SAINT'S P.O.VBelieve it or not, until now iniisip ko pa rin yung pag halik sa akin ni zee, i mean... duh! That was my first kiss, and it just went like that... yung first kiss ko!!! T_T! At simula nung araw na yun iniiwasan ko na siya, hindi naman siguro obvious na iwas yun... i mean, kung may pake siya sakin mapapansin niyang iniiwasan konsiya pero kung wala edi parang normal day lang sa kaniya.
"Asawa ko, anong iniisip mo?" Nagulat ako ng biglang may nag salita sa gilid ko
"Ano ba!?" Gulat na sabi ko sa kaniya at buti na lang kami lang ang tao dito sa library kaya walang makakapag reklamo
"Gulat na gulat ka ah? Ano ba kasing iniisip mo?" Tanong niya sakin at umupo sa tabi ng upuan ko at umupo naman ako sa upuan pero mslayo sa kaniya, mga 2 seats from him
"Iniiwasan mo ba ako asawa ko?" Biglang tanong niya at nagbago ang tono ng pananalita niya at para bang nalungkot siya
"Huh? Haha hindi" pag dedeny ko sa sinasabi niya at tumawa lang ako para di masyadong mapansin
"Iiniwasan mo ko" seryosong sabi niya at biglaang tumayo sa kinauupuan niya kaya natumba yung upuan niya at tumingin siya sakin at umiwas lang ako ng tingin
"Kita mo na!? Iniiwasan mo ko eh!" Galit na sabi niya at tumayo ako at hinarap siya tsaka siya sinuntok sa dibdib which is very wrong kasi ako yung nasaktan
"Bakit di kita iiwasan aber!? Kinuha mo yung first kiss ko gago!" Singhal ko sa kaniya at bumalik sa pagkakaupo at tinuloy ang ginagawa ko sa laptop at nagulat ako ng itayo niya yung upuan na natumaba at umupo sa tabi ko at inakbayan ako
"Totoo ba yun asawa ko? Ako first kiss mo?" Mapang asar niyang bulong sakin at siniko ko lang siya at hindi pinansin
"Sarap ba halik ko?" Malandi niyang tanong sakin at agad kong kinuha yung pinaka malapit na libro sa table at hinampas yun sa kaniya at ng makailang hampas na ako sa kaniya ay hinawakan niya ang mga kamay ko
"Tama na asawa ko tuloy mo na yang ginagawa mo" sabi niya sakin at inirapan ko siya tsaka ako humarap sa laptop uli
"Pero seryoso saint, di ko alam pero hindi mawalawala sa isip ko yung pag halik ko sayo, kaya siguro parang hinahanap hanap ko yung paghalik ko sayo kasi nasarapan ako, and ngayong sinabi mong fist kiss mo yun feeling ko ako na pinaka masayang lalake sa mundo" sabi niya at hindi ko na siya tinignan dahil for sure nag loloko na naman yang sira ulong yan, atsaka pag humarap ako sa kaniya makikita niya yung pamumula ng pisnge ko, ikaw ba naman sabihin ng ganyan eh, kahit sabihin mong alam mong joke niya lang yun kikiligin ka pa rin and probably hindi na naman ako makakatulog ng maayos nito ng dahil sa mga sinabi niya
"Stop joking, hindi nakakatawa yung ginawa mo" sabi ko lang sa kaniya at tumawa lang siya, kita mo na? That was just a joke for him, well i wouldn't let that bother me na lang para wala nang mangyaring di kaayaaya
"Do you wanna eat something? I'll buy you whatever you want" sabi niya at umiling iling na lang ako dahil, nakakatamad kumain
"Nasa library tayo, bawal ang pagkain dito" sabi ko sa kaniya at kinuha niya ang phone ko at pinabayaan ko lang siya, may password phone ko pero alam niya yung password nun, kaya niya alam password ko kasi hiningi ko yung password ng phone niya ng minsan ko tong kunin sa kaniya para maglaro habang nag sasagot siya
"Well, sabi ni ateng nag babantay ng library pwede ka daw kumain dito kasi sabi ng principal eh payagan ka daw kasi dito ka lang lagi nag wowork para sa event" sabi niya af napatingin ako sa kaniya at natawa agad ako sa nakita kong ginagawa niya
"What the hell? I didnt know na mahilig ka pala mag selfie, and pano mo naman nalaman na pwede akong kumain dito?" Sabi ko sa kaniya habang medyo natawa pa rin
"Hoy, maging thankful ka dahil may poging nag pipicture gamit phone mo, atsaka ngayon lang ako nag picture kasi lahat ng profile ko or pinopost ko sa sns ko kuha yun ng mga photographer.... and tinanong ko kanina si ateng librarian kung pwede ka kumain dito kaya ko nalaman" sabi niya at bigla niyang binigay sakin phone niya at tumayo
"Swap muna tayo phone, pag may nag chat, message or dm sakin, imute mo yung accounts or number nila" sabi niya sakin at tumango tango lang ako at umalis na siya, bilang ganti sa ginagawa niya sa phone ko ay nag selfie din ako sa phone niya at medyo napadami ata, kaya binura ko yung ibang hindi maayos, at pumili ako ng pinaka maayos at ginawa kong wallpaper ng phone niya at tinuloy ko na ang ginagawa ko
Habang nanahimik ako at gumagawa nang kung ano anong design, ay nagulat na lang ako ng may biglang naglapag ng mga paper bags sa table at nakita kong si zee yun... at ang dami niyang dala, mga apat na malalaking paper bags...
"Ano yan?" Takang tanong ko sa kaniya at isa isa niyang nilabas yung mga pagkain
"Ang dami naman niyan!" Gulat na sabi ko sa kaniya at umupo na siya sa tabi ko at parang pagod siya
"Bahala ka nang mamili kung anong gusto mo dyan, kapagod maghanap ng mga kainan" sabi niya at isa isa kong tinignan yung mga pagkain dito at...
"Wow!" Masayang bangit ko at isa isa kong nilabas sa paper bags yung mga pagkain
"Di mo kasi sinabi kung anong gusto mo, kaya tinignan ko yung gallery mo na obviously puno ng picture ng pagkain at binili ko lahat ng kaya kong bilhin" sabi niya at napayakap na lang ako sa kaniya dahil puro cravings ko tong mga binili niya at bumitaw na ako sa pagkaka yakap ko sa kaniya dahil naawkwardan ako bigla
"Sorry... pero thank you sa pagkain, the best ka na talaga" sabi ko lang sa kaniya at kumain na nung pinaka nagustuhan ko
"Hoy wag mo namang kainin yan ng isahang kain lang, 10 am palang oh, may hanggang 5 pm ka pa" sabi niya at napatango tango naman ako at binalik sa paper bags yung iba at kumuha ako ng isang chicken leg at hinarap ko sa kaniya
"Kain" sabi ko sa kaniya at umiling iling lang siya kaya nilapit ko pa sa bibig niya yung chicken at tumingin siya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay at kinain niya naman yun agad at nginitian ko lang siya
BINABASA MO ANG
Cliche
Teen FictionHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...