Chapter 22

9 0 0
                                        

Chapter 21
Hindi mapakali si Mikella Habang nasa loob ng hospital room si Kasper. Paulit ulit siyang sumisilip sa loob ngunit ayaw muna siyang papasukin ng nurse Habang minomonitor si Kasper.
Nang matapos ito ay lumabas na siya at hinarap si Mikella.
"Ilang araw na bang hindi nakakatulog ang lalaking yan?" Tanong nito sa kanya. Matanda na Ito at mukhang strikta.
"Hindi ko po alam, ma'am. Hinimatay na lang po kasi siya kaya po dinala ko na agad siya dito."
"Nasobrahan sa alcohol intake, possible ding may sleep deprivation. As of now, Mahina pa ang katawan niya. Kung hindi siguro dahil sa malakas niyang immune system ikinamatay niya na ang ginagawa niyang yan. Suicidal ba itong batang to?"
"Hindi po!"
"Mabuti naman. Baka may problema lang. Siguro pag gumaling galing na siya eh pagusapan niyo kung gusto niyang magsession sa psychology department."
"Opo."
"Pwede ka nang pumasok."
"Salamat, ma'am."
Nang makapasok siya at makita niya ang mukha nito ay hindi niya na mapigilan ang pagtulo ng luha niya. Mukhang hapong hapo na Ito at kahit natutulog ay hindi ito mukhang kumportable, na parang may malaking problemang pinapasan.
"Kasper. Ano ba kasing pinaggagawa mo?!" Hagulgol niya bago tuluyang lumuhod sa harap nito at ipinatong ang ulo sa braso.

Nang sumapit ang 7 pm ay naisipan na ni Mikella na bumili ng pagkain sa canteen upang paggising ni Kasper ay may makakain ito.
Pagkatapos bumili ay bumalik siya at nakitang nakaupo na si Kasper.
"Hoy! Hindi ka pa dapat umuupo! Humiga ka lang!"
"Bakit ka nandito?"
"Aba! Seryoso ka ba?!"
"Umalis ka!"
Napatigil si Mikella. 'Tinataboy mo ba ako?' bulong niya sa sarili.
"Hindi! Hindi ako aalis! Alam mo bang kung hindi pa kita sinundan eh baka kung ano nang nangyare sayo?! Hindi ka ba nagiisip, Kasper?!"
"Pwede ba?! Tumigil ka na! Tumigil ka na sa pagaalala mo sa akin dahil hindi na ako Bata!"
"Paanong hindi ako magaalala para sayo eh kung ano ano nang kalokohan ginagawa mo!"
"Stop pretending to worry about me."
"Nagaalala ako para sayo, Kasper. At kung galit ka pa din sakin tungkol sa in-."
"Shut up!"
"Sorry."
Saglit na nanahimik ang buong hospital room. Ang pagtunog na lamang ng mga makinaryang nakakakabit kay Kasper ang naririnig.
"Please, get out." Mahina nitong sabi bago Humiga at nagtalukbong ng kumot.
Wala nang nagawa si Mikella. Ayaw niyang basta na lamang na hahayaang masunod si Kasper at magtuloy tuloy itong alitan nila. Gusto na niyang matapos ito at bumalik sila sa dati.
Kaya Kinabukasan Pagkatapos na Pagkatapos ng school ay agad na tumakbo si Mikella sa hospital. Sa kaniyang pagdaan saglit sa bahay ni Kasper ay kinuha niya ang Switch nito dahil alam niya kung gaano ito kaadik doon.
"Why are you here again?"
Hinihingal pa si Mikella sa kakatakbo kaya't Di niya agad iyon nasagot."

"Mikella, why are you here?"
"Bawal man lang ba kitang bisitahin?" Naglakad ito papalapit sa bedside table at nilapag doon ang gamit niya.
"Didn't I tell you that I don't need you?"
Bumugtong hininga siya bago hinarap si Kasper.
"Alam ko. Pero trabaho ko pa din ito. Isa pa, hindi kita kayang Iwan, Kasper. Kung ano man ang mangyayari sayo, responsibilidad ko yon."
"Kaya ko ang sarili ko. You don't have to do this."
"Bakit ba lagi mo akong pinagtatambayan?!"
"Alam mo na ang dahilan. Didn't I made myself clear? Ayaw kitang babysitter!"
"Wala kang karapatang sabihin yan at wala ka ring karapatan na isesante ako sa trabaho. Magulang mo lang ang may disisyon niya at dahil wala silang masasabi ay hindi ako aalis sa tabi mo."
"Bakit ba ang kulit mo?! I don't want you here, Mikella."
Lumapit si Mikella kay Kasper bago ito binigyan ng isang kaltok.
"Aray ko!"
"Bwisit ka, Kasper!"
Lumabas siya ng hospital room at bumugtong hininga. Hindi na niya maintindihan kung bakit ba Ito nagagalit.
"Leche ka!" Bulong ni Mikella sa unan bago pinisil ang mukha dito.
Pumadyak padyak din siya sa ere Habang nakahiga sa kama niya sa kwarto.
"Hoy! Kasper! Kung ayaw mo akong kausapen, hindi ko ipagpipilitan sarili ko sayo hayup ka" dinuro duro niya ang unan na parang kinakausap niya ito bago ito binato palayo.
"Kumain na kaya yun?"
"Bala siyang mamatay sa gutom!"
"Kahapon pa yung suot niya, hindi pa ata siya nagpapalit."
"Pake ko! Kahit mukha na siyang taong grasa, hinding hindi ko siya tutulungan noh."
"Ayos na kaya lagay niya. Baka tumayo siya at subukang maglakad."
"Kahit mahulog pa siya sa building, hinding hinding hindi ako pupunta!"

Bumugtong hininga si Mikella at hinigpitan ang hawak sa isang bag. Madilim na sa labas kaya't kahit sa loob ng ospital ay kakaunti na lamang ang tao.
Naglakad siya papuntang elevator at pinindot ang floor kung asan naka confine si Kasper.
At nang makalakad na siya sa harap ng pinto nito ay sumilip siya sa loob nakatayo ito. Nakapagpalit na ng damit at hindi na rin nakakabit sa kanya ang mga makinarya.
"Kasper?"
Gulat itong lumingon at nang makita siya ay bumalik ulit ito sa seryosong mukha nito.
"Ano na naman?!"
"Pwede ka na bang bumangon?"
"No."
"Eh bakit nakabangon ka na?!"
"Why do you care?"
"Hoy. Ako Kasper, tigil tigilan mo ako sa care care na yan, ah! Bawal ba akong magalala sayo?!"
"Yes. You don't have to."
"Eh kung gusto kong magalala sayo?!"
"Then stop!"
"Bakit?!"
"You don't get it!"
"Edi ipaintindi mo Sakin. Kasper, may nagawa ba akong Mali?!"
"It's not that!"
"Edi ano?!"
"Gusto mo ng reason?!"
"Oo."
"I like you! At alam kong hindi ganon ang nararamdaman mo para sa akin!"
Rumehistro ang Gulat sa mukha ni Mikella.
"Kasper... Hin-"
"Now, tell me, Mikella. Ikaw, anong dahilan kung bakit mo to ginagawa?"
"Dahil trabaho ko ito."
Lumapit sa kanya si Kasper.
"So, dahil lang talaga sa pera?"
"Bakit ba ang baliktad ng utak mo? Kahit naman na binabayaran ako eh, totoong may pakialam ako sayo."
"I don't want you to care for me!"
Matagal na katahimikan ang namalagi sa pagitan nilang dalawa nang magsalita muli si Kasper.
"Just stop being my babysitter. Stop this."
"Ayoko."Napatingin sa kanya si Kasper, nakakunot ang noo nito at nakataas ang kilay.
"Ayaw mo?!"
"Oo. Hindi ako aalis."
"Mikella. Kung pera ang kailangan mo, mas dodoblehin ko pa, just quit the-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang sinampal siya ni Mikella.
"Hindi ko kailangan ng pera."
"Edi ano kailangan mo?! Sabihin mo sakin, I'll give it to you, then quit the job!"
Lumapit sa kanya si Mikella bago siya mulling sinampal.
"Alam mo. Akala ko bumuti ka na. Akala ko mapagmamalaki kita sa mga magulang mo. Hindi pa pala. Nakakabigo ka Kasper. Sayang lang pala lahat ng tatlong taon ko na kasama kita. At sayang din yung pagbuwis ko ng buhay para lang maligtas ka. Punyeta! Sana hinayaan na lang kita masagasaan ng kotse hayup ka! "
Agad siyang tumalikod bago pa makita ni Kasper ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mata niya.
Tsaka siya naglakad papalabas ng hospital ngunit napatigil siya nang magsalita muli si Kasper.
"Oo nga eh. Come to think of it. I didn't need you to save my life. I didn't need you in my life."
At doon na bumuhos ang luha ni Mikella bago ito hinarap. Dinukot niya mula sa bulsa ang papel na binigay sa kanya ni Kasper nung unang araw nito sa opisina tungkol sa executive assistant bago ito pinunit.
" Peste ka! Kung ganon, hindi mo na kailangan pang magbigay sa akin ng kahit na ano dahil hindi ako pulubi! Aalis na ako sa bahay niyo, sa pagiging lecheng babysitter mo at sa buhay mo! Dahil bwisit ka Kasper. Sawang sawa na akong intindihin ka, Sawang sawa na akong humingi ng tawad mo at pucha! Sawang sawa na din ako sa pagiging isip bata mo!" Binato niya ang papel sa sahig bago ito gigil na inapakan at lumabas ng room at padabog na isinara ang pinto.
Sinipa niya pa ito para maiparamdam kay Kasper ang galit niya at padabog na naglakad palabas ng hospital.

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon