CHAPTER 031

828 39 0
                                    

SAINT'S P.O.V

Habang nag aayos ako ng gamit ko sa bag, ay naramdaman kong may nakatingin sa akin, at pinabayaan ko lang yun at agad akong nagmadali sa pag aayos ng gamit, pag kasara ko ng locker ko ay naramdaman kong may tao sa likod ko, kaya humarap ako dun at nagulat ako sa nakita ko.

"Zee" banggit ko sa pangalan niya at tinulak niya ako kaya napadikit ako sa locker at hinarang niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ko at sobrang lapit ng mukha niya sa akin at nagulat ako ng halikan niya ako, sibrang diin ng pagkakahalik niya sa akin at nasasaktan ako kaya agad ko siyang itinulak

"Asawa ko, hindi ko na kaya" sabi niya at naamoy ko ang hininga niya at amoy alak iyon

"Lasing ka" sabi ko sa kaniya, which is obvious naman na, at umiling iling lang siya at sinubukan niya uling halikan ako pero umiwas ako

"Please asawa ko, ayoko nang hindi ka nakakausap, asawa ko mahal kita" sabi niya at gusto ko sanang maniwala sa mga sinasabi niya pero lasing siya malay ko ba kung yun na din ang tawag niya kay rachel

"Lasing ka lang" sabi ko sa kaniya at nagulat ako ng idiin niya ang katawan niya sa akin at hinalikan niya ako sa leeg at naramdaman ko ang kamay niya na binubuksan ang butones ng polo ko, kaya agad ko siya itinulak at sinampal

"Magising ka nga! Napaka walang hiya mo!" Sigaw ko sa kaniya at tinulak ko siya uli bago tumakbo palabas.

Alam ko namang nagawa niya lang yun kasi naka inom siya at mukhang lasing na lasing siya, at mukhang tama nga ako. Yun na din ang tawag niya kay rachel kaya akala niya ako si rachel at probably sinubukan niyang gawin sa akin yung ginagawa nila ni rachel.














ZEE'S P.O.V

"Magising ka nga! Napaka walang hiya mo!" Bulyaw sa akin ni saint pagkatapos niya akong sampalin at napatingin ako sa itsura niya at nakabukas ang iilang butones ng polo niya at lukot lukot din ito. Tinulak niya ako bigla pagkatapo ay tumakbo siya palayo sa akin

"Syet ano ba naman tong nagawa ko!?" Sigaw ko sa sarili ko at napailing na lang at dali daling pumunta sa parking lot para kunin ang sasakyan ko at susundan ko si saint.

Buti na lang naabutan ko siya dito sa isang street papunta sa village niya. Lagi ko na kasi siyang sinusundan kaya kahit nag bago na ang way niya papuuwi alam ko pa rin. Oo, simula nung di na kami nag uusap ay sinusundan ko na siya pauwi paminsan minsan, at mukhang napapa araw araw na nitong nakaraan lang. Habang nag lalakad siya ay bigla siya pumunta sa gitna ng kalsada at tumigil sa paglalakad kaya tumigil din ako sa pag mamaneho. Napansin niya kaya ako? Ang layo ko kaya sa kaniya at nakaitim na van ako, mahirap makita sa dilim toh.

At nagulat ako ng may isang itim na van ang lumagpas sa akin at tumigil ito sa harap ni saint. At nagulat ako ng may lumabas dun na grupo ng mga lalake at may dalang baseball bat yung iba. At nagulat ako ng may isang lalaking mabilis na sinapak si saint sa mukha at hindi naman naka ilag si saint. Tang ina naman! Lalabas na sana ako ng sasakyan ng may pumigil dito mula sa labas at nakita ko si lesley kaya inopen ko ang bintana ko.

"Putang ina ka di mo ba nakikita yung nangyayari?" Bulyaw ko sa kaniya at nakita ko lang siyang naka ngiti sa akin at umiling iling

"Panuorin mo na lang muna. Magiging pabigat lang tayo pag nakisali tayo." sabi niya at hindi ko talaga nagustuhan yung sinabi niya pero nagulat ako ng napatingin ako sa pwesto ni saint.

Isa isa siyang inaatake ang mga lalakeng galing dun sa van kanina, at sa lahat ng umaatake sa kaniya ay walang nakakatama ni isa, kahit yung may mga hawak ng baseball bat ay hindi siya natatamaan, at isa isa niya itong napapatumba. Hindi talaga ako nakagalaw sa nakikita ko, hindi ko alam... ngayon ko lang nakita si saint na ganito...

Kahit sobrang brutal ng ginagawa niya dun sa mga umaatake sa kaniya, kase kada mabablock niya yung suntok nababalian niya yung mga yun, pero bakit parang nasa isang action movie siya at naka slow motion ang lahat at nasa kaniya ang focus ko, kahit anong gawin niya ang ganda niya tignan at ang hot niya din... syet napapamahal ako sa kaniya lalo.

"Ikaw lang pala yung isa sa nasunod sa kaniya tuwing uuwi siya, kala ko namang kung sino" sabi ni lesley bigla at napatingin ako sa kaniya

"Nauutusan akong bantayan si saint, at lagi akong nakasunod sa kaniya kaya alam ko na sinusundan mo siya pati yung van na yan, kala ko nga nung una isang gang din laman ng van na ito, ikaw lang pala" sabi niya sa akin at hindi pa rin nag sisink in ang lahat sa akin

"Hoy! Tang ina ka dinamay mo si saint sa gang mo!?" Takang tanong ko sa kaniya ng marealize ko na gang pala yung umaatake kay saint

"Hindi noh, kinatatakutan nga si saint ng buong gang namin, lalo na nung nalaman namin na uncle niya yung leader ng isa sa pinaka malakas na gang sa asia" sabi niya at nagulat na lang ako sa mga nalalaman ko, nagulat ako ng bigla akong suntukin ni lesley sa mukha

"Para yan sa muntikan mo nang pambababoy kay saint kanina, hindi porket lasing ka gagawin mo na yun kay saint. Sobra mo na siyang nasaktan, tama na, lumayo ka na sa kaniya at mag pakasaya ka na dun sa rachel mo" sabi niya, pero mahinahon niya lang na sinabi yun, saming tatlo, takot kami kay lesley pag nag simula siyang magsalita ng mahinahon kasi ibig sabihin seryoso na siya

"Alam ko... pero... mahal ko siya" sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa akin at ngumisi

"Edi sabihin mo na sa kaniya" sabi niya sa akin at tinapik tapik ako sa balikat

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon