Lumipat siya ng pwesto sa bandang harapan nito bago tinapik ang balikat ni Mikella.
"Mikella. Sorr-"
"Sorry."
Nanlaki ang mata ni Kasper sa sinabi ni Mikella kaya't Di siya agad nakapag salita.
'Sorry? Para saan? Wala naman itong ginawa ah. Kung tutuusin mas dapat na magalit ito sa kanya dahil inaway ito ng sariling kapatid dahil sa kanya.'
Tumingala si Mikella at doon lamang nakita ni Kasper ang mata nito. Wala na ang galit dito na buong araw niyang nakita. Napalitan ito ng lungkot at pagaalala.
"Sorry."Mahinahon nitong sabi.
" Ha? "
" Sorry. Di ko iniisip yung kalagayan mo. Lagi kong inuuna galit ko sayo. Nasasaktan ka tuloy dahil sakin!" Tuluyan na itong umiyak- humagulgol na kung hindi lamang siya naaawa dito ay malamang ay tumawa na siya.
"No. Hindi mo yun kasalanan. Stop crying."
Pinigilan niya ang pagngiti bago itong niyapos at hinalikan ang ulo nito.
"Iyakin."
Tuloy tuloy lamang ang pagbuhos ng luha ni Mikella at kalaunan ay tumigil na din ito sa paghagulgol at ang tanging nararamdaman na lamang ni Kasper ay ang kakaunting hikbi nito.
"Okay ka na?" Tanong ni Kasper Habang nakayakap pa din kay Mikella. Hindi na Ito pumalag at imbis ay sinandal ang ulo sa dibdib niya.
"Hm."
"Bakit ka ba kasi nakipag away sa ate mo?"
"Di ko naman siya gustong awayin, eh."
"Gusto mong magsorry tayo ngayon?"
"Ayoko nga. Bala siya diyan."
"Galit ka sa kanya?"
"Oo."
"Dahil sakin?"
"Hindi. Basta. Ayokong pagusapan."
Wala nang nagawa si Kasper at Di na lamang pinilit si Mikella upang hindi ito magalit muli. Isa pa, kumportable na ito sa posisyon nila at ayaw niya nang magbago na naman ang ere nito.
"Kasper."
"Hm?"
"Tinatawanan mo ako kanina noh?"
"Ha?" Sumilay muli ang ngiti sa labi niya. Nakalimutan na nito ang problema sa kapatid at binubuhos na ulit ang galit sa kanya.
"Hindi noh."
"Tarantado. Nakita ko mukha mo kanina ang sarap mong pakainin ng tsinelas."
"Ang sarap ko?"
"Sige lang. Gusto mong kalmutin ko yang mga pantal mo sa likod?"
"Okay lang. Eenjoyin ko pa rin pagkalmot mo sa likod ko."
Marahas na tinulak ni Mikella si Kasper.
"Bastos!"
"Anong Bastos Don?"
"Tsk. Dun ka na nga sa kwarto ko. Matulog ka na kasi. Bakit ka ba nandito?" Tinulak niya ito ngunit hindi man lamang naka galaw si Kasper.
"Hoy! Alis!"
"Gusto mong doon ka din matulog?"
"Bastos. Ayoko nga!"
"Edi dito ako matutulog. Ikaw na lang sa kwarto."
"Tsk. Gusto mong magalit sakin ate ko. Dun ka na sa kwarto dito na ako."
"Ayoko nga. Edi dito na lang din ako."
"Kasper! Ano ba?!"
"Bala ka!"
"Dun ka na sabi!" Tinulak niya pa ito ngunit imbes na mag padala ay Umayos ito ng Upo at tumabi sa kanya bago humiga.
"Ayoko nga!"
"Tsk! Bakit ba ang kulit mo?"
"Sa tingin mo kaya kong matulog doon Habang magisa sa labas yung babaeng mahal ko?" At doon napatigil si Mikella sa pagtulak at pagsasalita. Lumarawan din sa mukha niya ang gulat.
"Anong mahal?! T... Tigilan mo nga ako!"
"Totoo naman ah. Ayaw mong maniwala?" Ngumisi ito.
"Ewan ko sayo. Umalis ka nga!"
"Ayaw mo lang maniwala eh. Patunayan ko pa sayo."
"At pano naman Aber?"
"Lahat ng sabihin mo gagawin ko. Pramis. Kahit patalunin mo pa ako sa tae ng kalabaw gagawin ko."
"Edi matulog ka na sa kwarto ko at Iwan mo ko dito."
"Wag lang yan. Di ko kaya."
"Edi Di mo ako mahal?!"
Bumangon si Kasper Habang nakangiti at nilapit ang mukha kay Mikella.
"Mahal kita kaya di ko kayang gawin yun."
"Argh! Ang kulit naman eh."
"Matulog ka na sa kwarto mo. Dito lang ako."
"Ayoko nga."
"Gusto mo akong katabi dito?"
"Hindi! Gusto Kong umalis ka dito! Alis!"
"Hindi ako aalis dito kaya..." Inayos nito ang higa bago pinikit ang mata.
"Kung ayaw mong matulog sa kwarto mo. Tabihan mo na lang ako."
"Tatadyakan kita!"
"Gusto mong mapilayan?"
"Sa ano mo!"
"Sige lang. Eenjoyin ko naman."
"Argh! Kasper."
Matagal na katahimikan ang namalagi sa kubo bago mulling minulat ni Kasper ang mata. Nang tingnan niya si Mikella ay mukhang malalim itong nagiisip at tila gulong gulo.
"Bakit ba ayaw mong matulog sa kwarto mo?"
"Tsk! Papatayin lang ako ng konsensya ko Habang nandito ka sa labas tapos may sugat sugat ka pa tapos pagod ka din."
"Edi parehas tayong matulog sa kwarto mo"
"Manyak!"
Ngumiti na lamang si Kasper bago niyakap si Mikella at hinatak ito pahiga sa tabi niya. Sinusubukan nitong pumalag at sinisipa siya kaya't dinantayan niya din ang paa nito.
"Mamahalin lang kita. Di kita mamanyakin."
At matapos ang ilang segundo ng pagpalag nito ay tila na pagod na Ito at hindi na lamang gumalaw.
"Ano ba nangyare sayo nung umalis ako at naging ganyan ka na kalande?!" Natawa na lamang si Kasper sa tanong nito. Hindi na Ito pumapalag at imbis ay tila kumportable na rin sa posisyon nila.
"Seryoso ako sayo Mikella. Diba nga, I like you. Ayaw na kitang maging babysitter. I want you to be mine."
"Ayoko nga."
"Alam ko. Hindi kita minamadali."
Katahimikan.
"Kelan mo ba ako nagsimulang....?"
"I don't know. Siguro since 3 years ago? Siguro nung una kitang hinalikan. Siguro nung dinala mo ko dito. Siguro nung narinig kitang kumanta. Pero kahapon ko lang nalaman yung nararamdaman ko para sayo."
"Wow ah."
"Sweet ba?"
"Gago."
Tahimik na Natawa si Kasper.
Lumipas ang ilang minuto hanggang sa naramdaman ni Mikella na nakatulog na ang lalaki. 'Pagod nga ito.'
Ngunit imbes na tumayo at lumayo mula dito ay hinablot niya lamang ang kumot tsaka kinumot sa sarili.
"Hindi man lang ako binigyan ng kumot."
Pumikit na rin lamang siya at siniksik ang mukha sa dibdib nito.
Lingid sa kaalaman nila na nanonood mula sa isang kwarto ang ate ni Mikella na ngayon ay nakangiti.
"Hindi pa daw napapatawad. Mukha mo!"
Nang magising nang umagang yun si Kasper ay madilim pa ang langit ngunit may mangilan ngilan nang gising at kumikilos. Sinulyapan niya si Mikella na ngayon ay nakasiksik sa balikat niya. Ayaw niya man na gumalaw ay ayaw niya din na makita ng ate ni Mikella na katabi ito kaya't dahan dahan niyang inalis ang pagkakayakap sa kanya ng babae at tumayo Habang iniingatang hindi ito magising.
"Gising ka na?" Napatalon siya sa gulat nang marinig ang boses mula sa likod niya.
"M.... Ma'am." Ang ate ni Mikella.
"Ate Marian na lang ang itawag mo sakin." Masungit nitong salita. 'Kapatid nga ito ni Mikella.'
"A... At-"
"Tara sa kusina at kumain." Tumalikod ito at naglakad na palayo.
Napalunok na lamang si Kasper bago ito sinunod.
"Umupo ka." Utos nito.
"Anong gusto mong kainin?"
"Kahit ano po."
"Sumagot ka nang maayos."
"A... Ah?"
"Kumakain ka ba ng gulay?"
"Opo." Pagsisinungaling ni Kasper.
Naglabas na Ito ng gulay mula sa isang plastic at nagsimula itong hiwain.
"Alam mo ba ang paboritong pagkain ni Mikella?"
Nagisip agad si Kasper sa madalas na kainin ni Mikella.
"Champorado po?"
Tumango ito.
"Ano ang ayaw niya?"
"Wala po. Lahat naman po kinakain niya."
"Hindi lahat. Bawal siya sa itlog na pula. Nagsusuka siya."
Tumango si Kasper bago mulling naglunok.
"Alam mo ba kung ano kinakatakutan niya?"
"Madilim na Lugar?"
"Nililigawan mo ba siya?"
"Hindi pa po."
Nalapag nito ang kutsilyong hawak at matalim siyang tiningnan.
"Eh Di anong ginagawa niyo ngayon?"
"Humihingi pa lang po ako ng kapatawaran. Pagtapos po noon tsaka ko lang po siya matatanong."
Matapos nitong maluto ang pagkain ay Naglapag ito ng plato sa gitna nilang dalawa bago umupo sa harap niya.
"Hindi porket kinampihan kita kagabi ay ibig sabihin nun gusto na kita sa kapatid ko. Hindi pa kita kilala pero sa nakita ko kagabi, hindi mo siya pababayaan." Ngumiti ito bago tumayo at umalis.
"Hoy!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Paos pa ito.
"Mikella. Good morning!" Ngumiti siya bago akmang yayakapin ito nang tinulak siya nito.
"Kailangan ko nang kumain may pasok pa ko."
"Pasok?"
"Oo. Simula na ng trabaho ko ngayon."
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romantiek"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
