Chapter 12
"Mikella? Okay ka lang" Hinanap ni Kasper si Mikella na ngayon ay nakaupo sa sahig at nakatakip ang mata.
"Mikella?"
Ngunit hindi siya sinagot nito.
"Takot ka sa dilim?"
"Sino bang hindi?"
"Ako. Pansin mo ba walang ilaw kwarto ko. Kapag gabi na madilim na din."
"Huhuhu. Hindi ako takot sa dilim."
"Ah talaga? Eh ano yang nasa tabi mo-"
"Ahhhhh! Hayup ka talaga!" Tumakbo ito sa tabi ni Kasper.
"Sandali. Kukuha lang ako ng flashlights at kandila sa garage."
"Sama ko."
"Woy! Iba ata ihip ng hangin ngayon. Akala ko ba ang tapang tapang mo? Diba nga ipapakain mo pa ano ko sa aso?"
"Tsk! Sasamahan kita dahil baka hindi mo malaman kung saan mo kukunin yon."
"Alam ko kung asan."At tinanggal nito ang kamay sa kanya bago naramdaman na naglakad na Ito palayo.
Nagmadaling tumakbo Si Kasper sa garage at kumuha ng limang flashlight at isang plastic ng kandila pati na rin ng lighter. Nang makapasok ay agad niya Hinanap si Mikella bago binuksan ang flashlight at tinapat sa mukha nito.
Nagulat na lamang siya nang makita niya ang gulat sa mukha nito. Namumutla din ang labi niya.
"ayos ka lang ba?"
"Akala ko iniwan mo na ako eh!" sigaw nito bago umupo sa sahig dahil nanghihina ang tuhod niya sa takot.
"Ganon ka katakot?"
"Wala kaya akong makita!"
"Sorry!"
"Yun lang sasabihin mo! Pag ako iniwan mo ulit tatadyakan kita sa ano."
"Hahaha."
"Anong nakakatawa dun?"
"Tatadyakan mo ko sa ano pero Di ka nga maka tayo diyan. Tumayo ka nga diyan. Babysitter pero iyakin." hinawakan niya ito sa braso bago hinatak patayo.
"Grrrrr" sabi ng tiyan ni Mikella.
"Gutom ka na?" natatawang tanong ni Kasper.
"Syempre noh. Hindi pa kaya tayo kumakain.
" Ano kayang kakainin natin eh lahat ng lutuan sa bahay electric-powered"
"wala ring pagkain sa ref."
"papadeliver na lang ako. Saglit dito ka lang."
"San ka pupunta?"
"hahanapin ko cellphone ko."
"nasa akin cellphone mo"
"Bakit mo ba laging hawak cellphone ko." inabot niya ito.
"Eh kung saan saan mo nilalapag eh. Sabi kaya sakin ni tita hindi tumatagal ang phone sayo ng limang buwan. Buti nga ngayon 3 taon na yang phone mo eh."
"oo na. Dyan ka muna"
"San ka pupunta?"
"sa labas. Tatawag"
"may signal sa loob."
"Hahahaha. Ayaw mo talagang mawalay sakin ah."
"at niloloko mo naman ako."
"ang sarap mong pagtripan eh"
Pagkatapos umorder ni Kasper ng KFC ay muli itong naglakad.
"hoy San ka na naman pupunta?!"
"Mag ccr ako. Ano sasama ka?"
"wag muna huhuhu"
"Hahaha sumama ka na lang"
"Tsk! Sige na nga bilisan mo!"
Nang makapasok na si Kasper ay ngumisi siya at sinimula na ang masamang plano niya. May hawak kasi si Mikella na isang flashlight na nakakunekta sa phone ni Kasper kaya kaya niya itong kuntrolin.
"Lagot ka sakin."
Bigla niya itong pinatay kaya napatalon sa gulat si Mikella.
"Uy! Kasper. Bilisan mo diyan napundi na tong flashlight!"
Ngunit hindi siya sumagot at dahan dahang lumabas sa banyo bago naglakad palayo kay Mikella.
"Mikella" bulong niya mula sa malayo. At halos mamula na siya sa kakapigil ng tawa nang marinig niya ang pagsinghap ni Mikella.
"Hoy Kasper. Hindi ka pa ba tapos?"
"Mikella." bulong niya ulit Habang papalapit dito.
Dahil sa takot, ay sinubukan ni Mikella na tumakbo papalayo ngunit hindi niya namalayan na may naapakan pala siya basahan at natumba siya.
Nang marinig ni Kasper ang lagabog ay dali itong Lumapit at inilawan si Mikella at dun nakita niya ang mga luhang pumapatak mula sa mata nito.
"Kasper. Hayup ka!" Ngawa nito Habang hinihimas ang tuhod na tumama sa sahig.
"Ayos ka lang?"
"Hindi! Akala ko may multo!"Lumapit ito kay Mikella at yinakap ito.
"Sorry. I was just pranking you."
Naramdaman ni Kasper ang panginginig ni Mikella kaya't ma's hinigpitan niya pa ang yakap.
"Bakit mo ginawa yon?" parang nadudurog puso niya nang marinig ang piyok ni Mikella.
"I'm really sorry."
Hinatak siya ni Kasper patayo.
"Kunin ko lang yung delivery."
At sabay na silang naglakad papuntang pintuan.
Matapos kumain ay hindi pa din nawawala ang katahimikan sa pagitan nila.
"Mikell-"
"Ayos lang ako."
"I can sleep with you."
"Ayoko nga!" Kahit na madilim ay kita ni Kasper ang pagbalik ng masungit na ekspresyon sa mukha nito kaya natuwa siya.
"Matutulog lang naman tayo eh."
"Eh malay ko kung anong gagawin mo sakin."
"Diba takot ka?"
"Mas takot ako sayo."
"Wala akong gagawin sayo."
"Paano mo nasabi?"
"Because I respect you."
At dito na tumigil ang usapan nila.
"Basta tandaan mo lang, hindi porket takot ako sa dilim ay Mahina na ako ah. Subukan mo lang talagang gumawa ng kakaiba, makakalikutan kong boss kita."
"Opo na. Kahit na dati pa lang naman Di mo na ako tinuring na boss."
"Ano sabe mo?!"
"Wala po."
Nang makapasok na sila sa kwarto ni Kasper ay hindi pa din mapigilan ni Mikella ang mailang.
"Dito ako malapit sa bintana para kapag may ginawa kang something may tatalunan ako."
"Yes boss."
"akala mo naman hindi ka na nakatulog dito. Dati kaya kapag may project ako at tinutulungan mo ako nakakatulog ka dito."
"Oo pero hindi dito sa kama."
Kinumutan na ni Kasper ang sarili at si Mikella bago humarap dito.
"Mikella."
"Oh."
"Thank you about earlier."
"Alin?"
"Sa Hospital."
"Ah."
"You made me realize how selfish I was. Tama nga yung sinabi mo. Hindi siya gagaling kahit tigisan ko ulo ko. Pero atleast kung gagawin ko gusto niya, he'll be happy bago... Bago..." Hindi na natuloy nito ang pagsalita dahil sa tuloy tuloy na hikbi.
"Shhh. Hwag mo muna isipin yun. Malayo pa yun. Ang mahalaga sulitin mo ang panahon na meron kayo."
"Pero *sob* tuwing naiisip ko yung nararamdaman niyang sakit *sob* *sob*I feel worse."
"Alam ko. Kaya kailangan mong sikapin na mapatunayan sa kanya na wala siyang dapat ipagalala para mabawasan yung sakit niya."
Matagal na puro katahimikan lamang ang bumabalot sa paligid ngunit hindi pa rin natigil si Kasper sa pagiyak kaya may naisip si Mikella.
🎶Hinga lang nang malalim.
Kumapit lang sa akin at Hwag mo nang isipin ang sabi nila. Mga luhang pinipigil. 🎶
Tumaas ang kamay nito sa mukha ni Kasper at pinasadahan ang pisngi niya.
🎶Ibuhos lang sa akin. Ako ay mananatili sa iyong tabi. Tumingin lang saking mga mata🎶
At hinigpitan niya pa ang pagyakap dito.
🎶Tahan na, kaibigan ko. Di magbabago, andito ako para sayo. 🎶
Hinaplos niya ang mga buhok nito.
🎶Nandito lang ako. Nandito lang ako. Nandito lang ako. 🎶
(Binago po ni Mikella ang lyrics sa huli from Tahan na mahal ko to Tahan na kaibigan ko. At Di magbabago ang pagibig sayo to Di magbabago andito ako para sayo since nga dito, Di niya pa narerealize ang kaniyang feelings.)
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
