Chapter 22
Nang umuwi si Kasper sa bahay ay patay lahat ng ilaw. Madalas ay may sasalubong na sa kanya, maging si Mikella, ang nanay niya o ang tatay niya.
Naglakad siya papunta sa kwarto niya at nila pag doon ang gamit bago lumabas. Nang tumingin siya sa kanan ay nakita niya na nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Mikella kaya't naisipan niya itong lapitan. Alam niyang wala na Ito doon. Sa lahat ng nasabi niyang salita kanina, impossibleng mapatawad pa siya ni Mikella.
Binuksan niya ang ilaw at tumambad sa kanya ang malinis na kwarto. Walang ni isang kalat, walang gamit. Parang nanlamig siya sa nakita. Nasa kama nakapatong ang tatlong paperbag. Paperbag ito nung binilhan niya si Mikella ng damit at sapatos pati salamin. Lahat ay nandito.
Masyado na siyang nasanay sa presensya ni Mikella na parang pakiramdam niya panaginip ang lahat. Na pag gumising siya ay babalik sa normal ang lahat. Siguro kung hindi nagbago ang nararamdaman niya kay Mikella ay hindi hahantong sa ganto. Kung nanatili ang pagkakaibigan nila ay hindi nito kailangan umalis.
Isa na siyang malaking parte ng buhay ni Kasper na para bang ngayon wala na ito ay kahit pag tayo ay hirap na siyang gawin.
Bumaba siya ng kitchen at naglabas ng isang bote ng alak. Alam niyang magagalit si Mikella. Alam niyang ayaw ni Mikella na uminom siya. Ngunit ito lang ang tanging paraan para makakalimot siya.
Umupo siya sa sahig tsaka tinungga ang alak. Nang ibaba niya ito ay napangisi siya. Wala na ang pipigil sa kanya. Wala na ang mangungulit sa kanya.
At kahit na anong pagpigil ang gawin niya ay tumulo ang luha. Iisang patak lamang ito. Parang siya, nagiisa na lang. Nawalan ng kapares. Magisang babagsak sa sahig. Magisa.
Naalala niya pa ang mga oras na tuwing iinom siya ay bigla na lamang ito susulpot. Hindi niya alam kung galing saan.
*Flashback*
"Hoy! Kasper! Sabi ko na nga ba eh! Bakit ba ang kulit kulit mo ha?!" Piningot siya nito.
"Awwww!"
"Ibaba mo nga yan! Tara na!"
"Ayoko nga. Bakit ka ba nandito?!"
"Akala mo Di ko alam yung sikreto mong pagtakas ha?!"
"Pwede bang lubayan mo muna ako?!"
"At bakit ko naman gagawin yun?!"
"I just want to be alone!"
"Arte mo. Kung gusto mong magisa, hindi mo kailangan sirain yang atay mo. Tara dun sa garden magpulot ka ng ligaw na damo."
"What the hell are you saying?!" Nagpupumiglas ito Habang hinahatak siya ni Mikella.
"Diba gusto mong magisa?! Oh siya. Magpulot ka ng ligaw na damo sa hardin magisa para naman makatulong ka sa hardinero natin tutal wala ka namang magandang ginagawa."
Napakamot na lamang ng ulo si Kasper at wala nang ibang nagawa kung hindi magpatangay kay Mikella.
***
Unang beses na nasaktan siya ng ama si Kasper kaya't nang naiwan siya magisa ay nagsimula siyang uminom sa loob ng kwarto.
" Ayan ka na naman. " Hindi ito sumisigaw ngunit halata niya ang Inis sa boses nito.
"Mikella. Please. Not now."
Lumapit ito sa kanya bago umupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Alam mo ba kung bakit ka napagtaasan ng tatay mo?"
"No. And I don't freaking care!"
"Dahil nagaalala siya para sayo. Bakit ba kasi hanggang ngayon hindi ka pa nakakapagdesisyon sa gusto mong kurso?"
"It's not that. Alam ko kung ano ang gusto ko, pero ewan. I feel rebellious. They want me to take business management. I honestly want to do it pero at the same time I hate the fact that they decide for me."
"Hindi mo man lang ba naisip na sa kakaganyan mo baka masira pa Kinabukasan mo?"
"No. Its not that. Hindi naman sa ganon. You don't get it."
"Naintindihan kita. Pero sila ba naintindihan mo?"
"Why do I have to?"
"Kasper. Magulang mo sila. Ma's kilala ka nila kesa kilala mo ang sarili mo. At alam nila kung ano ang tama sayo. Hindi ka man lang ba nalungkot nang nakita mo ang mukha ng tatay mo kanina. Galit siya pero nagaalala."
"Pero..."
"Tsk. Kung gusto mo ang kurso, hindi ba't ma's madali ang kasunduan ninyong magpapamilya. Nagkakaintindihan kayo."
"Edi anong gagawin ko?"
"Magsorry ka sa tatay mo."
"Eh ayoko nga!"
"Sapak you want?"
"Ang daya mo!"
"Hahaha."
***
Tumakas uli si Kasper at sa pagkakataong ito. Dumaan siya sa isang puno upang makita ni Mikella ang kaniyang pagalis.
Kaya nang marinig niya ang maliliit na yabag nito sa likuran niya Di katagalan, napangiti siya.
Dumaan siya ng bar ngunit hindi niya talaga balak pumasok dito. At gaya nga ng inaasahan niya agad na nagmadali ito at Lumapit sa kanya.
"Hoy. Saan ka sa tingin mo pupunta ha?!" Ngayon ay nakasabunot ito sa kaniya.
"Aray! Teka lang!"
Napangiti na lamang sa Kasper.
"Iinom ka na naman?! Ha?!"
"Gusto ko lang talaga magpahangin sa labas."
"Mukha mo!"
"And since you're here. Tara dun sa playground."
Hinatak niya na kagad ito bago pa ito makapag salita.
Ang totoo niyan, hindi alam ni Kasper kung kailan ngunit nawawalan na siya ng ganang uminom. Pakiramdam niya hindi na Ito ang may kakayahang magpasaya sa kaniya o ang magpalimot sa kaniya. May Iba na. Isang babae na kahit walang gawin ay napupukaw niya ang atensyon ni Kasper.
*End of Flashback*
Muling tumungga si Kasper mula sa bote Habang nakatingin sa kawalan.
At nang gabing iyon ay hindi siya nakatulog sa kakaisip kung kaya niya bang mawala sa buhay niya itong babaeng to.
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Roman d'amour"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
