Chapter 19

9 0 0
                                        


Buong byahe pauwi ng bahay ay walang imikan sila Mikella at Kasper. Dagdag pa dito na kakaconfess lang ni Kasper ay hindi lamang basta tahimik sa loob. May kung anong tension na namumuo dito kaya nang makaparada ang kotse ay agad na nagmadali ang driver palabas.
Una nang lumabas si Kasper at walang ano anong dumiretso sa kaniyang kwarto. Binagsak niya ang pinto kaya napaigtad din si Mikella.
Natulala siya nang ilang minuto bago nagsimula nang maglakad papunta sa kaniyang kwarto.
"Mamaya ko na lang itatanong yung tungkol sa kwintas?"
Nagsimula na siyang magbihis ng ibang damit dahil kung sakaling ngang may masamang gawin sa kanya si Lyon ay ayaw niyang naka skirt pa siya. Kinuha niya na lamang ang PE uniform nila sa school at ang rubber shoes nila.
Matapos magbihis ay lumabas na siya ng kwarto.
"Mikella."
Lumingon siya. Nakayuko si Kasper Habang namumula.
"I'm sorry for earlier. For acting like a jerk." Sabat nito bago tumingala. Sa kaniyang pagtingala ay napangiti siya sa suot ni Mikella. Imbis na mag suot ito ng pangalis ay ang PE uniform nila ang sinuot nito.
"Pero what I've said earlier, I mean it."
"Ang alin?"
"About you."
"Na ayaw mo akong maging babysitter?"
"Kind of."
Naiilang na tumawa si Mikella sa tinuring ng lalaki. "Anong sasabihin ko ngayon?" bulong niya sa sarili at naalala niya ang dahilan niya kanina kung bakit niya ito hinahanap.
"Ah. Kasper. May itatanong ako sayo?"
"Ano?"
"May nakita ka bang necklace kanina sa school?"
"Ha?" Kinabhan ito bigla.
"Ah. Nawawala kasi kwintas ko. Sabi ng isa nating ka klase nakita daw niyang may hawak kang kwintas. Baka lang na-"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Baka lang nakita mo yung-"
"Pinagbibintangan mo ba ako?"
"Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang malaman kung ano yung kwintas na hawak mo-"
"Hindi ko nakita yang kwintas mo!"
"Saglit!"
Ngunit wala na siyang nagawa at naglakad na Ito palayo.
"Ano bang masama sa sinabi ko?" Bulong niya sa sarili.
"Hindi naman kita pinagbibintangan. Bakit ba ang galing niyang paikutin lahat na lang ng sinasabi ko?"
Umiling na lamang siya at naglakad palabas ng bahay.

Nang makarating siya sa school ay kinawayan siya ni Lyon kaya Lumapit siya dito ngunit ang ngiting malapad nito ay unti unti nawawala Habang tinitingnan ang kaniyang suot.
" Bakit ka nakaPE? "
" Ano naman?"
"Eh... Anong gagamitin mo sa PE natin?"
"Lalabhan ko ulit."
"Ano ba yan? Wala man lang konting pagayos sa sarili? Hindi ka ba babae?"
"At bakit naman ako magaayos para sayo?"
"Hin-Ay nako! Wag na nga."
"Ang dami mong reklamo. Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Tara."
Hinatak siya nito palayo ng school bago nagsimula silang maglakad palayo ng school.

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon