Chapter 4

20 0 0
                                        

Nang makaalis na ang tatlong lalaki ay tiningnan ni Kasper si Mikella na ngayon ay nasa mga bisig niya.
"Mikella. Are you okay?"
Dala ng gulat ay hindi kagad nakasagot SI Mikella.
"Ano.. OK lng ako" Agad itong Umayos ng tayo.
"Mikella ano ba kasing problema?" Sa tatlong taon na mag kasama sila ay iyon ang unang beses na narinig ni Mikella ang ganoong boses ni Kasper. Parang nagmamakaawa. Parang nanlalambing.
'Hindi. Mali ito. Boss ko siya. Hindi ko ito dapat nararamdaman.'
"Ano? Problema? Ako? Baka ikaw may problema" Biro ni Mikella bago nagmadali at pumunta na sa kotse ni Kasper.

Kinabukasan
Ganoon pa rin ang turingan ni Mikella at Kasper sa isa't isa na napansin na ng mga magulang ni Kasper.
"Kayong dalawa, anong meron sa inyo?" Tanong ng nanay na parang may pagdududa sa mukha.
"Samin po ma'am? Ay wala nmn po. Ayun, makulit pa din si Kasper.Pero ma's behave na po siya ngayon."
Tinawanan lamang ito ng tatay ni Kasper.
"Mabuti naman at magkakasundo kayo, mukhang hindi Malabo ang pangako mong hindi mo iiwan ang tabi ng anak ko hanggang sa huli."
Ito kasi ang pangako ni Mikella sa mga magulang no Kasper noong ginawa siyang katulong nila.
Hindi na Ito nilagay sa kontrata dahil ayaw naman ng magulang ni Kasper na pwersahin ito kay Mikella.
*Flashback*
Papunta na sa unang track meet niya si Mikella. Mahilig ito tumakbo at kahit pa bata pa lamang ay kita na ang potensyal sa kanya ng mga coach kaya sinsikap nilang bigyan siya ng proyekto.
Madali g araw pa lamang iyon kaya't kakaunti pa lamang ang mga tao sa kalsada ngunit kapansin pansin na ang isang lalaking naka White na hoodie na naglalakad sa harapan niya. Pagewang gewang ang paglalakad nito na tila lasing kayat' minarapat na lamang ni Mikella na dumistansya at baka may mangyari pang masama sa kanya.
Ngunit bigla na lamang tumawid ang lalaki at sa kaniyang pagtawid ay may isang mabilis na kotse ang dumaan.

Hindi na naisip pa ng kung ano ano si Mikella at dali daling tumakbo papunta sa lalaki. Ngunit nang maitulak niya ito ay huli na ang lahat at natamaan din siya ng paparating na kotse.
Ang huling alaala niya na lamang ay ang mga nagkakagulong tao at ang pagdala sa kaniyang ng ambulansya.
Nang magising siya ay nasa isang magarang hospital room na siya at may magasawang  nakatingin sa kanya, parehong nagaalala. Andun din ang kaniyang ina.
"Ma? Anong nangy-Aw!" Napahugot siya ng hi ga nang maramdaman ang sakit ng tuhod niya.
"You are suffering from major knee injury. Dahil sa accident ay nagkaroon ng punit sa ACL ligament mo."Sabi ng doctor.
"Po?"
"Don't worry. This will heal within six to nine months. After that you can walk freely."
"Eh doc. Kaya niya pa po bang tumakbo?"
"You're an athlete right?"
"Opo."
"I'm afraid that you'll never be able to run as you used to at matatagalan bago ka makabalik sa dati mong sitwasyon. Rest assured na makaka balik ka. Ngunit by that time, hindi ka na makaka habol."

Hindi napigilan ni Mikella ang lumuha. Ano ba naman ito? Mahirap na nga kami, at ito na lang ang tanging blessing ko, kukunin pa?

" We are very sorry and thankful sa ginawa mong pagsagip sa anak namin. "Napatingin si Mikella sa mag asawa sa gilid niya.

" we don't know how we can repay you pero if it's not too much to ask, San ka ba nagaaral? We can give you a full scholarship and a high paying side job. Bilang pagbayad sa sakripisyo mo para sa anak namin."

*End of Flashback*

Nang makarating na ng school sila Mikella at Kasper ay mulling hindi na naman sila nagpansinan.
Hinayaan na lamang ito ni Kasper kahit na sa totoo lamang ay Inis na Inis na siya at gusto niyang sabihin kay Mikella na kapag hindi siya nito pinansin ay hindi niya ibigay ang sweldo nito sa buwang iyon.
Isip bata ngunit kailan ba siya nagkaroon ng ma's mature na desisyon?

Nang magsimula ang klase ay wala nang ibang ginawa SI Kasper kung hindi ang isipin ang tungkol kay Mikella. Naalala niya pa ang unang beses na nagsimula si Mikella bilang katulong/babysitter niya.

*flashback* 3 years ago.
"What? I don't need a babysitter. I can handily everything on my own."
Tinawanan lamang ito ng kaniyang ama.
"No, you can't son. She would have been called a personal assistant or even a body guard kung ma's matanda ka pa. Pero dahil baby ka pa, let's think of her as your babysitter."
Tiningnan nu Kasper si Mikella sa kabilang dulo ng table.
"She's the same age as me. How can she be a babysitter?"
Hindi na nakapigil ang ina ni Kasper at sumagot nang strikto.
"It's because you owe her your life, technically she's someone who can save you dahil hindi mo kayang ipagtanggol sarili. Look. You're even drinking alcohol. Ilang taon ka na ba? 15 ka pa lang. Eh kung ikamatay mo yang ginagawa mo?".
Dahil sa Inis sa magulang ay padabog na tumayo si Kasper at pa bagsak na sinarado ang pintuan sa kaniyang kwarto.
" Mikella, I know that you're mature enough to understand that man. Wag kang pa padala sa katigasan ng ulo niyan, he's secretly a sweet guy at alam kong magkakasundo kayo."
"Opo ma'am."
"Can you go up there and coax him? Malay mo sayo lang pala lalambot yun"
Hindi na nagdalawang isip si Mikella at umakyat papuntang kwarto ni Kasper.
"Tao po."
Binuksan niya na Ito bago pa makasagot si Kasper at doon ay nakita niya itong nakahiga sa kama Habang nakatalikod mula sa kanya.

"Labas."
"ayoko nga."
Bumangon kagad ito at tiningnan siya sa mata.
"hindi ka susunod sa akin? Ako ang amo mo Diba?"
"Hindi po ikaw ang amo ko. Ang mga magulang mo po dahil sila ang magpapasahod sakin. At bakit naman ako susunod sayo, ano ako aso?"
Masungit niyang tanong bago tumingin sa paligid.
"ang dumi naman ng kwarto mo."
"edi linisin mo."
Napabuntong hininga si Mikella sa sama ng ugali ni Kasper kaya't nilapitan niya ito at itinayo.
"Hindi lang ako ang maglilinis nito, okay? Lilinisin mo din ito."
"at bakit?"
"Hindi ka ba nahihiya na hahayaan mong babae pa ang maglilinis ng damit at underwear mong nakakakalat?"
Namula sa Kasper na ikinangiti ni Mikella. 'Tama nga ang sabi ng nanay nito, mabait siya, matigas lang talaga ang ulo.'
Matapos nilang malinis ang mga damit ni Kasper na nakakalat ay sunod naman nilang nilinis ang ilalim ng kama nito. Hindi napapansin ni Kasper na tuloy tuloy lamang siya s paglilinis ng kwarto niya, isang bagay na kailan may hindi niya pa na gagawa dahil lagi lamang siyang nakaasa sa mga katulong nila.
Lingid sa kaalaman nila na nanonood ang mga magulang ni Kasper mula sa pinto.
"Tama nga ang desisyon natin na gawin siyang babysitter, unang araw pa lamang at nagtitino na si Kasper. Dagdagan na natin agad sahod niya, first time palang may naka gawa nun eh." biro ng magulang ni Kasper sa isat isa.
Matapos sila maglinis ay tagaktak ng pawis si Kasper pati na rin si Mikella kahit pa aircon ang buong kwarto.
"Oy, magpalit ka nga ng tshirt mo, basang basa ka na ng pawis."
"Alam ko."
"Atsaka lagyan natin ng tuwalya yang likod mo" Akmang lalagyan na ng tuwalya ni Mikella ang likod ni Kasper nang umiwas ito.
"kaya ko na yan, ano ba?" nahihiya nitong sabi.
"edi bilisan mo na at magpalit ka na"
"manyak ka ba, bakit ka nandito pa rin sa kwarto ko? Lumabas ka nga!" nahihiya pa rin at namumula nitong sabi.
Tumawa na lamang si Mikella sa sinabi ng lalaki.
"oh siya sige. Magbibihis na din ako. At ikaw, sinasabi ko sayo, wag na wag mong uulitin yung paginom mo nang ganon ah. Kung hindi may kaltok ka talaga sakin."Sabi ni Mikella bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Kasper. Napangiti na lamang si Kasper na ikinagulat ng mga magulang niyang sikretong nanonood mula sa pinto.
*End of Flashback.*

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon