Chapter 30

14 0 0
                                        

Magisang pumasok si Mikella kinabukasan dahil nang magising siya nang umagang iyon ay wala na si Kasper sa home. Nagiwan lamang ito ng letter sa tabi ng kama niya. 'Di pa ako uuwi. May pupuntahan lang ako. Wag mo akong masyadong ma-miss. See you late. I love you :)' Napailing na lamang si Mikella bago pumasok ng gate ng school.

Maaga siyang nakapasok nitong araw na ito dahil wala siya kasabay na mangungulit sa kanya. Mabuti na rin iyon dahil hindi niya pa alam kung paano ito harapin matapos ang naging usapan nila kagabi. 'Nagiging manyakis na siya dahil kasama niya lagi yung lalaki na yun.'

"Good morning, ma'am." Ngiti niyang bati sa principal na ngayon ay nasa loob ng daycare. Wala pa ang mga bata at nakaupo lamang ang matanda sa isa upuan sa gilid.

"Good morning, Mika. Kamusta naman ang unang araw mo kahapon?"

"Ayos naman po. Nakasundo ko naman ang mga bata. "

"Mabuti naman kung ganon. Ibig sabihin niyan makakaalis na rin si Jewel."

"Talaga po?" Kahit na nakasundo niya ang mgaa bata ay di niya pa din maisip ang magalala sapagkat pitong bata ang aalagaan niyang magisa. Mga bata pasaway, malikot at iyakin.

"Pero okay lang naman dahil saktong may bagong nag apply kagad. Parang ngang hulog sa langit eh. Kung kelan kapos na kapos na ako sa tauhan nagapply itong batang toh."

Ngumiti si Mikella dahil dito. Sa wakas ay hindi rin siya magisang magtratrabaho ngayong araw.

"Kasper. Tara dito at papakilala kita kay Mika!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. 'Hindi naman siguro si Kasper iyon diba?' 'Marami namang Kasper sa Pilipinas, diba?'

Dahan dahan siyang lumingon habang dinadasal na ang makikita niya sa bandang pintuan ay hindi ang inaasahan niyang lalaki.

At doon ito, nakatayo habang may hawak na dalawang malaking teddy bear. Nakasuot ito ng uniform nila. Parang pajama habang may nakapatong na apron.

"Hi, Mikella. " Nakangisi nitong bati.

"Punyeta." Bulong ni Mikella sa sarili. 'Hindi ba talaga siya lalayuan nitong lalaking ito?' Natawa na lamang si Kasper sa tinuring niya bago lumapit.

"Ang harsh mo namang bumati sa bago mong co-babysitter." Pangaasar nito.

"Ayan! Nagkakilala na rin kayo. " Saad ng principal. 'Kung alam lamang nito ang sitwasyon nila ay hindi ito ngingiti.'

"Iaasa ko na lang sayo Mikella ang pagturo kay Kasper ah." Nakangiti pa din ito at tumayo na bago lumapit sa kanya. Pinisil nito ang pisngi ng lalaki kaya't nanlaki ang mata ni Mikella.

"Ang cute cute talaga nitong batang toh. Kelalaking tao pero mahilig pala sa bata. " At naglakad na ito paalis.

Naiwan doon si Mikella na halos umusok na ang ilong sa galit at si Kasper na ngiting aso pa rin. Nag peace sign pa ito sa babae ngunit lalo lang lumalim ang inis niya dito.

"At talagang sinundan mo pa ako ah?!"

"Hehehe. Diba kailangan niyo rin naman ng tulong?"

"Tsk! Ugh." Wala nang nagawa si Mikella kung hindi ang sabunutan ang sarili sa inis at umupo na lamang sa sahig upang ayusin ang mga libro at laruan ng mga bata.

"Sino ka kuya? Bakit ka kasama ni ate Mikella?"

Tumingin si Mikella kay Kasper bago humarap sa mga bata.

"Ah. Eto yung monster. Pumunta siya dito para kunin lahat ng bata. Bad siya. " Biro ni Mikella. Ngumiti na lamang si Kasper dito.

"Hala! Bad ka kuya!" Sabay sabay siyang sinugod ng mga bata habang kung ano anong ginagawa sa kaniya. Ang iba ay sinasabunutan siya habang ang iba ay gumagamit ng laruan upang kunwa'y saktan siya.

"Hahaha!"

Lumingon agad si Mikella sa gilid. Naroon muli si David sa sulok habang hawak hawak ang isang storybook. Tutok na tutok ito at hindi alintana ang ingay sa paligid sa kaniyang pagbabasa. Kaya nilapitan niya ito bago umupo sa tabi nito.

"Gusto mong basahin ni Ate Mika yan?" Hinawakan niya ang sulok ng libro ngunit agad din nitong hinatak yun.

"No. Kaya kong magbasa."

"Hindi ka ba mangalay di-"

"No."

"Gusto mon-"

"Gusto kong umalis ka dito. "

Bumugtong hininga na lamang si Mikella sa tinuring ng bata. Wala na siyang magagawa kung ayaw siya nitong kausapen.

Ngunit imbes na lumayo ay kinuha niya ang isa sa dalawang malaking teddy bear na dala ni Kasper kanina at tinabi ito sa bata.

"Bakit mo sinabi yun?" Napalingon si Mikella kay Kasper. Gulo gulo ang buhok nito Habang ang damit ay wala na sa tamang ayos. Bakas din sa mukha nito ang tampo kaya't natawa na lamang siya.
"Buti nga sa'yo. Ganti ko yan sa'yo sa pag apply mo dito." Ngumisi siya at pinatong ang kamay sa baywang.
Ngumiti naman si Kasper sa tinuring ng babae at Lumapit dito bago pinisil ang pisngi nito.
"Ang cute mo pa rin kaya papatawarin na kita."
"Lumayo ka kung ayaw mong palalain ko yan lagay ko."
"Ewww!" Napatingin sila sa mga bata. Lahat ito ay nakapanood sa kanila Habang may ngiwi sa mukha.
"Anong ew?!" Sabay nilang sabi bago nilapitan ang mga ito at kiniliti.
"Ahh! Hahaha. Tama na po!"
"Ew pala ha!"
"Sorry po! Hindi na po! Hahaha!"
Lingid sa kaalaman nila na si David ay nagtatampo sa sulok at nais din ng atensyon.
Kaya't nang makarating ang uwian ay balisa si Mikella sapagkat nang ihatid niya si Elaine sa Gate sa magulang nito ay pabalik niya sa daycare ay wala na si David.
" Kasper! Tiningnan mo na ba yung taas?!"
"Oo. Wala talaga siya doon. Baka sa playground!"
"Sige. Ako na lang naghahanap doon. Dito ka lang banda sa Gate at baka makalusot siya at mapadpad sa kalsada."
Tumakbo na si Mikella patungong playground ngunit wala ito doon.
"David?!" Hindi na niya mapigilan pa ang takot at pagaalala sa boses niya. 'Paano kung may nangyare nang masama dito?'

"David?! Asan ka na ba?!" Pinihit niya bawat pintuan na madadaanan niya umaasang makita ito doon.
"David?!"Tumulo na ang isang luha sa mata niya. 'Parang awa niyo na, wala naman sanang masamang nangyare sa kanya.'

"Tulong!" Sigaw ni David. Nang tumakbo siya palayo sa classroom niya kanina upang habulin ang isang palaka ay Di niya inaasahang mastastuck ang pintuang pinasukan niya. Dumidilim na ang langit at patindi na nang patindi ang takot ni David.
"Ate Jewel!" Ngawa niya. Ito ang pinakamalapit sa kanya na tao. Dahil sa uri ng trabaho ng kaniyang magulang na parehong Doctor ay si Jewel lamang ang tanging nasasabihan niya ng hinanakit.
"Tulong!" Napalingon si Mikella sa pinaggagalingan ng Sigaw na iyon. Mula sa janitor's closet. Agad niya itong nilapitan.
"David?!"
"Ate Jewel?!"
Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Mikella nang marinig muli ang boses ng bata.
"Si Ate Mika mo ito! Ayos ka lang?!"
"Tulong!"
Agad niyang hinawakan ang pihitan ng pinto ngunit hindi niya man lamang ito magalaw.
"Nastuck po ate yung pinto!"
"Ha?!" Bumaling ang tingin niya sa kinakalawang na ilalim ng pinto kaya agad siyang naghanap ng magagamit pang bukas dito sa paligid.
"Ate! Bilis!" Umiyak na ang bata kaya ma's lalong nagmadali si Mikella.
"Andito lang ako David. Wag kang matakot. Hindi kita iiwan."sabat niya.
Nang may nakita na siyang isang mahabang tubo ay ginamit niya ito bilang panungkit sa pinto ngunit nang nang maidikit niya ang dulo ay nasugatan agad ang kamay niya dahil may matalas itong putol.
"Wahhh!" Ngawa ni David kaya hindi na lamang alintana kay Mikella ang nagdurugong kamay. Nagpatuloy siya sa pagsungkit sa pintuan hanggang sa nakita niya ang konting pagkislot nito.
Kaya't nagbigay ito lalo ng lakas para sa kanya at mas tinindihan niya pa ang pagsungkit.
"Ate!" Nang makalabas ito ay dumiretso agad sa kanya at yumakap sa tuhod niya. Agad niyang naramdaman ang mga luha nito kaya't lumuhod siya at pinantayan ito.
"Ayos ka lang?" Nakangiti niyang tanong.
"Sorry, Ate."Bulalas nito nang makita ang nagdurugong kamay ni Mikella. Lalo lamang itong Nagpatuloy sa pagiyak.
"Shh. Okay lang yan. Andito lang si Ate." Niyakap niya ito bago binuhat. Hindi na Ito lumayo tulad nang dati at patuloy lang sa pagyakap sa kanya. Kaya't kahit na may sugat siya ay napapangiti pa rin siya.
"Mikella." Gulat na Bulalas nito nang makita si Mikella na buhat buhat si David. Nakatulog na ang bata sa kaniyang paglalakad papunta kung asan si Kasper.
Agad na napansin ni Kasper ang dugo dugong kamay ni Mikella kaya't kinuha niya SI David mula sa kamay nito bago nagtanong.
"Anong nangyare diyan?"
Hindi na Ito na sagot ni Mikella at tuluyan nang nagdilim ang paningin dahil sa sabay sabay na takot at deliryo pati na rin ang sakit na dala ng sugat.

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon