CHAPTER 004

1K 47 0
                                    

SAINT'S P.O.V

Haysss...

Nakakawalang gana na naman tong araw na toh... eto na naman kasi ako basang basa, papunta ako sa locker room uli... badtrip namannnn!!!!!!

"Oh, ba't basa ka?" Natatawang sabi ni Zee ng makita niya akong mukhang basang sisiw, sa lahat ba naman ng makakasalubong ko, yung pinaka epal pa

"Really!? That's what your asking me!? Cut the crap Zee! Pwede mag iba ka na ng tactic sa pambubwiset sa akin, okay lang naman na inisin mo ko sa araw araw eh, kaso nauubusan na ako ng damit eh! Hindi na nga ako nag rereklamo sa iba mong ginagawa sakin eh!" Galit na sabi ko sa kaniya at medyo napaatras siya at nag smirk lang siya

"Anong ibang ginagawa?" Natatawang tanong niya sakin, at halata mo sa hoses niya na nang iinis lang siya lalo

"Ewan ko sayo! You're an asshole! Nung nakaraan lang nilagay mo sa isang ziplock yung nga notebooks at books ko at pinuno mo ng tubig, tapos nag set up ka ng tubig na pag binuksan ko yung locker ko mabubuhos sakin... really!? Tubig na lang lagi!? Is that your favorite element!?" Sabi ko sa kaniya at tinulak siya at dumeretso na sa locker room

Habang nag bibihis ako, naisip ko lang bakit kaya trip na trip ako ni Zee? Ang dami namang tao dyan na pwede niyang pagtripan, at di pa ba sapat yung mga babae niya? Di ba siya pinapasaya ng mga nagiging jowa niya? Sa araw araw na iba ibang babae kasama niya wala man lang ba dun yung nakapag satisfy sa kaniya?

"Hoy bakla!" Nagulat ako ng may sumigaw at nakita ko si Zee na nakatingin sakin at agad akong napaupo at tinakpan ang katawan ko, naka shorts pa din kasi ako, at sobrang ikli ng shorts ko

"Ano ba!? Umalis ka nga dito!" Sigaw ko sa kaniya at nag smirk lang siya

"Hoy hindi lang sayo tong locker room na toh kaya wag kang feeling" mayabang na sabi niya at lumapit sakin

"At para sabihin ko sayo wala akong alam sa mga binibintang mo sakin" medyo inis niyang sabi at napa taas ang kilay ko at tumayo at hinarap siya

"Really?" Mahinhin kong tanong sa kaniya at ngumiti siya at tumango tango

"Well, putang ina mo! Wag akong lokohin mo gago! Bakit ko paniniwalaan yang sinasabi mo ha!? Ilang beses mo na ba akong pinagtripan!? Sa harap pa ng lahat. Kung gusto mong magloko bumalik ka na lang dun sa mga babae mo!" Malakas at galit na sigaw ko sa kaniya at tinulak siya ng malakas at napaatras lang siya dahil maliit lang ako at napaka laking tao niya kumpara sakin

"Kung ayaw mo maniwala, edi wag!" Sabi niya sakin at napatigil siya sa paglalakad at sinundan ko ang tingin niya at nakatingin siya sa katawan ko

"Walang hiya ka!" Sigaw ko sa kaniya at binato siya ng towel sa mukha

"Ganda naman pala ng katawan ng tutor ko, parang hindi lang pag aaral gagawin natin bukas ah" sabi niya at binato ko siya ng bag ko at nasalo naman niya yun at inirapan ko lang siya at nag bihis na agad ako dahil pinapanood niya ako mag bihis

"Tara na ang bagal mo mag bihis!" Irita niyang sabi at tinulak ko lang siya at naglakad paalis at nakasunod lang siya sakin

"Wala naman akong sinabing antayin mo ko!" Bulyaw ko sa kaniya at naglakad pa ng mabilis

"Hoy bag mo! May klase pa ako!" Sigaw niya sakin at napatingin ako sa kaniya at kinuha ko yung bag ko sa kaniya at tinalikuran siya

"Wala naman akong sinabing dalhin mo bag ko!" Bulyaw ko sa kaniya at agad na naglakad palayo sa kaniya

Ramdam ko agad ang masasamang tingin sa akin ng mga babaeng fans ni Zee, at hindi na ako nag tataka kung bakit papalapit sakin ang pinaka pabalik balik na babae ni Zee.

"Hey bitch! How dare you na ipadala ang bag mo kay Zee ko!," sabi niya sakin sabay tulak ng malakas sa akin at agad baman akong natumba

Siya si Samantha Levinson, siya ang dahilan kung bakit walang nagtatagal na babae kay Zee, inaaway niya kasi lahat ng lalapit kay Zee lalo na kung alam niyang nilalandi si Zee, at sa case ko, feeling niya lang nilalandi ko si Zee... yuck! Iniisip ko pa lang si Zee sukang suka na ako, landiin ko pa? Yuck na yuck

"Hoy bakla! Subukan mo pang lumapit kay Zee at makikita mo ang hinahanap mo!" Sigaw Sigaw niya sa akin at sinipa ako bago tuluyang nag lakad paalis

Kita mo na? Napaka war freak at napaka mapanakit, palibhasa walang kumakalaban sa kaniya dahil kilala ang pamilya niya na mapera, at dahil sa pagiging mapera ng magulang niya ayan ang kinalabasan na anak, spoiled na bobo..  hindi sa nang jajudge pero bobo talaga siya, narinig ko nga na pinagalitan yan ng English professor dahil hindi niya alam ang kaibahan ng "you're" sa "your".

"Ayan kasi nilalandi mo ko" rinig kong salita ng isang tao sa likod ko at hindi ko na kailangan lingunin pa siya para malaman kung sino siya

"Landi your face! Manwhore" sabi ko sa kaniya at lalakad na sana ako palayo ng bigla niya akong kwelyuhan

"Hoy bakla mag ingat ingat ka sa mga sinasabi mo baka last words mo na yan!" Galit na sabi niya sakin at tinaasan ko lang siya ng kilay at idinikit niya ako sa pader habang hawak pa rin ako sa kwelyo

"Should i be scared now Mr. Zee?" Pang bubwisit ko sa kaniya at mukhang gumana naman at nakita kong inakmaan niya na ako kaya tinitigan ko lang siya sa mata, at hinantay na suntukin niya ako pero binitawan niya ako at tinulak lang at tsaka nag lakad palayo

"Weird" sabi ko na lang at naglakad papuntang rooftop dahil mahangin dun

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon