CHAPTER 005

1.1K 47 0
                                    


SAINT'S P.O.V

"HOY!!!" Rinig kong sigaw ni zee sa kabilang linya, tinawagan niya kasi ako bigla, and hindi naman registered number niya sa phone ko kaya ngayon ko lang sinagot after ng 22 missed calls

"Bakit ngayon mo lang sinagot? Sira ulo ka ba!?" Inis na inis niyang sabi at napairap na lang ako

"Aba malay ko ba kung sino ka, di naman naka register name at contacts mo sa phone ko, kaya hindi ko sinasagot, malay ko ba kung nantitrip lang pala yung tumatawag or kaya killer" pag rarason ko sa kaniya na totoo naman, di ata nag iisip tong mokong na toh eh

"Ako killer? Nantitrip? Aba sa gwapo kong toh dapat nga maging thankful ka pa na ako ang tunawag sayo!" Bulyaw niya sakin at nainis na lang ako sa sobrang pagiging mahaningin nitong hinayupak na toh

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa kaniya at inend ang call, at wala pang ilang sigundo ay nag ring uli ang phone ko at sinagot ko agad ito

"Putang ina ka!!!! Bakit mo binaba!? Ayos ka lang?! Di ka ba kinikilig man lang or naglulumpasay sa kasiyahan dahil sa pagtawag ko!? Aba ikaw pa may ganang babaan ako!" Malakas na sigaw niya, aba kahit hindi ako naka loud speaker di ko na kailangan itapat sa tenga ko, letseng toh maka sigaw at inend ko uli yung call, at tumawag uli siya at sinagot ko uli at di ko na tinapat sa tenga ko

"Putang ina ka!!! Sige ibaba mo pa pupuntahan kita dyan sa bahay mo! Kala mo di ko alam address mo!? At alam ko din na mag isa ka lang dyan ngayon" creepy na sabi niya pero napa irap na lang ako at kinuha yung phone ko na nakalapag lang sa kama dahil nga di ko na kailangan itapat sa tenga ko, at agad kong pinindot ang loud speaker

"Bakit ka ba kasi tumawag ka?" Tanong ko sa kaniya ng walang gana, ubos na energy ko sa mga nangyayari, di ko na kayang makipag away pagod na pagod na ako

"Eh, bukas kasi... san tayo?" Tanong niya na parang nag babuffer siya, might be the signal, at anong sinasabi niyang san kami? May dapat ba kaming puntahan bukas?

"Bukas? Anong meron bukas?" Takang tanong ko sa kaniya at narinig kong nag sigh siya, hay nako subukan lang nito sumigaw pa, babaan at papatayan ko talaga to ng cellphone

"Itutor mo ko dba?" Sabi niya at literal na napalaki ang mga mata ko sa narinig ko, syet lang! Nakalimutan ko yung about dun, ugh!!!

"Dito na lang tayo sa bahay ko" sabi ko lang sa kaniya

"And wag mong kalimutang dalhin yung notes mo, report card mo, pati yung mga exams mo, para alam ko kung saan kita ifofocus" sabi ko sa kaniya at nag simulang nag hanap ng mga libro

"Huh? Notes? Report card? Exams?" Takang tanong niya at may inayos muna ako bago ako bumalik malapit sa phone ko

"Oo, notes at exams, para alam ko kung ano ano na yung nalesson niyo and yung report card para malaman ko kung anong uunahin natin" sabi ko sa kaniya at narinig ko siyang napa tawa ng awkward na tawa

"Bakit anong meron?" Takang tanong ko sa kaniya

"Hindi ko kinukuha card at exams ko, and hindi ako nag dadala ng notebook sa school" sabi niya at literal na napa facepalm ako sa narinig kong sinabi niya

"Seryoso ka ba?" Iritableng tanong ko sa kaniya

"Oo" sagot niya at napasapo na lang ako sa noo ko at napakamot sa ulo

"Tatanong tanong ka ng place kung san kita tuturuan eh wala ka naman pala ng mga gamit na kailangan natin sa pag aaral mo, pano tayo mag sisimula kung wala akong alam sa mga natackle niyo na at mga scores mo sa card? Hay nako ka!" Iritang sabi ko sa kaniya at hindi lang siya sumagot

"Hingin mo sa mga professor mo yung exams mo at yung card mo kunin mo na sa office, sabihin mo requested by Saint, ibibigay agad nila yan, tsaka na tayo mag tutoring pag nakuha mo na yang mga pinapakuha ko sayo" sabi ko at wala akong narinig na response kaya lalo akong nainis

"Nakikinig ka ba!," sigaw ko sa cellphone

"Huh? Ah oo, oo. Sige na may aasikasuhin pa ako, kita na lang tayo bukas bye" sabi niya at mag sasalita pa sana ako ng inend niya agad ang call at napairap na lang ako

Kinabukasan.

Agad akong dumeretso sa library, dahil may research pa akong ginagawa, at last day na ng pasahan ngayon, although tapos ko naman na siya, gusto ko lang idouble check yung mga pinag gagawa ko, mamaya hindi pala credible yung pinagkuhaan ko edi ako pa nayare sa research ko.

"What are you doing?" Tanong ng isang lalaki mula sa likod ko at hindi ko na kailangan lingunin pa siya para makilala ko siya

"May research ako, mamaya ka na mang gulo" sabi ko sa kaniya at nakita ko siya umupo sa tabi ko

"Parehas pala tayo ng niriresearch, about din sa plastic yung research ko eh, awareness" sabi niya at tinignan ko lang siya at bumalik sa ginagawa ko

"Di ka man lang matutuwa na parehas kayo ng research ng student mo?" Sabi niya at tinigan ko lang uli siya at inirapan at bumalik uli si ginagawa ko

"Nagawa mo na ba yung pinapagawa ko?" Tanong ko sa kaniya at kahit hindi ko siya harapin nakikita ko sa peripheral vision ko na napapakamot siya sa batok niya

"Kita mo na, kung kinukuha mo na kaya ngayon yung mga hinihingi ko edi sana nakakapag usap na tayo kung saan kita itututor at anong oras at tuwing kailan" sabi ko sa kaniya at nakita ko siyang tumayo at umalis na

Kita mo toh, iniiwan ako nag sasalita pa ako eh

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon