SAINT'S P.O.VAt nag tuloy tuloy naman na ng maayos yung mga tutorial namin, and ilang araw na lang ay may exam na namin kaya mas matindi tutorial namin ngayon.
"Hey dun daw tayo sa bahay namin bukas mag tutor, gusto ka daw uli makita ni mama" nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si zee at sinabi yan sakin, ay sabado nga pala bukas
"Anong oras ba?" Smtanong ko sa kaniya at parang may binabasa siyang kung ano sa phone niya
"10:00 am daw, sunduin na lang kita bukas" sabi niya at tumango na lang ako at umalis na siya
Habang nag babasa ng libro ay nagulat na lang ako ng may malamig na likido ang bumuhos sa ulo ko at tumulo sa katawa ko. Sabi na eh mangyayari toh eh. At bigla na lang niya akong sinabunutan at hinila ang buhok ko
"Hey bitch! Medyo napapalapit ka ata kay zee?! Baka inaakala mong matitikman mo siya? Huwag ka ang umasa hindi magkakagusto sayo yun" sabi ng babaeng hanggang ngayon ay hawak pa ang buhok ko, at binuhos naman niya ako ng tubig sa mukha
"Hoy tigilan mo yan!" Rinig kong sigaw ng isang lalake at nakita ko si marky na palapit samin
"Hoy putang ina kang babae ka, pasalamat ka babae ka kung hindi kanina pa kita sinapak" sabi ni marky at agad namang umalis yung babaeng may hawak sa buhok ko kanina at agad na umupo si mark sa tabi ko at pinunasan ako ng panyo niya
"Tara sa showeroom, maligo ka na at magpalit bago ka pa manlagkit" sabi niya at napaisip ako bigla kung may damit pa ba ko sa locker ko, shems! Wala na
"Wala na akong damit eh" sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya
"Don't worry may extra ako" sabi miya at dumeretso naman kami sa showeroom at agad akong naligo at sabi ni marky ay antayin niya lang ako at bantayan, baka daw kasi bumalik yung babae at dito ko sa showeroom pagtripan
Pag katapos ko ay agad akong lumabas ng showeroom ng nakatapis lang yung towel sa katawan ko simula dibdib, at nakita ko si marky na nakatulala kaya lumapit ako sa kaniya.
"Hey marky, damit" sabi ko at kumaway kaway sa mukha niya at agad siyang natauhan at ibinigay sakin ang extra uniform niya at pagka suot ko ay nanliit lalo ako ng sobra, ang laki ng damit niya sakin
"Ang cute mong tignan" sabi niya at nahiya naman ako at feeling ko sobrang pula na nang mukha ko dahil sa kilig, ngayon lang kasi ako nasabihan ng ganun
"Pero ayusin natin" sabi niya at hinubad miya yung belt niya na ikinagulat ko and for a moment ay nakapag isip ako ng hindi maganda, bigla bigla kasi eh
"Tuck in mo yung uniform tapos medyo taas mo sa waist mo yung pantalon tapos ibelt mo" sabi niya at ginawa ko naman agad yung sinabi niya.
Pagkatapos kong gawin lahat ng inutos niya ay tinignan Niya ko mula ulo hanggang paa, na para bang iniiscan niya ang buong katawan ko
"Yan okay na yan" sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng showeroom
"Kain tayo libre ko" sabi niya habang naglalakad kami at hawak niya pa rin ang kamay ko, kaya medyo ginalaw ko yung kamay ko na hawak niya at pinislpisil niya ito at tumingin sakin
"Kinakahiya mo bang kaholding hands mo ko?" Bigla niyang tanong at tumigil siya bigla sa paglalalakad
"No, ikaw nga dapat ang mahiya na kasama at kaholding hands mo ko eh" sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya sakin
"Well, gusto ko naman eh, bakit ako mahihiya?" Sabi niya at nagtuloy tuloy sa paglalakad, syet ano ba naman tong nangyayari na toh sa akin, im so thankful na talaga
"Order na muna ako" sabi niya at di ko namalayang andito na pala kami sa cafeteria at naupo na lang ako at hinintay siya, ramdam ko naman ang mga masasamang tingin sa akin ng mga babae dito sa cafeteria at alam kong ako din yung pinag uusapan nila
"Pabayaan mo sila, inggit lang yan kasi pinag aagawan ka ng dalawa sa campus heartthrob" nagulat ako ng may nag salita sa gilid ko at nakita ko si lesley at umupo siya sa tabi ko
"Huh? Pinag sasabi mo?" Takang tanong ko sa kaniyq at ngumiti lang siya at umiling iling, may sapak ata toh eh, at nakita ko si marky na papalapit na dito at ngumiti lang siya sakin pero parang nainis siya nung mapatingin siya kay lesley, nag away ba sila?
"Ginagawa mo dito?" tanong ni marky kay lesley at tumawa bigla si lesley
"Sorry na pre, alam ko namang moment niyo pero gugutom na din ako eh" sabi ni lesley habang natawa pa rin, at kumuha siya ng pagkain sa plate ni marky, at nag usap usap lang kami tungkol sa kung ano ano habang nakain.
"Una na kami saint" sabi ni marky sakin at ginulo niya ang buhok konat kinurot ang pisnge ko, kaya agad akong umiwas ng tingin sa kaniya dahil sa hiya
"Ingat" yan na lang ang nasabi ko habang nakayuko dahil for sure yung mukha ko pulang pula na naman dahil sa kaniya, pagka alis nila ay pumunta agad ako sa locker room para kunin ang ibang gamit ko ng may maramdaman akong mga nakatingin sakin, at pagka sarado ko ng locker ko ay nakita ko ang tatlong babae na nakatingin sakin
"Hey faggot! Ang lakas ng loob mong lumapit kay zee ah" sabi nung babae sa gitna at lumapit sila sakin
"Oo nga, pati kay Lesley at Marky, napaka landi mo naman pala" sabi nung isa pang babae at lumapit sakin yung isa at hinawakan ako sa buhok ng sobrang hikpit
"Alam mo? Kung hindi ka lumapit sa tatlong yun di mangyayare sayo toh, kaso napaka landi mo at silang tatlo pa talaga natarget mo" sabi nung babaeng nasa gitna kanina at sinampal ako ng ilang beses, at napa smirk na lang ako, I dont usually fight back cause its a waste of time, but this time I'll use words
"How foolish of you three, to assume that I was the one who's getting close to those men, when clearly they're the ones who is gravitating over me" sabi ko sa kanila at nag smirk at halata sa mga mukha nila na hindi nila masyadong naintindihan yung sinabi ko
"Hoy!" Rinig naming sigaw ng isang lalake at lahat kami ay napatingin sa pinang gagalingan nung sigaw at nakita ko si zee na naglalakad palapit samin at napa bitaw sa buhok ko yung babae at lahat sila ay inabangan si zee na lumapit sa kanila
Agad ko namang inayos ang buhok ko at ang itsura ko ng biglang may umakbay sakin at nakita kong si zee ang umakbay sakin, tatanggalin ko na sana yung pagkaka akbay niya ng mas higpitan at bigatan niya pa ang pagkaka akbay sakin.
"Zee, im free tonight" malanding banggit nung babaeng sumampal sakin at napa irap na lang ako, hay nako for sure susunod agad si zee sa kaniya, myghad why is this happening to me? Agad kong tinanggal ang kamay ni zee aa balikat ko at nagsimulang lumayo dun dahil baka may mangyari pa na hindi ko gugustuhing makita.
Habang nag lalakad sa hallway, damang dama ko yung lamig ng hangin, tapos ang dilim pa dito sa hallway, ang sarap lang sa feeling ng ganito. At nagulat ako ng may umakbay sakin, at hindi ko na kailangan tignan pa siya para makilala, kaka akbay niya sakin at alam ko na yung pakiramdam pag siya yung na akbay
"Bakit andito ka? Bakit di mo ituloy yung mangyayari sa inyi mung babaeng yun?" Takang tanong ko sa kaniya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad
"Well, i dont have time for that, and sinabihan ko na din sila na..." putol na sabi niya at tumigil kami sa pag lalakad
"Antayin mo ko dito kunin ko lang yung kotse ko" sabi niya at tumakbo papunta sa parking lot, after awhile ay bumalik siya at pumasok ako sa loob ng sasakyan niya
"So anong sinabi mo sa kanila kanina?" Tanong ko sa kaniya habang nag drive siya at tumingin siya sakin ng saglit at ngumiti
"Sabi ko sa kanila, wag ka ng lapitan at guluhin pa at..." putol na sabi niya ulit at napatnago tango lang ako
"At?" Takang tanong ko sa kaniya at ngumiti lang siya uli at saktong nag red light kaya tumigil ang sasakyan at tumingin siya sakin
"At sabi ko, mas gusto kong makasama yung tutor ko"
BINABASA MO ANG
Cliche
JugendliteraturHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...