Chapter 10

15 0 0
                                    

Nagulat si Kasper nang pumasok siya sa kwarto niya pagtapos maligo ay nakaupo si Mikella  sa sahig Habang kinakalikot ang game console niya.
"Ano na naman kailangan mo?"
"Upo ka sa tabi ko bilis."
At umupo naman ito sa tabi niya bago tumingin sa TV screen upang makita kung anong ginagawa ni Mikella.
"Bakit tayo manonood ng Train to Busan?"
"Tinanong ko lahat ng mga lola sa home at walang ni isa sa kanila ang gustong manood ng zombie na movie at baka daw atakihin sila sa takot kaya ako na lang yung manonood kasama mo."
"Ano? Teka. Di ko maintindihan."
"Diba sabi mo gusto mong makapanood ng zombie movie kasama ang lola mo?"
"Ah, yun ba?" Lumungkot muli yung tingin ni Kasper kaya't kinuha ni Mikella ang salaming binili sa kanya ni Kasper at sinuot ito.
"Isipin mo na lang na lola mo ako." At dahil dun ay ngumiti na rin nang bahagya ang lalaki.
"Edi dapat mas maliit ka pa nang konti tapos Mahina na din dapat boses mo."
"Ay ewan ko sayo." Sabay hampas sa balikat.
"Hindi naman ako hinahampas ng lola ko eh," inirolyo na lamang ni Mikella ang mata niya bago humarap sa screen at plinay ang movie.
Habang nagsisimula pa lamang ang movie ay kumuha ng Lay's si Kasper mula sa isang bag niya at nilagay yun sa gitna nilang dalawa.
"San galing toh?"
"Binili ko sana toh para kina Trudis at Azul kaso nakalimutan ko na."
Habang nanonood ng movie ay hindi mapakali si Mikella na napansin din kalaunan ni Kasper.
"Natatakot ka ba?"
"Hindi noh."
"Okay. Sabi mo eh."
Ngunit nang umabot sa puntong nagtatakbuhan na ang mga tao ay hindi na nakapagpigil si Mikella at sumigaw na siya.
"Bilis!!"
Natawa na lamang si Kasper sa inakto nito.
"Hala namatay yung kaibigan niya."
At nang umabot naman sa punto na mamamatay na ung maskuladong lalaki ay napansin ni Kasper ang pagtulo ng luha niya na naging hagulgol na noong namatay ang tatay.
"Ano ba naman ito? Akala ko pa naman zombie movie at nakakatakot, bakit nakakaiyak?"
Sabi ni Mikella Habang pinupunasan ang luha.
"Bakit hindi ka man lang naiyak, wala ka bang puso?"
"Napanood ko na yan eh."
"Bakit Di mo sinabi para Iba na lang pinanood natin?"
"OK lang nagenjoy naman akong panoorin kang umiyak," biro nito.
"Hindi ka ba sanay manood ng horror?" tanong ni Kasper
"Hindi. Ayoko nga ng horror eh kasi Di ako makatulog sa gabi dahil sa takot."
"Gusto mo tabihan kita?"
"Leche ka gusto mo itulak kita sa hagdan?"
"Kung Di mo naman pala kayang manood ng horror at natatakot ka, bakit mo pa pinanood ito kasama ako?"
"Hindi ka ba nakikinig, para mawala na yang sugat sa puso mo. Sa tingin mo ba natutuwa mga lolo at lola mo sa langit Habang nakikita ka nilang nagmumukmok?"
"Pero ang dami mo nang nagawa para sakin. Sapat na yun noh."
Naalala ni Kasper kung gaano kadami ang sakripisyong nagawa ni Mikella para lamang sa kanya.
*Flashback*
Ito ang unang beses na nakainom sa Kasper nang sobra sobra kayat kinaumagahan na siya nakagising.
Bagamat nahihilo ay pinilit niyang tumayo bago naglakad palabas ng kinakainan niyang resto.
Pagewang gewang siyang naglakad sa mga kalye. Mabuti na lamang at walang tao kaya't hindi rin siya masyadong pinagtutuunan ng atensyon.
Ang dahilan kung bakit siya uminom ay hindi na niya malaman. Dahil ba Ito sa away ng kaniyang magulang? Dahil ba Ito sa pagkamatay ng kaniyang aso? Dahil ba Ito sa pagbabanta sa kanya ng mga kaklase niyang lalaki na wag siyang magsumbong kahit na nakikita niyang nababastos na ang isa pa niyang kaklaseng babae?
Naghalo halo na ang lungkot sa kanya kayat  pinili niyang ibuhos ang sarili sa alak.
Ngunit nang patawid na siya ay naramdaman niya na lamang ang pagtulak sa kanya na dahilan ng pagkatumba niya. Umikot siya upang tingnan kung sino ang tumulak at saktong nakita niya ang pagbangga ng kotse sa maliit na katawan ng babae.
Tila nawala bigla ang kalasingan niya nang naramdaman niyang umalis lamang ang kotse at himarurot nang hindi tumitigil. Kahit na nanginginig ay kinuha niya ang telepono at tinype ang plaka ng kotse.
Sunod ay tumawag na kagad siya sa ospital na pagmamayari ng tatay niya.
"Okay sir. Relax lang po kayo. Tinawagan ko na po ang dispatch at pupunta sila diyan in 10 minutes."
"Bilisan niyo!"
"Yes sir. Wag kayong magalala. Ngayon sir, pwede po bang pakibantayan yung pasyente. May nagdudugo po ba sa kanya?"
Nanlaki lalo ang mata ni Kasper nang makita ang dugong dumadaloy mula sa ulo nito.
"Meron po. Sa ulo niya!"
"Kumuha po kayo ng malinis na tela at takpan niyo ang sugat niya. Maglagay lang kayo ng konting pressure. Sunod ay ipatong niyo po ang ulo niya sa tuhod niyo para po hindi maipon ang dugo."At sinunod naman ito ni Kasper.
Hindi katagalan ay narinig na niya ang ambulansya.

" Kasper. Mabuti naman at ligtas ka!"Bulalas ng nanay niyang bagong dating.
"But I don't know if she's safe" tinuro ni Kasper ang katawan ng babae na nakahilata sa kama.
"Ano ba kasing nangyare?"
"Niligtas niya ako. Muntik na akong masagasaan ng kotse, kaya Niligtas niya ako."
Nagtinginan ang mga magulang niya.
"Please do whatever you can to save her, tito." Bumaling siya sa doctor na in charge kay Mikella.
"Don't worry Kasper. Hindi naman malala ang natamo niyang sugat. In fact for her injuries nga, malakas pa siya eh. She'll survive."

Nang matapos ang operasyon ay gabi na at ang tanging maririnig na lamang ay ang beep ng makinaryang nakakabit kay Mikella.
"I'm sorry. Ako dapat yung nakahiga diyan eh. Thank you for saving me."
Nakapikit pa rin ito at hindi kumikibo.

*End of flashback*
Napangiti si Kasper sa alaala. Unang beses na nakilala niya pa lamang si Mikella ay niligtas na siya nito. At simula noon ay lagi na siyang nililigtas nito mula sa aksidente.
"Hoy! Anong tinitingin tingin mo diyan?"
"Thank you"
"Para saan."
"Sa pagpunta sa home tapos ito."
"Hep. Hindi pa ako tapos."Hinawakan ni Mikella ang kamay ni Kasper at dinala siya sa kabilabg dulo ng kwarto nito.
"Pikit mo muna mata mo."
"Bakit?"
"Tsk. Subukan mong dumilat may kaltok ka sakin."
Ilang saglit pa ay narinig ni Kasper ang paglagabog ng mga bakal at kung ano ano ngunit gaya nga ng sinabi ni Mikella ay hindi niya minulat ang mata.
"Okay. Pwede ka nang tumingin."
Nang imulat niya ang mata niya ang Nagulat siya nang naalala niya kung ano ang hawak ni Mikella.
Ito yung lumang bike niya noong limang taong gulang pa lamang siya. Nasira ito dahil parati niyang ginagamit kaya bumigay ang mga turnilyo.
"Sabi mo din kasi pinangako sayo ng lolo mo na aayusin niya yung bike mo. Kaya eto, inayos ko para say-".
Nagulat na lamang si Mikella nang naglakad si Kasper palapit sa kanya bago siya hinalikan sa labi.
"Hoy. Teka. Anong...p..problema mo?" kahit anong gaiwng pagpalag niya ay hindi siya makalaya sa hawak sa kanya ng lalaki.
Bigla na lamang siyang hinatak nito at isinandal sa pader bago ipinagpatuloy ang paghahalik sa kanya.

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon