Chapter 30
Nang maalimpungatan si Mikella ay gabi na at nasa sariling kwarto na niya siya sa home. Napagtatnto niya agad kung anong nangyari. Hinimatay siya marahil na sa sobrang pagod, pagaalala at takot. At binuhat siya ni Kasper papunta sa kanyang kwarto. Nang bumangon ay napansin niya ang mga gasa na nakapulupot sa sugatan niyang mga kamay na lalong nagpangiti sa kaniya. Aminin man o hindi, nagugustuhan na ni Mikella ang ganitong uri ng pagaaruga sa kaniya ni Kasper. Dahil noong babysitter lamang siya nito ay puros pagaalala lang at gulo ang dala ng lalaki sa buhay niya.
*Flashback* *1 year ago*
Importanteng araw iyon para sa hospital sapagkat may darating na mga espesyal na bisita mula ibang bansa. Sa isang enggrandeng hotel gaganapin ang handaan kaya't pinilit ng nanay ni Kasper na sumama si Mikella upang bantayan ang lalaki na hindi makagawa ng kung anong kalokohan.
"Hoy! Saan ka pupunta?! Ha?! Dito ka lang!"
"I'm hungry. Kukuha lang ako ng pagkain."
"Tsk. Dito ka lang ako na lang kukuha ng pagkain mo."
"No! Stop acting as if I'm a child. Marunong akong kumuha ng pagkain."
"Ang kulit! Ako na nga sabi." Tumayo na si Mikella nang biglang tumayo din si Kasper at pumwesto sa likuran niya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.
"Tanga ka talaga! Yung dress na sinuot mo ang ikli. Wag ka ngang tumayo!" Hinubad ni Kasper ang blazer bago itinali sa kaniyang baywang.
"Maikli ba? Wala naman kasi akong dress para sa ganitong handaan kaya pinahiram na lang ako ng mommy mo. "
"You should have asked me instead. Sana binilhan na lang kita ng dress na mas...mahaba dito. " Naiirita nitong sabi.
"Oh siya sige. Sa susunod sasabihin ko sa'yo. Bitiwan mo na ko at kukuha na ako ng pagkain. "
"I'll go with you. "Tugon nito at nilagay ang kamay sa likuran ng kaniyang baywang. Wala nang nagawa si Mikella kung hindi ang hayaan na lamang ito.
Nang makakuha na sila ng pagkain ay bumalik sila table. Bigla namang may lumapit kay Kasper.
"Right now?"
"Yes, sir. "
Bumugtong hininga muna ito bago humarap kay Mikella.
"Papakilala daw ako ng tatay ko sa mga yun. Dito ka lang ah. "
"Sige. " Tinanaw ni Mikella ang lalaking palayong naglalakad sa kanya. Kung gaano ito kakulit at kaisip bata tuwing kasama siya ay ganoon naman ito kaseryoso kapag iba na ang kausap. Tila ibang tao ito na sinaniban ang katawan ng Kasper na kilala niya.
"Good evening, Miss. " Napalingon siya sa nagsalitang boses. Nakatingin ito sa kaniya kaya't agad siyang tumingin si likuran at sa paligid para hanapin ang kausap nito.
"Ako?" Tumawa ang lalaki.
"Yes. Napansin kita since you walked into this place. And of course, I noticed that you were with Kasper. Girlfriend ka ba niya?" Tanong nito. Agad naman na umiling si Mikella.
"Hindi po."
"I see. Friend?" Friend nga ba? Kaysa naman na sabihin niya na babysitter siya ay mas mabuti nang kaibigan na lamang ang tawag sa kaniya.
"Ah. Oo. "
"Good thing."
"Ha?"
"Well, I just think you're really beautiful. Mabuti na lamang at di ka pa taken." Nanaas ang kilay ni Mikella sa sinabi ng lalaki. Mukha itong mas matanda sa kaniya ng ilang taon. Marahil ay nasa 20 years old na ito.
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romansa"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
