Chapter 26
Nang sumapit ang hapon ay nakatapos na si Kasper sa iniatas sa kaniyang trabaho kaya't nagsimula na siyang maglakad papunta sa kusina kung asan si Mikella.
"Mikella."Tawag niya dito na ngayon ay naghihiwa ng mga gulay. Nagulat naman si Mikella sa nakita.
" Hoy, Kasper! Bakit wala kang tshirt?! "
Nanlalaki ang mata nito sa kanya.
" Ano namang problema doon? Ilang beses mo naman na akong nakitang ganto ah! "Nagtataka nitong Saad. Naghagikhikan naman ang Iba pang tauhan sa kusina sa usapan nila.
" Hindi yun ang punto ko. Mahiya ka nga. Ang daming tao dito oh. Asan ba kasi damit mo?! "
"Basa ng pawis eh." Tila walang pakialam na sagot nito bago Lumapit kay Mikella at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa balikat ng babae. Pinunas niya ito sa leeg at dibdib, lingid sa kaalaman niya na ang ibang babae sa loob ng kusina ay nagsisikuhan Habang Di mapigil ang ngiti.
"Eto din oh! Punasan mo nga!" Hinablot ni Mikella ang tuwalya mula sa lalaki at pinunasan ang bandang likod nito.
"Bakit ang dami mong kagat?!"
"Puro Langgam yung puno eh."
Pinasadahan ni Mikella ng tuwalya ang mga pantal at nakita niya kung paano napaigtad si Kasper.
"Masakit?"
"Konti."
"Tsk. Di kasi nagiingat eh! Tara nga!"
Hinatak niya ito palabas ng kusina papunta sa isang gripo sa labas.
"Talikod!"
Nang makatalikod ito ay binasa niya ang kamay bago din binasa ang likod nito.
"Ah!"
"Tiisin mo. Hindi ka kasi nagiingat eh."
Kinuha niya ang sabon at sinabunan ang mga pantal.
"Mahapdi?"
"Oo."
"Edi umuwi ka na."
"Bakit mo baka ako gustong paalisin?" Natatawa nitong biro.
Di na siya sinagot ni Mikella. Dito at patuloy lang ito sa pagsasabon ng likod niya.
"Pumasok ka muna sa kwarto ko at manghihiram ako ng damit para sa'yo."
"Sa kwarto mo?" Pangaasar nito.
"Oo. Alangan naman manigas ka dito sa labas ang lamig lamig."
"Manigas?" Pangaasar muli nito kaya't nakatanggap siya ng isang malutong na kaltok mula kay Mikella.
"I push mo pa. Ipupush kita sa bangin."
"Kung kaya mo."
"Hindi ka susunod?!"
"Susunod na po."
Nang makapasok siya sa kwarto ni Mikella ay napangiti siya sa nakita. Punong puno ang ding ding ng picture frame ni Mikella noong ma's bata bata pa siya. Kasama niya minsan ang mga matatanda, kung hindi naman ay si Azul at Trudis.
Di nagtagal ay pumasok na si Mikella sa loob at
sinarado ang pinto sa likod nito.
"Oh. Ito. Suotin mo. Bilis!"
Lumapit siya dito bago inabot ang tshirt.
"Thank you."
"Di ko yun ginawa para sayo."
"Okay. Sabi mo eh."
Nang sinuot nito ang pangtaas ay napansin ni Mikella ang kamay nito.
"Ano naman nangyare diyan?" tukoy niya sa sugat sugat na kamay nito.
"Ah. Purol na yung balisong. Kaya kamay ko ang ginamit ko pang putol ng sanga."
Parang maluluha si Mikella sa sinabi nito. Totoong galit pa siya kay Kasper ngunit hindi niya pa din mapigil ang magalala para dito.
"Bakit ba ang hilig mong sugatan yang kamay mo ha?! Magingat ka nga."
"Nagaalala ka saken?" Pangaasar nito.
"Hindi. Wala akong pake sayo. Kaya ko nga to ginagawa eh." Sarkastiko niyang sagot.
"Okay lang naman ako eh. Lalo na kung tuwing nasasaktan ako aalagaan mo ako."
"Sige. Subukan mo. Sa susunod dadagdagan ko pa yang mga sugat mo!" Masama pa din ang tingin ni Mikella kay Kasper Habang ang lalaki naman ay ngiting aso pa din.
"Kainan na!" Rinig nilang Sigaw mula sa labas.
Akmang lalabas na si Mikella nang magsalita si Kasper.
"I love you." Bulong nito sa tainga niya at nauna nang maglakad.
Naiwan naman sa loob si Mikella na halos mapigil ang paghinga sa sobrang gulat.
"Kasper. Nandito ka na pala. Tara't kumain ka na dito." Yaya ng isang kusinera Habang umuupo nang makarating si Kasper sa hapag kainan.
Nang makaupo siya ay nagsalita muli ito.
"Kayo ba, nagbati na?"
Ngumiti ito bago sumagot.
"Hindi pa po siguro pero sana mapatawad niya na k-" Natigil ang pagsasalita niya nang biglang marinig ang boses ni Mikella.
"Hindi pa."
Tinulak siya nito bago umupo sa katabing upuan. Masama pa din ang tingin nito sa kanya kaya't nginitian niya na lamang ito.
"Bakit hindi pa?" Biro ng isang kasamahan nila.
"Anong hindi pa? Eh nakita ko nga kanina yang si Mikella pinapaliguan si Kasper. Kung magalaga daig pa magasawa." Pangaasar ng isa pang nurse doon.
"Kunware Di bati pero pag gabi baka mamaya gapangin mo siya ah." Biro ng isa pa. Hindi na maitago ni Kasper ang aliw niya Habang si Mikella naman ay yukong yuko ang ulo sa sobrang hiya.
"Kanina nga eh pumasok SI Kasper ng walang pangtaas sa kusina grabe na mag react tong si Mikella. Ayaw yatang makita ng Iba." Segunda ng isa pa. Humagalpak na si Kasper dito Habang si Mikella naman ay kulang na lang ay lamunin ng lupa sa hiya.
Inapakan niya ang paa ni Kasper mula sa baba ng lamesa ngunit wala itong naging reaksyon kaya sinuntok niya ang kandungan nito. Doon lamang siya nito pinansin. Nang magkatinginan sila ay tumigil ito sa pagtawa at napalitan ng ngiti ang labi nito. Inakbayan niya si Mikella at humarap sa mga kasama nila.
"Tigil na tayo. Nahihiya na si Mikella eh."
"Aysus. Ang landi landi naman po." At Nagtawanan na lamang ang Iba Maliban kay Mikella bago nagsimulang kumain.
"Pwede ko nang tanggalin kamay mo." Bulong niya kay Kasper na nakaakbay pa rin sa kanya Habang abala sa pagkain.
"Ayoko nga." At mas hinigpitan nito ang lapit sa balikat niya. Ngiting aso muli ito bago sumubo ng pagkain.
"Ang sarap." Saad nito.
"Sarap noh?! Sunod niyan etong kamay mo na hihiwain ko at gagamitin kong sahog sa adobo!" Tinusok tusok niya ang kamay ni Kasper gamit ang tinidor ngunit hindi talaga nito tinaggal ang pagkakakapit sa kanya.
"Nga pala, Kasper. Dito ka ba magpapagabi?" Tanong ng isang nurse.
"Opo."
"Edi tabi kayo ni Mika?"
"Hindi po. Dun siya sa damuhan." Singit ni Mikella na tinawanan lamang ni Kasper.
"Grabe ka naman. Maawa ka naman sa lalaki. Buong maghapong nakabilad sa araw para lang malinis yung puno."
"Pinilit ko ba siyang linisin yun."
"Wala namang ibang makakapaglinis nun kung hindi siya."
"Edi ako."
"Ikaw bata ka! Eh bakit Di mo ginawa?!"
"Di niyo naman sakin sinabi."
"Ay naku. Basta! Sa kwarto mo matutulog ngayon si Kasper. Kung ayaw mo, ikaw matulog sa labas" Nagulat si Kasper sa tinuring ng isang nurse doon. Ma's matanda ito kay Mikella nang ilang taon, halos iisa ang ugali nila at pati na rin ang mukha nila.
"Hoy, Marian. Ang sama mo sa kapatid mo."
"Bakit ba?! Masama din naman siya sa bisita niya. Kaya kailangan ko lang siya turuan ng leksiyon." Tama nga ang hinala ni Kasper. Magkapatid ito. Ngunit iyon ang unang beses na nakita niya ito. Iisa lamang ang ugali nila ngunit ma's natatakot siya sa ate ni Mikella.
Umupo si Mikella nang bagsak ang balikat at nakatingin sa baba kaya't Lumapit si Kasper sa kanya at bumulong siya dito.
"Kung ayaw mong matulog ako sa kwarto mo. Pwede namang sa kotse na lan-"
"Hindi. Sige matulog ka sa kwarto ko." Pagputol ni Mikella sa kanya.
"Sa labas ako matutulog."Dugtong ni Mikella sa sinabi bago tumayo at naglakad palayo.
'Ano ba' to? Okay na eh. Nagalit na naman ulit tuloy siya sa akin. ' Tumayo siya at wala nang nagawa kung hindi ang sumunod sa ate ni Mikella at pumasok sa kwarto.
Sumunod naman sa kanya si Marian na may dalang kumot at unan.
"Kasper. Wag mo nang alalahanin si Mikella. Talagang matigas ang ulo ng batang yon."
Tulad ni Mikella ay wala din itong pinong gumalaw.
"Salamat po."
Ngunit pagkasaradong pagkasarado ng pintuan ay agad siyang tumayo at dinampot ang unan at kumot bago lumabas at Hinanap si Mikella.
Nang makita niya itong nakaupo sa isang kubo na walang ding ding ay halos malaglag ang PUSO niya. Nakaupo ito doon at nakabaon ang ulo sa tuhod. Tiyak ay nilalamig na Ito dahil kitang kita sa balikat niya na hindi siya kumportable. Kaya't bukod sa gusto niya itong yakapin ay nais niya ding dalhin ito sa kwarto at siya ang pumalit sa pwesto nito.
Lumapit siya ngunit hindi siya pinansin nito.
"Sorry."Bulong niya bago binalot ng kumot ang nanginginig na katawan nito. Laking gulat na lamang niya nang hindi ito pumalag. Nakabaon pa din ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
