CHAPTER 001

2.9K 70 4
                                    

Saint's P.O.V (Point of view)

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na direktang natama sa mukha ko. Mukha ba akong halaman? Photosynthesis? Anyways agad akong bumangon dahil pakiramdam ko ay may masamang mangyayari today, at napasilip ako sa orasan at nagising talaga ang buong diwa ko sa nakita ko...

"Syet! 8 na!" Nasabi ko na lang habang natatarantang hinahanap at ginugulo ang gamit ko at dali dali akong nag ayos ng sarili at agad na bumaba

"alis na ako!" Sigaw ko at tatakbo na sana ako palabas at napatigil at napatawa na lang ako bigla dahil sa ginawa ko, takte kakabasa ko ng wattpad nagagaya ko na mga lines nila, wala nga pala akong kasama dito sa bahay, wala na kasi akong nanay at tatay, ang meron na lang ako ay kuya at yung kuya kong yun ay nasa America at hinahandle ang company na iniwan ni mama at papa samin

Dali dali akong nagpunta sa school namin, ng may marealize ako uli... madaling madali ako, eh first day of school ngayon at orientation lang naman ang meron, jusqo naman!

Naputol ang pakikipag away ko sa sarili ko ng mag vibrate cellphone ko at message yun sa gc namin, and sabi dun ay need namin pumasok ng maaga at dahil 8:30 am sharp ang start ng orientation at pag late daw absent na sa record ng first subject... and takte lang terror first subject ko, english pa naman yun... kaya agad akong tumakbo...

Ako nga pala si Saint Louise Perez, grade 11 student and im taking tourism operation, gusto ko kasi maging F.A eh, and Im 18 years old nga pala... isa ako sa mga ma-

"Aww!" Naputol ang pag iisip ko at ang pagtakbo ko, dahil may nabangga akong bagay, kaya agad kong pinulot ang mga gamit kong nag kalat sa sahig at nakita kong nakatayo lang yung nabangga ko at hindi man lang ako tinulungan sa pag pupulot ng matapos kong pulutin ang mga gamit ko ay agad akong tumayo at hinarap yung taong nabangga ko, kala ko kanina bagay nabangga ko eh, at nagulat na lang ako sa nakita ko at literal na napa atras ako...

"Hoy tumingin ka nga sa dinadaanan mo, bulag ka ba!? Bobo" sabi niya at binangga ako habang naglalakad palayo , nakaka init ng dugo tong letseng toh!!!

That's Zee Celestiales, the bad boy kung tawagin dito sa university, isa sa pinaka kinatatakutang tao dito sa university, bukod sa barumbado at lapitin talaga siya ng gulo, ay isa ang pamilya niya sa mga sikat at kilalang billionaire sa mundo, impressive right? Its actually not, may naririnig akong usap usapan na nasa lower level siya, kahit anak mayaman siya yung utak niya naman utak gansa, ay sorry sobrang harsh ko... kawawa naman yung gansa naihambing ko pa sa walang kwentang nilalang...

Paano ko siya nakilala? May camp kasi na inooffer tong school every bakasyon, like cooking camp, business camp at kung ano ano pa, dun ko siya nameet, and no hindi siya kasali sa mga camps, nag babasketball at footbball lang siya dun kasama tropa niya...

Buti na lang ay naka abot ako sa classroom ng wala pa yung teacher at agad akong nag hanap ng bakanteng upuan...

"Section A-1, need niyo daw po mag punta sa conference room, about po sa mga gusto tumakbo sa student council and sa mga sasalihan daw po na activities" sabi ng lalakeng bigla biglang pumasok sa room namin at lahat naman kami ay nagsi tayuan na at nagtungo sa conference room.

Pag harap ko sa pintuan ay may kamay na biglang humawak sa doorknob at binuksan ito at napatingin ako sa may ari ng kamay na iyon at nagulat ako sa nakita ko...

"Hey, pasok ka na" sabi ng lalakeng nasa harap ko ngayon at nginitian ako, agad naman akong pumasok at pumunta sa pinaka dulo at pinakasulok ng room na ito at umupo agad

Grabe nakalimutan ko, siya nga pala si Marky Leeds, ex president ng student's council, and apparently pag ikaw ang last na president ng student's council next year ay ikaw ang mag hahanap ng possible na pumalit sayo...

Secret lang toh, pero sobrang crush ko siya, ang saya ko lagi pag nakikita ko siya wag lang niya talaga kasama yung demonyo niyang kaibigan... yes, too bad kaibigan niya si zee, sobrang layo ng ugali nila sa isat isa...

After nang meeting ay halos lahat ng students ay dumeretso sa canteen at ako naman ay papuntang library.... habang nasa hallway, nakarinig ako ng mga bulungan at nakita kong may pinagkakaguluhan ang mga tao specially ang mga babae sa daan... ano na yan eh. Di toh pa talaga sa daan magkakagulo eh.

At biglang nahati sa gitna ang crowd and there i saw these three men walking through the space that was divided and cleared for them... they are the heartthrobs ng school na toh, and they are, Lesley Barbara, Marky leeds at Zee celistiales.... yes you have read that right, zee and marky are in fact a heartthrob, and The three of them are really close, I've heard that they're close as brothers.

Just a fact, they annoy me, aside from the fact that marky's one of them, lalo na yung Zee na yan, nakakairita yung pag mumukha niya, i hate him to the moon and back...

"Hoy bakla di mo ba nakitang dadaan kami!?" Galit na singhal sakin ni zee na nakapag balik sa akin sa realidad at agad na napataas ang kilay ko sa kaniya

"Daanan mo ba toh? Wala namang pangalan mo eh" sabi ko sa kaniya at agad na naglakad palagpas sa kanila at narinig ko ang mga bulungan ng mga taong nakasaksi ng pangyayaring yun, and i don't care

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon