Chapter 20
Matagal nang nagaantay si Mikella na makauwi si Kasper. Naalala niya ang dahilan ng pagka galit nito kanina. Pinagbintangan niya ito na kinuha ang kwintas niya at kahit na alam niya sa sarili na wala siyang ibig sabihin nang tanungin niya ito ay hihingi pa din siya ng tawad.
Ngunit buong gabi ay wala ito sa bahay. Nanggaling na si Mikella sa lahat ng pinagtatambayan ni Kasper dati ngunit umuwi siyang bigo at walang napala.
Kaya wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang matulog.
Kinaumagahan ay hindi niya rin ito nakasabay papunta sa school kaya't minarapat niyang magcommute na lamang at ayaw niyang magpaabala na sa driver ng sasakyan nila.
At buong araw ay hindi niya man lamang naramdaman maski ang anino nito kaya napadesisyunan niya nang puntahan ito sa classroom nito pagsapit ng uwian.
"Si Kasper. Umuwi na ata. Asan na kaya yun? Bigla bigla na lang umaalis."
"Salamat."
Kaya ma's lalong nagdilim ang mukha ni Mikella sa nakita sa parking lot. Andoon ang driver nila. Ibig sabihin ay umuwi ito ng hindi sumasakay ng kotse.
"Saan kaya yun pumunta?"
Nang makauwi sila ay wala pa din ito kaya't parang mababaliw na si Mikella.
Wala ito sa kwarto niya. Wala sa kusina. Wala sa kahit saang parte ng bahay.
Lumabas siya at tumawag ng tricycle at naisip ni Mikella na Maaaring nandoon ito sa hospital nila.
Nang makarating siya doon ay agad na tumakbo siya papunta sa pinaka taas na floor kung asan ang opisina nito ngunit nanghina lamang ang tuhod niya nang hindi niya din ito natagpuan doon.
"Kasper. Asan ka na ba?"
Tumakbo siya papunta sa hospital room ng tatay niya ngunit wala din si Kasper doon.
Kaya napadesisyunan niya nang abangan si Kasper sa classroom nito Kinabukasan.
Pangilang beses nang sumilip si Mikella sa orasan niya. Habang nakatayo sa harap ng classroom ni Kasper ay hinanda niya na ang sarili at paulit ulit na pinapractice ang sasabihin dito.
"Kasper." Hindi man lamang ito lumingon sa direksyon niya kaya't binilisan ni Mikella ang lakad. Nakababa na sila ng building at nakalabas na ng school, tsaka lang niya ito nahabol.
"Saglit!"
Tumigil ito sa paglalakad ngunit hindi ito humarap sa kanya.
"Kasper. Pwede ba tayong magusap?"
Hindi ito sumagot.
"Alam kong galit ka sakin dahil sa sinabi ko nung isang araw. Kasalanan ko yon. Sorry." Yumuko siya ngunit wala pa ding reaksyon si Kasper.
"Hindi dapat kita pinagbintangan."
Lumipas ang ilang sandali ay tumingala si Mikella.
"Hoy! Wala ka bang sasabihin? Kasper!"
Lumingon ito ngunit hindi tumingin sa mata niya.
"Pinapatawad kita."
"Pero bakit galit ka pa din?"
"Psh."Tuluyan na itong lumingon sa kanya.
"Bakit ba ang galing galing mong manakit ng tao, Mikella?"
At umalis na Ito.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay bumalik bigla ang diwa ni Mikella at agad siyang lumingon sa direksyon na pinuntahan ni Kasper.
Ngunit iningatan din niyang hindi siya mapansin nito. Ilang kalye din ang dinaanan nila hanggang sa pumasok ito sa isang bar kaya't agad na tumakbo dito si Mikella.
Hapon pa lamang kaya't hindi pa bukas ang bar ngunit may mangilan ngilang tao na ang nakatambay at nagkwekwentuhan sa loob.
"Hoy! Ikaw, bata! Hindi ka ba hinahanap ng magulang mo? Dalawang araw ka nang umuuwi dito ah. Hoy! Hindi toh Hotel ah!"
"Alam ko." Tila isa na itong zombie kung maglakad at parang nanghihinang umupo sa isang upuan.
"Isang Gin lang."
Naglapag ito ng isang baso sa harap niya. Kinuha niya naman ito at ininom.
"Bakit tubig ito?"
"Mukha kang patay diyan eh. Ayoko nang dagdagan pa yang nararamdaman mo. Sinisira mo katawan mo!"
"Ano bang pake alam mo?"
"Nagaalala lang ako sayo."
"Ganyan din sinabi niya sakin."
"Problema ba sa babae?"
Pareho silang napatawa bago muling sumeryoso ang mukha ni Kasper.
"Pero hanggang doon lang ang nararamdaman niya para sa akin. Eh ako namang gago, hinayaan ko ang sarili ko na mahalin siya. Hinayaan ko sarili ko na masaktan dahil sa kanya."
"Eh mukhang wala na palang pagasa diyan sa babaeng yan eh. Madami naman ibang babae diyan, gwapo ka naman. Makaka hanap ka din."
"Yun na nga eh. Parang wala nang Iba pang babae ang kaya kong pagtuonan ng pansin. Siya na lang lagi nasa isip ko."
"Nako, bata. Nadale ka na. Eh, good luck na lang sayo." Tinapik siya nito sa balikat bago tumalikod.
Tumayo si Kasper bago lumingon at doon nakita ni Mikella ang mukha nito nang maayos. Ang lalim ng mata nito. Namumutla ang labi at gulong gulo ang buhok. Bukod doon, kitang kita niya ang kalungkutan sa mata nito.
"Mikella. Andyan ka pa rin pala." Nakangiti nitong hayag bago natumba sa sahig.
"Kasper!"
BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"
