Chapter 7

14 0 0
                                        

Naalimpungatan si Mikella sa kaniyang tulog nang marinig niya ang kalampag mula sa kwarto ni Kasper kaya't napabangon kagad siya. Nang makita niya ito mula sa bintana na tumatakas ay agad siyang nagdamit muli para sundan ito.
Akala niya ay tapos na ang paggagagala nito sa gabi at paginom ngunit hindi pa din.
"Ito talagang batang to. Pag ikaw talaga iinom na naman, susungalngalin na kita"
Ngunit imbes na pumunta ito sa bar ay dumiretso ito sa isang flower shop. 9 pm pa lang kaya't may mga bukas pa na flower shop.
Pagkatapos nun ay lumabas ito na may dalang bulaklak at kandila.
Sunod namang pag lakad nito ay patungong sementeryo.
"At sino naman kaya ang bibisitahin nito ngayon gabi?" unti unti siyang Lumapit at naaninag ang pangalan sa lapida.
Esther at Paulo.

"Happy wedding anniversary, lolo at lola" napasinghap si Mikella sa marinig.
Ngayon niya lamang nakilala ang lolo at lola ni Kasper. Simula pa lang kasi pumasok siya tatlong taon ang nakalilipas ay namatay na Ito.
Napangiti si Mikella sa sarili.
"Akala ko isa na namang problema ang gagawin nito. Bibisitahin naman pala ang lolo at lola."
Ngunit nagulat na lamang si Mikella nang narinig niya ang hikbi at pagsinghot ni Kasper.
"Nakakainis naman kayo eh, bakit ba kasi ang aga niyong umalis? Di niyo man lang ako ginising para naman nakapagpaalam ako sa inyo."
"Lola, hindi mo man lang sinabi sakin na masakit pala ang tiyan niyo para nadala ko kayo sa ospital. Lolo hindi man lang kayo nagsabi na bababa pala kayo ng hagdan, sana naalalayan ko po kayo"
Tuloy tuloy ang paghagulgol ni Kasper Habang nakaluhod sa harap ng puntod ng kaniyang lolo at lola.
"Lola sabi mo sakin panonoorin pa natin yung zombie na movie. Lolo naman eh, sabi mo sakin aayusin mo yung bike ko."
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakatulog din ito sa kakaiyak.
Hindi malaman ni Mikella ang gagawin ngunit ayaw niyang hayaang magisa lamang doon si Kasper kaya't tinawagan niya ang driver ng pamilya upang sunduin siya rito.

"Sige Mikella, papunta na ko diyan."

Nang tiyak siyang tulog na nga ito ay Lumapit siya rito upang kumutan ito at punasan ang mga luha.
Ito ang ikalawang beses na nakita niyang umiiyak si Kasper sa harap niya. Naalala niya pa ang unang beses.
*Flashback*
Bumaba si Mikella upang kumuha ng tubig ngunit naramdaman niya ang galaw sa bandang loob ng kusina kung asan nakatago ang mga alak ng tatay ni Kasper.
Lumapit siya upang tingnan kung si Kasper ba ang nagalaw at nang naaninag niya na siya nga ay dali dali siyang Lumapit.
"Ano sa tingin mo yan ginagawa mo?"
Nang humarap sa kanya si Kasper ay namumula na ang mukha nito at malumbay ang mata senyas na nakainom na nga ito kaya't inagaw kagad ni Mikella ang bote ng alak na hawak nito.
"No! Huhuhu ang sama mo ibalik mo sakin yan Mikella. Isusumbong kita kay mommy"Angal nito.
" Edi isumbong mo ako. Tama na yan at lasing ka na."
"ibigay mo yan sakin, gusto kong makakalimot."
"At anong dapat mo kalimutan, Aber"
"basta! Akin na kasi!"
"Ibibigay ko to sayo kapag sinabi mo kung bakit."
"Pagtatawanan mo ako eh"
"Hindi. Pramis."
"kasi ano-"
"Ano"
"kasi"
"Ano nga?"
"Namatay si Ishida?"
"Sino si Ishida?"
"Yung boyfriend ni Nishimiya"
"Sino si Nishimiya?"
"Basta Di mo sila kilala?"
"Anime ba tinutukoy mo?"
Lalong namula yung pisngi ni Kasper. At dahil dun ay hindi mapigilan ni Mikella na matawa na ma's ikinahiya pa ni Kasper.
"Sabi mo hindi ka tatawa!"
“Sorry... Hahahaha... So.. Hahaha"Halos hindi na matapos ni Mikella ang sasabihin niya kaya't tumakbo na lamang ang lalaki papunta sa kwarto dahil sa hiya.
"Sandali!" hinabol siya ni Mikella at iniwan niya na ang bote ng alak sa lalagyanan.
Nang makapasok siya sa kwarto nito ay nakatalukbong ito ng kumot at nakaharap sa kabilang direksyon.
"Labas!"
"Ayoko nga."
Ilang saglit pa ay narinig na ni Mikella ang pagyugyog ng balikat niya.
"Hoy. Kasper. Tahan na" Nagaalalang sabi ni Mikella at Lumapit kay Kasper.
Hindi padin ito tumatahan.
"Hey. Please tumigil ka na sa pagiyak. Sorry na"
"Tinawanan mo ko kanina eh. Yoko shayo." Nabubulol pa ito dahil sa kalasingan.
"Hindi na ako tatawa pramis. Tahan na"
"Pramis"
"pramis."
"huhuhu" natawa na lamang si Mikella nang paipit dahil kay Kasper. Ganto pala toh kapag nalasing parang baby.
Niyakap niya ito Habang pinapatahan.
"Mikella"
"Hmm"
"ang lambot ng katawan mo ang sarap hawakan." agad na napalayo si Mikella nang sabihin niya ito. "Manyak parin pala kahit lasing." bulong niya sa sarili.
"Tigiltigilan mo ko sa ganyan mo Kasper, gusto mong parusahan kita." Banta ni Mikella Habang nakahawak sa bewang ni Kasper at akmang kikilitiin ito.
Ngunit hindi umilag si Kasper, Bagkus ay mas Lumapit pa at inihilig ang ulo sa bandang tainga ni Mikella.
"Gusto ko ngang parusahan mo ko eh" mababa at Mahina ang boses nito na dahilan ng pagtayo ng balahibo ni Mikella.
Lumayo na si Mikella at alam niyang walang mararating ang ganitong usapan nila lalo na't Manyak itong kausap niya.
"Matulog ka na nga. Kung ano na naiisip ko diyan, manyakis ka."
"Pag ba hindi ako na tulog paparusahan mo ko?"
"Tsk. Ano bang pinagsasabi mo? Pag Di ka matulog, sasapakin kita."
"Grabe naman yang parusa mo."Tumaas ang kamay ni Kasper sa sinturon ng pantalon niya."Sa panaginip ko kaya sinturon lang gamit mo" 😂😂
Namula na nang todo ang mukha ni Mikella sa sinabi ni Kasper. At tumakbo na siya palabas ng kwarto.

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon