Chapter 25
Buong gabi na nagmamaneho si Kasper papunta sa probinsya. Alam niya kung asan possible si Mikella kaya't Di na siya nagalinlangang dumiretso doon.
Kaya't kahit na buong gabi siya Di nakatulog at halos pasikat na ang araw ay hindi siya tumigil sa pagmamaneho.
Saktong alas syete nang umaga siya makarating dito. Madami nang gising sapagkat maaga din magising ang mga nurse dito pati na rin ang mga matatanda.
Bumaba siya sa kotse at agad siyang napansin ng dalawang pamilyar na bata.
"Kuya Kasper!" Sabay nitong sabi sabay takbo papunta sa kanya.
Natawa na lamang siya sa reaksyon ng dalawa.
"Kuya, andito ka po ba para sunduin si ate Mika?"
"Oo. Ganon na nga."
"Sabi ko na eh. Nasa kusina po siya ngayon. Nagluluto."
Parang tumalon ang puso ni Kasper dito. Makikita niya na muli si Mikella. Kahit buong gabi na siyang sabik na sabik na makita ito ay kinakabhan pa rin siya.
Nagsimula na siyang maglakad papunta sa loob ng home papuntang kusina.
Doon ay nakita niya ang pigura nito. Nakatalikod ito mula sa kanya Habang abala ang mga kamay sa paghihiwa ng kung ano. At nang lalapitan na niya ito ay napansin niya ang marahan na paghikbi ng balikat nito na nagalarma sa kanya.
'Lecheng sibuyas naman ito oh!' Isip isip ni Mikella sa sarili Habang hinihiwa ang pangpitong sibuyan at sumisinghot. Pinunasan niya ang luha gamit ang isang kamay na walang hawak na kutsilyo nang may maramdamang humawak sa bewang niya.
Hindi niya rin ito agad natabig dahil nga iniisip niyang baka kung sino lamang sa mga tauhan ng nursing home.
"Na-miss kita. Sobra." Mababa at Mahinang sabi nito sa bandang tainga niya. Nanayo ang balahibo niya nang rumehistro sa kaniyang kung sino ito sapagkat kilala niya iyong boses na yon.
"Kasper!" Agad siya umikot at nagtagpo ang kanilang paningin.
Nakangiti ito Habang nakatingin sa kaniyang mata. Kitang kita mula dito ang emosyon na hindi nito kayang matago.
Ngunit imbes na matuwa si Mikella gaya nang inaasahan ni Kasper ay tinutok niya ang kutsilyo sa lalaki kaya napaatras ito.
"Anong ginagawa mo dito?! Ha?!"
"Wait!"
"Hindi pa ba sapat yung panlalait na ginawa mo sa ospital ha?! Sinundan mo pa talaga ako!"
"No. Hindi ako nandito para doon."
"Tingin mo may pake ako?! Layas nga dito! Layas!"
"Hindi. Hindi ako aalis."
"Ah ganon?! Gusto mong dukutin ko yang mata mo gamit toh?!" Tinaas nito ang kutsilyo sa mukha ni Kasper kaya't napaatras siya bago Tinaas ang dalawang kamay.
"Okay. Fine. But I'm not leaving."Tumalikod ito at naglakad palabas ng kitchen bago nagtungo sa isang kubo.
"Lolo? Lola?" Tawag niya Habang kumakatok.
Hindi katagalan ay lumabas ang dalawa at rumehistro sa mukha nila ang tuwa.
"Kasper! Sabi ko na nga ba eh. Akala ko hindi ka kasama ni Mika noong pumunta siya dito."
"Hindi nga po. Sumunod lang po ako."
"Ganoon ba? Bakit hindi kayo mag kasabay?"
"Galit po kasi siya sakin, nagkaroon lang po kami ng maliit na away."
"Dito ka nga sa loob at maupo. Pagusapan natin yan dahil hindi dapat pinapatagal ang away magasawa."Biro ni Lola Josepha.
"Pero syempre kailangan ko din siguro na maparusahan niya nang konti. Ang dami ko po kasing masakit na nasabi sa kanya."
"Ay nako! Wag kang magalala. Basta mahal ka nang tao, bigyan mo lang yan ng isang araw na hindi ka kasama, sa ikalawa, hahanap hanapin ka na niyan."Hayag ni Lolo Crisanto.
" Yun nga po eh. Hindi naman niya ako mahal." Yumuko ito.
"Ay! Ano ka ba?! Mahal ka niyan ni Mikella! Konting tulak pa at bibigay din yan sayo."
Natawa na lamang sila dito.
Nang matapos si Mikella sa pagluluto ng pagkain ay tumingin siya sa paligid upang hanapin si Kasper o kung umuwi na nga ito.
"Mika. Hinahanap mo ba si Pogi? Nandoon siya kina Lola Josefa."
Naningkit ang mata ni Mikella dito at agad siyang tumakbo papunta sa kubo nito at marahas na binuksan ang pinto.
Natagpuan niya itong nagtatawanan kasama ang mga matatanda.
"Oh. Mikella! Tamang tama." Bati ni Lolo Crisanto sa kanya. Saglit niya itong nginitian bago dinuro naman si Kasper.
"Hoy! Kasper! Diba sabi ko umuwi ka na?!"
"Mika! Dito ka nga sa tabi ni Kasper at magusap tayong apat." Anyaya ni Lola Josepha. Kaya't kahit na ayaw ni Mikella ay wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sundin ito. Umupo siya sa upuan ni Kasper ngunit pinilit niyang nasa kabilang dulo siya nito at hinding hindi sila magdidikit.
"Ano ba kasi ang dahilan kung bakit kayo nagaway mga bata kayo?"
"Lola. Hindi kami nagaway. Dahil unang una sa lahat, nananahimik ako tapos biglang nagsisimula ng gulo ito si Kasper."
Tumingin ang dalawang matanda kay Kasper bago bumulong.
"Hindi namin kayo kayang ayusin kung ganyan pala ang dahilan ng hidwaan niyo. Mabuting ikaw ang sumuyo dito sa babaeng to."
"Talaga po?" Bulong niya pabalik.
"Hoy! Ikaw! Ano binubulong bulong mo diyan?! Diba sabi ko sayo umuwi ka na?!"
"Ayoko nga. Di ako babalik nang hindi ka kasama."
"Tsk!" Tumayo ito at tinapunan ng matalas na tingin si Kasper.
"Halika nga dito!" Kinuha niya ang kamay nito at hinatak ito palabas ng kubo Habang nagtatawanan ang dalawang matanda.
"Hay! Parang tayo lang din sila noong bata pa tayo."
"Oo. Diba parang ganyan ka Din magtampo sa akin noon." Biro ni Lolo Crisanto.
Hinatak ni Mikella si Kasper papunta sa likod ng home kung asan ang mga hayop.
"Kasper! Pwede ba?! Hindi ako nandito para makipaglaro sayo!"
"Ako din naman eh. Alam kong nasaktan kita sa nasabi ko so please. Bigyan mo ako ng pagkakataon na humingi ng tawad."
"Ayoko, okay?! Tingin mo kaya mo kong bigla na lang susungitan tapos kapag nagsawa ka na uutusan mo akong bumalik. Madami akong kailangan gawin kaya, umuwi ka na dahil istorbo ka lang."
Tumalikod si Mikella at nagsimula nang maglakad ngunit hindi pa siya nakakalayo ay hinawakan na ni Kasper ang pulsuhan niya at marahan siyang hinatak at hinalikan sa labi.
"Ayoko nga. Didn't I tell you? Mahal na kita, Mikella. At kung kailanganin ko pang kulitin ka bawat minuto para lang mahalin mo ako pabalik, gagawin ko. So be ready. " Nakangisi nitong sabi bago Tumalikod mula sa kanya at dumiretso sa gitna ng home. Binati siya ng mga tao doon na marahil ay nakakakilala sa kanya.
"Kasper. Kamusta ka na?" Bati sa kanya ng isang nurse doon.
"Ayos lang po. May maitutulong po ba ako?"
"Ay naku. Buti na lang naitanong mo? May natumbang puno doon banda. Paabala lang ah."
"Sige po." Ngumiti ito at tumakbo sa direksyon na tinuro ng nurse.
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
