Chapter 18

11 0 0
                                        

Chapter 17
Kanina pa naghahanap si Mikella at halos mangiyak ngiyak na siya dahil hindi niya makita ang kwintas ng lola niya.
"Mikella?"
Napalingon siya kay Kasper.
"Are you crying?"
"Hindi!" Tumakbo siya at sinarado ang pintuan bago pa ito makapasok.
"What's wrong?"
"Wala. Wala."
"Mikella."
"Dun ka nga. Wag mo akong pansinin!"
Nanahimik na Ito kaya nakahinga ng maluwag si Mikella.

Kinabukasan sa school.
Papasok na si Mikella ng school nang habulin siya ni Kasper.
"Saan ka pupunta magisa?"
"Sa classroom. San pa ba?"
"Ako din eh." Ngumiti ito ng nakakaloko na ikinatawa na lamang ni Mikella.
"Mikella." Sabay silang lumingon sa tumatawag sa kanya.
"Lyon!"
"Di mo pa naman nakakalimutan Diba? Mamaya?"
"Oo nga! Ano ba?!"
"Dito lang ulit ako sa school maghihintay."
Tumango lang si Mikella dito bago naglakad na papuntang classroom niya. Lingid sa kaalaman niya kung paano magpatayan sa tingin ang dalawang lalaki sa kaniyang likod.
"San kayo pupunta?"
"Bakit ko sasabihin sayo?"
"Lyon. Sinasabi ko sayo. Pag may ginawa kang masa-"
"Hindi ako tulad mo noh. Bigla na lang nanghahalik." Pangaasar nito bago tumakbo sa kabilang direksyon.
Kinuyom na lamang ni Kasper ang kamao upang mapigil ang namumuong galit sa dibdib.

"Bakit ka biglang sasama kay Lyon?" Tanong ni Kasper nang lunch break. Tulad nang dati ay hindi na naman ito nakain.
"Hindi ko pwede sabihin sayo."
Nagpanting ang kaniyang tainga sa narinig.
"Ano?!"
"Hindi ko pwedeng sabihi-."
"Ah ganun?! Hindi mo din pala sasabihin sakin?"
"Hindi sa ganun!"
"Gaano ba kaimportante yun na kahit ako hindi ko pwedeng malaman?"
"Hoy! Tumigil ka nga sa kakaakto mo nang ganyan."
"Bakit ano bang pake mo?"
"Ano bang problema mo?"
"Mikella. Kahit kailan ay hindi ako nagtago sayo ng kahit ano!" At pabagsak nitong sinarado ang pinto sa classroom nila. Napatingin pa ang ibang mga estudyante dito ngunit dahil kilala na nila si Kasper at si Mikella na laging nagaaway ay binaliwala lang nila sila. Wala nang nagawa si Mikella kung hindi ang magpatuloy na lamang sa paglalakad palabas.
"Ang issue din ng lalaking yun eh."
Nang dumating ang uwian at wala nang napansin sa kaniya ay ibinalik niya ang atensyon sa sahig at nagbabaka sakaling baka nandun ang kwintas na kanina niya pa hinahanap.
"Hoy, Mikella! Ano ginagawa mo?"Natatawang tanong ng isa niyang ka klase.
"Wag niyo nga akong tawanan. Nawawala kwintas ko. Sabihin niyo na lang sakin kung nakita niyo."
Hindi na siya pinansin ng mga ito.
Nang hindi niya ito mahanap sa loob ng silid ay lumabas siya sa corridor.
"Mikella? Ano ginagawa mo?"
"Basta. May hinahanap ako. Sabihin mo sakin kung may nahanap kang kwintas ah."
Nilampasan lamang siya nito.
"Mikella? Ano hinahanap mo?"
"Ano ba?! Lahat na lang ba kayo tatanungin ako. Kung di niyo din naman masasabi sakin kung asan ang kwintas ko wag niyo akong kausapin!"
"Eto naman. Nagtatanong lang."
Nilampasan niya na lamang ito.
"Pero kwintas? Parang may nakita akong kwintas kanina."
Napalingon sa kanya si Mikella.
"Asan?"
"Si Kasper. May hawak siyang kwintas kanina."
Tumakbo kagad si Mikella sa classroom ni Kasper ngunit wala na Ito doon.
"Si Kasper?"
"Siguro umuwi na. Uwian na eh."
Lumabas kaagad si Mikella dito at tumakbo papunta sa parking lot. Nandoon pa ang kotse nito at nasa loob ito Habang nakasakbit ang headphones sa ulo at nakapikit.
Pumasok na din siya at tumabi dito.
"Kasper."
Walang sagot.
"Hoy!"
Wala pa ring sagot.
"Makinig ka nga sakin!" Hinatak niya ang headphones nito paalis sa ulo.
"Ano ba?!" Sigaw ni Kasper na ikinagulat ni Mikella.
"Hindi ka nakikinig eh?!"
"The hell?! Eh ano naman ngayon?!"
"May itatanong kasi ako!"
"Bakit kita sasagutin?! Eh ako nga kanina hindi mo sinagot."
"Bakit ba ang laki ng issue mo dun ha? Eh sa hindi ko nga pwedeng sabihin sayo! Hindi naman kami magnanakaw ng drugs!"
"Then shut the hell up!"
"Naninigaw ka ba?!"
"Yes! Because I'm tired of this thing between us. Ayokong maging babysitter kita. Ayoko na. Dahil ang dami pa ding umaaligid sayo and it irks me."
"Gusto mo ba akong mag resign porke-"
"I want you mine, Mikella."

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon