CHAPTER 012

974 48 0
                                    


SAINT'S P.O.V

Tapos na ang exam week, at lahat ng students ay nagkaka gulo sa bulletin board para malaman kung pasado ba sila or hindi. Well hindi ko naman na kailangan tumingin dun, don't get me wrong di ako mayabang, pero iaannounce din naman yan mamaya sa room ng mga homeroom teachers eh. Excited lang talaga ang mga students.

At andito na ako sa tapat ng bulletin board, i hate being in a crowded place, pero im not here naman para sakin, siguro naman alam niyo na kung kaninong pangalan ang gusto kong tignan... pero nagulat na lang ako ng wala ang pangalan niya sa listahan... why? Anong nangyare?

Agad akong dumeretso sa office para mukha yung test papers ni zee, dahil for sure ibibigay nila sakin yun dahil tutor niya ako and i need to see kung saan siya nagka mali.

"Good thing andito ka saint" bungad agad sakin ng homeroom teacher ni zee pagka pasok ko ng office at parehas kaming naupo sa sofa

"I know na chineck mo yung name ni zee sa bulletin, and i know na dismayado ka na makitang wala ang name niya dun, and eto yung test papers niya" sabi niya sakin at binigay sakin ang test papers

"I am disappointed sa nakuha niyang score, pero i can see na gets niya na yung mga naging lessons namin, and tignan mo yung math niya, tama lahat ng equations kaso sa maling number niya nailagay" sabi ng teacher ni zee at napa face palm na lang talaga ako sa nakita ko

"Eto po, sige po thank you po" sabi ko at binalik ang test papers at lumabas na ng office at agad akong dumeretso ng cafeteria

Habang nakain ako at nagbabasa ay may upo sa tabi ko at pagka tingin ko dito ay si marky iyon at umupo sa tapat ko si lesley.

"Good morning saint" energetic na bati sa akin ni lesley at nginitian ko lang siya

"Saint, may gagawin ka ba after class?" Tanong sa akin ni marky at napa isip naman ako. Hindi ko pala natanong kay zee kung may tutorial agad kami after ng exam week or baka mag continue na lang kami next week

"Actually, di ko sure eh" sabi ko na lang sa kaniya at naglabas siya ng cellphone

"Peram ako phone mo" sabi niya at binigay ko naman agad ang phone ko at may ginawa siya dun at binalik niya na sakin

"Number ko yan" sabi niya at napa tango tango naman ako habang tinitignan yung number niya

"Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka" sabi niya at nginitian ko naman siya at nagulat ako ng biglang sumulpot si zee sa harapan namin at naupo siya sa tabi ni lesley

"Uy pre, bagsak na naman tayo ah?" Sabi ni lesley at di siya pinansin ni zee

"Hoy bakla, after class may tutorial tayo" sabi niya at inirapan ko lang siya

"Pre may maayos na pangalan siya" sabi ni marky at tinap ko lang siya sa shoulder niya at nginitian lang siya at agad akong tumayo

"Sige una na ako" sabi ko at agad na umalis dun, ang awkward kaya na kasama ko sila, mga lalake pa talaga mga kasama ko






"Asawa ko, galit ka?" Biglang tanong sa akin ni zee andito kami ngayon sa bahay ko, dahil katulad nga ng sabi niya may tutorial kami, di ko na lang siya pinansin dahil hindi naman ako galit sa kaniya at hindi ko din alam kung bakit niya naisip na galit ako sa kaniya, tinuloy ko lang ang pag aaral sa ibang lessons niya

"Galit ka noh? Asawa ko" pangungulit niya sakin at tumingin ako sa kaniya

"Bakit ba kanina mo pa ako tinatanong? Hindi ako galit, bakit mo naman naisip na galit ako?" Sujid sunod na sabi ko sa kaniya at kumapit siya sakin

"Kasi bagsak ako" sabi niya at napa isip ako, oo nga pala bagsak siya, pero bakit ako magagalit?

"Bakit naman ako magagalit aber?" Tanong ko sa kaniya at uminom lang ako ng kape na binili ni zee para sakin, gulat nga ako kanina eh, bago kami pumunta dito sa bahay dumaan kami sa Starbucks tapos binilhan niya ako ng kape

"Well, kasi nasayang yung effort mo sa pagtuturo sakin" sabi niya sakin at napa sigh na lang ako

"Alam mo, ang mali mo lang naman ay hindi mo binasang maigi yung instructions ng mga exam mo, ibig sabihin tama sana yung mga equations at answers mo kaso hindi mo sinunod yung instructions ng exam mo kaya ayan bagsak ka... pero tama naman yung mga sagot mo, kaya hindi nasayang effort ko sayo kasi natutunan mo naman yung lessons" mahabang paliwanag ko sa kaniya at nagulat ako ng yakapin niya ako

"Thank you" sabi niya at tumango tango na lang ako, pero aaminin ko may kakaiba akong naramdaman nung niyakap niya ako, hindi ko maintindihan eh, actually ayoko lang intindihin kasi mahirap pag inintindi ko na

"Wag muna tayo mag tutorial this week, kasi kakatapos pa lang ng exams, at wala pa naman kayong masyadong lesson kaya next week na lang natin ituloy toh" sabi ko sa kaniya at tumayo siya bigla at nahiga sa kama ko

"Pero punta pa rin ako dito this week kahit hindi natin tutorial" sabi niya na ipinagtaka ko

"At bakit naman?" Takang tanong ko sa kaniya at nilabas niya muna ang phone niya bago tumingin sakin

"Kasi mas gusto ko dito kesa dun sa bahay, atsaka wala naman akong ginagawa, kaya dito na lang muna ko tuwing after class mo" sabi niya at napa buntong hininga na lang ako at pinabayaan siya sa mga gusto niya, feeling ko talaga may pagka isip bata toh si zee eh, tapang tapangan lang toh sa school eh, i mean siguro gumawa na siya ng image niya na ipinapakita niya sa lahat, tapos... ay wag na, assuming ako...

"Atsaka, mas gusto kitang makasama, lalo na sa free time ko"

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon