
"Ikaw Di ka pa ba kumain?"
"I'm done"
"Tapos ka na? Eh parang saglit ka lang nandoon sa restaurant"
"kaya ko naman ginawa yun dahil ayoko nang paghintayin ka, dahil alam kong gutom ka na rin kaya binilisan ko pagkain ko"
Namula na naman si Mikella at mulling itinuon ang pansin sa kinakain.
"Ay ewan ko sayo. Bakit Di mo na lang kaya ako tawagin at sabay tayong kumain. Di ka din nagiisip eh."
"Diba nga sabi ko sayo, pinagtritripan kita."
"Di ka nakakatuwa. Sarap mong hambalusin."
Tumawa naman si Kasper at tinitigan lamang si Mikella Habang kumakain ito.
"Why are you avoiding me these days?"
Nagulat si Mikella sa biglang pagsabi ni Kasper nang ganto kaya muntikan na siya mabilaukan.
"At bakit naman kita iiwasan? Eh kailangan nga kitang bantayan nang maigi dahil kung saan saan ka napapadpad eh."
"I just don't get it. Sinabi ko naman na yung tungkol sa kiss, that you don't have to -" napatigil si Kasper magsalita nang tinakpan ni Mikella ang bibig niya.
"Sht. Andyan yung driver. Anukaba!" bulong nito.
"Ayun nga. Wala ka namang dapat ipagalala. Bakit ka ba ganyan? You look really troubled."
"Tsk. Sabi ko nga sayo wala kang iyon."
"Anong wala? Eh bakit hindi ka maka tingin sa kin?"
"Bakit ba ang kulit mo?!"
"Kasi ayokong nakikita kang namromroblema. Okay?!"
Napatigil si Mikella at Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Kasper.
"I don't want to see you weak. You're always headstrong and bossy. And I don't want you any other way but that!"
"Anong pinagsasasabi mo diyan?" nauutal na sabi ni Mikella Habang iniiiwas ang tingin.
"Ugh! You're impossible."
At tumigil na Ito sa pangungulit sa kanya hanggang sa makauwi sila sa bahay.
Pagkaparada ng kotse ay nauna na kagad si Mikella.
"Hoy! Hindi mo ba ko tutulungang buhatin ito?" reklamo ni Kasper.
Hindi na umimik si Mikella at kinuha niya na ang ibang paperbag bago naunang pumasok.
Habang si Kasper naman ay dirediretso sa kwarto nito at biglang sinarado ang pinto.
"Hoy! Teka lang baliw ka ba? Nandito pa sakin ung ibang pinamili mo."
"Those are for you"
Natigilan si Mikella at tiningnan muli ang laman ng paperbag.
May mga damit at sapatos dito ngunit ang pinakanakakuha ng kaniyang atensyon ay ang paper bag na may lamang salamin.
"Bakit mo naman ako bibilhan ng mga ganto?"
Binuksan ni Kasper ang pintuan at hinarap si Mikella.
"I always buy you things. Ano namang bago dito?" Hindi malaman ni Mikella kung nangaasar ba Ito o nanlalambing ngunit namula ang pisngi niya dahil dito.
Naalala ni Mikella kung paano gumagastos parati si Kasper ng kung ano ano para sa kanya.
*flashback*
Pumunta ng Hong Kong ang buong pamilya nio 0 ppKasper kasama si Mikella.
Ito ang unang beses na nakapunta si Mikella sa ibang bansa at naninibago pa siya dahil bukod sa malamig ay hindi niya pa maiintindihan ang salita ng mga tao.
Sa katotohanan, nagaalinlangan pa din si Mikella na pumayag na sumama dito sapagkat nahihiya siya dahil sa dagdag na gastusin ngunit wala siyang nagawa dahil halos magmakaawa na ang nanay ni Kasper dahil natutuwa sila sa presensya ni Mikella.
Habang naglalakad silang dalawa ni Kasper at lumilibot sa mall napansin ni Mikella ang sapatos na nakadisplay. Simula pa lang kasi bata pa siya ay hindi siya kailanman nakaranas na bumili ng mamahaling sapatos pang takbo. Madalas ay galing ukay lamang at ang Iba ay class a. Kaya't tuwing may nakikita siyang ganyan ay sikreto niyang pinapangako sa sarili na bibilhin niya ito kapag nagkapera na siya.
Lingid sa kaalaman niya na pinagmamasdan siya ni Kasper at nakikita nito ang lungkot sa mata niya Habang tinitingnan ang sapatos.
Kaya Lumapit ito sa kanya at tinanong siya
"do you want to buy that?" tanong nito.
"Ha? Hindi na mahal yan eh."
"Ako magbabayad."
Saglit na tumingin sa kanya si Mikella na tila nagiisip ngunit umiling ito na tila natauhan.
"Hindi na. Ano kaba? Ang dami niyo nang gastos sa kin."
"I don't mind buying it for you."
"Tsk. Panget siya okay. Tsaka mukhang hindi kumportable." Pagsisinungaling nito.
Alam ni Kasper na sinabi niya lang iyon dahil ayaw niyang bilhin ito para sa kanya.
Kaya't nang makabalik silang lahat sa hotel ay umalis nang maaga si Kasper upang mabili ito ngunit pag dating niya sa tindahan ay wala na Ito.
" May I help you sir?"
"Where's the one in display last night?"
"Oh that? That was our last stock sir. It was purchased just now"
"Who?"
"Apologies sir. I can't disclose our customers information. Perhaps you can take your pick among our latest models here."
"No. I want the one on display"
Napakamot na lamang ang salesman. Nang makita ni Kasper ang isang customer na suot ang sapatos ay agad niya itong nilapitan.
"Hey!Could you sell those to me?"
"What? No!"
"I'll give you $500"
Umiling ito.
"$1000"
Nagdalawang isip ito.
"$2000?"
"deal!"
Nang makuha niya ito ay agad siyang tumakbo papunta hotel at umakyat sa floor nila.
Nakahiwalay ang hotel room ni Kasper mula sa magulang niya at Nakahiwalay Din ng hotel room si Mikella. Nang makapunta siya sa harap nito ay agad siya nag doorbell nang sunod sunod dahil sa sobrang sabik.
Nang buksan ni Mikella ang pintuan ay agad siyang pumasok at iniupo si Mikella sa kama nito. Pagkatapos ay nilabas niya ang sapatos.
"Sana magkasya. Sana magkasya. Sana magkasya." dasal niya.
At laking tuwa niya na saktong sakto sa paa ito ni Mikella.
"Bakit mo binili?" Gulat na tanong ni Mikella.
"Ah hindi ko yan binili para sayo. Para sakin ko dapat yan binili kaso nung nabili ko na napangitan ako tapos hindi din kasya sakin. Wag mong huhubarin yan ah."
"Gumastos ka pa. Diba sinabi ko sayo bago ka bumili ng isang bagay, pagisipan mo muna nang maigi kung worth it ba." pagleleksyon ni Mikella ngunit hindi niya matago ang ngiti sa labi.
"Worth it naman ah" Mahinang sabi ni Kasper Habang pinapanood si Mikella na tinititigan ang sapatos nang nakangiti.
*End of flashback*
Umikot si Mikella upang ilapag sa kwarto niya ang mga ito nang magsalita muli si Kasper.
"Mikella."
Umikot siya.
"Oh?"
"I... I don't mind you being my babysitter"
"Ha? Eh babysitter mo naman na ako dati pa ah."
"No. What I mean is, ayokong may magbago. I want you to always be my babysitter."
Tumawa lamang si Mikella dito.
"Syempre naman master noh. At hindi talaga kita pwede iwan. Baka bumalik ka na naman sa pagiging makulit mo"
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
