Chapter 29

13 0 0
                                        

"Anong oras nga kasi labas mo mamaya?"
"Ayoko ngang sabihin sa'yo!"
"Tsk! Magaantay ako buong araw dito!"
"Ugh. 5:30"
Ngumiti si Kasper bago inabot ang bag ni Mikella sa kanya at inantay itong makapasok.
"Good luck!"
"Tse!"
Nagantay siyang pumasok ito bago nagsimulang maglakad palayo.
"Mikella." Bati ng school principal na nagaantay sa harap ng daycare.
"Ma'am Victoria."
"Eto nga pala si Anjie. Siya muna magpapakilala sayo sa mga bata at kung ano ang gagawin bago siya umalis."
Binati niya ito.
"Tara sa loob, Mika."
Nang makapasok sa loob ay tumambad sa kanya ang pitong maliliit na bata.
"Kids. Tahimik muna. May bago uli kayong ate. Pakilala tayo sa kanya."
"Okay po!"
"Eto si Ate Mika!"
"Hi! Ate Mika! Ako po si Garett." Sabi ng isang bata. Mukha itong makulit at punong puno ng enerhiya.
"Ako po si Trisha!" Sigaw naman ng isang masayahing batang babae. Nakatrintas ang buhok nito at punong puno ng pink ang damit.
"Hi ate Mika! Elaine po." Mukha itong mahiyain.
"Tiger po!" Kung masigla yung Garett, mas masigla pa itong isang to.
"Genesis po. Hi po!" Ma's maliit ito kumpara sa ibang bata.
"At iyong isang yun nasa sulok, si David yun. Medjo tahimik siya at masungit pero wag kang magalala pag nakagaan mo ng loob yan magiging makulit din yan."
"Ah OK po."
Umupo siya sa sahig na pinapatungan ng puzzle mat at nilapitan naman siya ng mga bata.
"Pasensya ka na, Mika ah. Alam kong masyadong madami itong mga bata para Iwan ko sayo kaso tapos na talaga kontrata ko eh. Pero wag kang magalala, Di naman ako aalis agad."
"Ano po ba kayo? Ayos lang po ako. Sanay na po ako magalaga ng mga matatanda. Wala lang po sakin itong maliliit na bata na to."
"Mabuti naman."
"Ate Mika! Laro tayo!"Tawag sa kanya ni Tiger.
"Ano bang gusto niyong laruin?"
"Lutu-lutuan!" Wika ng mga babae.
"Ew! Gusto ko baril barilan." Sigaw ni Tiger at Garret.
"Bakit ba gusto niyo yun? Bad kaya gumamit ng guns!"
"Anong bad?! Mga polis ba bad?"
"Oo. Bad sila!"
"Susumbong kita sa tatay ko."
"OK lang yan. Tumigil na kayo sa pag away." Pumagitna si Mikella sa dalawang panig.
"Eh siya po ate nauna eh."
"Anong ako?! Ikaw kaya!"
"Hep! Sige! Magaway pa kayo at kukunin ko lahat ng laruan niyo."
Saglit itong natigilan at agad na umupo. Nakabusangot pa ang mga ito at nakatingin sa baba na ikinangiti nalang ni Mikella.
"Ganito na lang." Pinulot niya ang mga laruan na luto lutuan tsaka inayos ito.
"Kunware, isa ka daw magaling na chef."Binigay niya kay Elaine ang spatula." Tapos sobrang saraaap~ ng luto mo. "Binigay niya naman ang isang laru laruang kawali kay Trisha." Yung buong mundo, gustong gustong gusto nilang kumain ng mga pagkain na ginawa niyo. "
" Yayyy! "Nagsimula itong umakto na wari ay nagluluto.
"Kaso!"Bigla niyang kinuha ang mga batang babae na kunwari ay galit siya.
" May masasamang tao at gusto nilang nakawin yung pagkain! "
" AHHHH! "
" Hindi kami papayag! "Nakisali na si Garett bago tinaas ang isang baril at umaktong may babarilin.
" Ililigtas namin kayo! "Tugon ni Tiger.
" Ibalik niyo sila! " Sabat naman ni Genesis.
" Ayoko! Nanakawin ko yung pagkain nila! "Akto ni Mikella at nagpanggap na lalaki ang boses.
" Hargh! "At inatake nga siya ng mga ito.
" Hahaha! "
Nang sumapit ang tanghalian ay agad niyang nilinis ang isang lamesa bago tinabi ang ibang laruan na nakakalat.
" Tama na muna yan! Tara na't kumain muna tayo! "
" Awww. "
Ngunit sumunod din ang mga ito sa kaniya, maliban sa isang bata na hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin sa isang sulok.
Nilapitan ito ni Mikella.
"David, kumain na tayo. Baka nagugutom ka na."
"Ayoko!"
"Gusto mo bang dito ka kumain?"
"Hindi ako kakain!"
"Bakit naman?"
"Iiwan na ako ni Ate Jewel." Tukoy nito sa babysitter na isa pa. Totoong aalis na Ito ngunit hindi naman agaran.
"Wag ka magalala David. Di ka naman Iiwan ni ate Jewel mo dahil ayaw niya na sayo."
"Hmph!"
Bumugtong hininga na lamang si Mikella bago tumayo at nagtungo sa lamesa kung asan ang mga bata at kumakain.
"Kumain lang kayo diyan ah." Sabi niya bago naginat ng leeg pati ng braso.
Hindi tulad ng sa home, dito ay buong araw siya halos nakayuko upang mapatuonan ng pansin ang mga bata kaya't mas hindi siya Sanay.

"Mikella." Napalingon siya sa gilid at nakita na naman ang mukha ni Kasper.
"Ano ginagawa mo dito?!"
"Hinahatiran ka ng pagkain." Ngumiti ito nang todo bago itinaas ang isang baunan. Bumugtong hininga na lamang si Mikella bago ito nilapitan.
"Wala ka bang ibang magandang pwede gawin?! Bakit ba kasi Di ka na lang umuwi?!" Inagaw niya ang baunan bago nagtungo sa pantry. Wala masyadong tao dito sapagkat maliit lamang ang eskwelahan at kakaunti lamang ang tauhan.
"Nakakapagod ba?"
"Ha? Hindi naman."
Nilabas ni Mikella ang baunan. May tatlong itong. Palapag na may iba't ibang nakalagay na pagkain. May gulay, kanin, prutas at karne.
"Ang dami!"
"Syempre. Ganyan ka dami pagmamahal ko sayo." Narolyo na lamang ni Mikella ang mata bago sumubo ng kanin. Bilisan ko na ngang kumain at makalayo na sa manyak na ito. Isip isip ni Mikella.

"Ah nga pala! Anong ginagawa mo sa home ngayon?"

"Syempre tumulong ako sa kanila noh. Nagluto ako para sa mga matatanda tapos tinuruan ako ng mga nurse kung paano mag timpla ng gamot para sa mga matatanda." Nakangiti nitong sabi kaya naman napangiti na lang din si Mikella.

"Ikaw?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?"

"Sige na! Buong araw kaya kitang iniisip."

"Mukha mo!"

"Ano nga?!" Pangungulit nito. 

"Tsk! Ang kulit mo. Bakit kaya di mo na lang ako sundan buong araw?! Mas nakakairita ka eh!"

Nanlaki ang mata ni Kasper dito bago tila may naisip.


Nang matapos ang shift ni Mikella nang araw na iyon ay makulimlim na ang langit kaya't pinilit niya nang bilisan sa pagalis. Mula doon. At laking gulat na lamang niya nang makita muli si Kasper sa gate ng school. Nakangiti muli ito habang nakapagpalit na ng damit. Iba na ang suot nito mula sa unang beses nitong pagpunta sa daycare.  Naka pormal itong damit habang dala dala ang kotse na sinasandalan nito kasalukuyan.

"I miss you."

"Andito ka na naman?"

"Wala man lang 'I miss you too?' 

"Tadyak, you want?" Tinawanan lang ito ni Kasper bago pinagbuksan siya ng pinto.

"Tara. Uwi na tayo. " Hindi na lamang pumalag si Mikella at wala namang masama na tanggapin niya ito paminsan minsan. Isa pa, pagod na rin siya at nais niya lamang na makauwi na.

Nang makarating sila sa home ay gabi na kaya't minarapat na lamang ni Mikella na magmadami nang magluto ng pagkain at matulog.

"What's for dinner?" Wala sa wisyong tanong ni Kasper sa kanya habang bumababa ito.

"Ewan ko. Titingnan ko pa. Ikaw ano balak mong gawin?" 

"Wash up. Siguro papaliguan ko na rin itong kotse ko."

Tumango na lamang si Mikella at nagtungo sa loob ng kusina. Wala na ang mga tao at naisip niyang marahil ay tapos na itong kumain at naghahanda na lamang para matulog. 

Naglabas siya ng mga sahog atsaka nagsimulang magluto. Nagprito siya ng karne bago sumandok ng kanin sa dalawang plato at dinala niya ito sa labas papunta kay Kasper.

At doon tila nanigas siya sa kinatatayuan nang makita ang itsura nito. Tinanggal nito ang damit pangtaas habang hawak hawak ang hose at tinatapat ang tubig sa kotse nito. Nakaawang nang konti ang labi nito habang lumalabas ang konting hingal dito. Nabasa nang konti ang buhok nito na ngayon ay kumakapit sa mukha nito. Bumaba ang mata ni Mikella sa dibdib nito. Ilang beses niya na nga itong nakita na walang damit pang itaas ngunit kahit pa ganon ay di niya pa din mapigil ang kusang pagtitig niya dito. Mula sa katawan nito ay muling umakyat ang tingin niya sa mukha nito.

Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang mukha nito. Nakangiti ito habang tila naaliw sa reaksyon niya.

Lumapit si Kasper sa kanya at nilaglag ang hose kaya napaatras si Mikella.

"H..hoy!"

"Bakit?" Inosente nitong tanong. Nakangiti pa rin kay Mikella habang palapit nang palapit. 

"Lu...lumayo ka nga sakin. Manyak!"

"Ako ba ang manyak?" Biro nito at di pa rin nawawala ang ngisi sa mukha.

She's his BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon