Chapter 24
Buong araw na hindi nakita ni Kasper si Mikella sa school na ikinataka niya. 'Hindi rin ba siya pumasok?'
'Sa lahat ng sinabi ko sa kanya, I wouldn't even be surprised if I don't hear her name forever.'
Tumayo na Ito sa desk niya at naglakad na palabas ng building nila.
"Hoy! Kasper! Saan ka na naman tatakas?!" Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses ngunit wala siyang nakita. Natawa na lamang siya sa sarili. Imbis na sumakay sa kotse na may driver ay pinili niyang maglakad pauwi ng bahay bago kinuha ang susi sa sariling sasakyan at nagdrive papuntang ospital. Ito ang unang beses na makakapunta siya dito matapos ang pangyayari sa kanila ni Mikella. Kaya't hangga't sa maaari ay ayaw niyang sumampa sa floor kung saan siya na confine.
Dumiretso siya sa kaniyang opisina at nagsimula nang magayos ng kaniyang lamesa nang nagring ang telepono.
"Hello?"
"Sir. Apology for the intrusion."
"It's fine. I'm not doing anything yet."
"It's just that theres a gang of people in ward 14 and they are all causing havoc."
Naningkit ang mata ni Kasper. Bakit kailangan sa kanya sabihin ang ganitong bagay? Guardiya ba siya?
"Fine. I'll be there."
Naglakad siya papunta sa elevator at pinindot ang ground floor.
Nang makalabas ay bumakas ang galit sa mukha niya.
"Lyon? Anong ginagawa mo dito?!" Dirediretso siyang naglakad papunta sa lalaki na ngayon ay nakaupo sa isang information desk at nakikipag tawanan sa mga kasama nito.
"Hindi baa obvious. Nagpapagaling ako. Ikaw anong ginagawa ko dito ha?! Sinundan mo ako noh?!"
"In your dreams. This is my family's hospital. Now, get the hell out!" Tinulak niya ito pababa sa desk. Agad na naibaba nito ang paa kaya't hindi ito natumba.
"Ano ba problema mo? Hindi ba ospital tong pinapatakbo niyo? Bakit ka nananakit ng pasyente?"
Ngayon niya lamang napansin ang bandage sa uli nito at ang bandage sa mga kasamahan niya.
"Isa pa. Yang girlfriend mo rin naman ang dahilan kung bakit ako nandito eh kaya't dapat din na pagalingin din ako ng hospital niyo noh."
"What the hell are you talking about?!"
"Hindi ba girlfriend mo na si Mikella!"
"No. In fact, iniwanan niya na nga ako eh." Umupo ito sa sahig ng fire exit Habang nakatayo sa tapat niya si Lyon.
"Hmph. Buti nga sayo. Ang galing galing mo naman kasing pumorma sa babae. Hindi ka man lang ba nagselos nung dinate ko siya."
"Bakit naman ako magseselos sayo? Eh halata namang hindi siya magkakagusto sayo!"
"Hoy!"
"So. What happened? Bakit ka nagkaroon ng sugat?"
"Hindi mo ba alam?"
"Well, after your little 'date' we weren't in good terms."
"Kasalanan ko pa?!"
"Lyon. Alam ko yung plano mo. Plano mong gumanti kay Mikella. Balak mo siyang ligawan at kapag nagkagusto na siya sayo hihiwalayan mo siya."
"Paano mo-"
"Narinig ko kayo magusap ng mga alipores mo."
Sumandal ito sa pader at ngumisi.
"Iyon sana ang original kong plano. Kaso nung nakita kong impossibleng magkagusto sakin yung halimaw na babaeng y-"
Hindi niya natuloy ang sasabihin nang makita ang matalim na mata ni Kasper.
"-Ang maganda at mabait na babae na yun. Kahit hindi naman. Nagisip na lang ako nang ibang pwedeng gawin. "
" At ano yun? "
"Titikman ko lang siya nang kont-"
Tumayo na si Kasper at Lumapit kay Lyon bago ipinatong ang kamay sa pader malapit sa ulo nito.
"Pero Di ko naman nagawa, Kas-"
"Tingin mo may pake pa ako kung nagawa mo o hindi, ha?!" Sigaw nito bago malakas na pinaulanan ng suntok at sipa si Lyon.
"Saglit!"
Napatigil siya sa pananalita nito.
"Oo. Aaminin ko. Ang baba na masyado nung ginawa ko. Pero wala nang bababa pa sayo pare. Ang tapang tapang mo ngayon. Pero anong ginawa mo?!" tumawa ito nang sarkastiko.
"Ni hindi mo nga siya kayang protektahan nung mga oras na yun eh."
Ito naman ngayon ang sumuntok sa kanya, ngunit hindi gamit ang kamao nito, ngunit ang mga salita lamang nito.
"Kung ako ang babae. Hinding hindi kita papatulan gago ka."
"Tingin mo gusto kong patulan mo ako."
"Sumeryoso ka nga! Ni hindi mo lamang ba alam kung anong nangyare kay Mikella noong araw na yon? Kinidnap ko siya. Apat kaming lalaki noong araw na iyon at muntik nang may mangyaring masama sa kanya. At paguwi niya. Hindi man lamang nga nanay o tatay niya ang kaya niyang iyakan noon eh. Ikaw lang at sa pagkakahula ko, hindi mo siya kayang patahanin dahil hindi ka lalaki, Kasper. Bata ka pa talaga! Kaya alam mo ang bagay sayo. Ang Iwan ni Mikella! ".
Lumabas ito at naiwan siyang magisa sa loob.
'Nakidnap si Mikella? And I wasn't there to save her. I wasn't even there to comfort her. I was stuck in my own damn world trying so hard to earn her love not knowing that I'm hurting her. She wasn't even hurt because of Lyon. Dahil hindi nito kayang paiyakin si Mikella. Pero siya, dahil sa pagiging isip bata niya ay nasaktan niya ito.
Tumakbo siya palabas ng fire exit bago kinuha ang susi mula sa opisina niya at pumunta sa kaniyang kotse.
'Where is she now? Oh, god. She must be traumatised. Hinding hindi niya ito pinapakita sa labas na anyo pero alam niyang sa loob nito ay dinadamdam nito ang ganoong bagay. Ganoong klaseng babae si Mikella. Malakas ito para sa Iba ngunit Mahina lang din lamang ito. And he failed to notice that. Dahil noong mga panahong kailangan siya nito, he wasn't even ready to show her how much he loved her pero ngayon, handa na siya.
Inapakan niya pa ang gas ng kotse niya upang ma's mapabilis pa ito. Madilim na ang paligid ngunit ayaw niyang tumigil.
'Masyado nang matagal na nagpapakalakas si Mikella. Ngayon pwede nang siya ang pumrotekta rito.'
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
