CHAPTER 024

796 39 0
                                    

SAINT'S P.O.V

Ramdam ko ang pag pasok ni zee sa kwartong ito at alam kong nagdadahan dahan siya sa pag kilos niya... naramdaman ko ang pag hawak ni zee sa kamay ko at dahan dahan niya akong tinapik...

"Asawa ko, gising na, uwi na tayo" sobrang mahinahon niyang sabi, ramdam ko sa boses niya yung lungkot at pag sisisi

"Hmm" sagot ko na lamang at dumilat na ako at umarteng kakagising ko lang talaga, buti na lang hindi ko inayos itsura ko bago ko lumabas ng room namin kanina, at tumayo ko at tumingin sa kaniya at nagulat ako ng yakapin niya ako at kinuha niya ang gamit ko tsaka kami lumabas ng building na ito at pumunta sa saksakyan niya

"Gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi?" Tanong niya sakin at ngumiti lang siya habang inaantay ang sagot ko halata sa mukha niya at lalo na sa mata niya na may pinipigilan siya, yung ngiti niya sobrang pilit. Umiling iling na lang ako bilang tugon sa tanong niya at tumango lang siya at sinimulan ng patakbuhin ang kotse.

Sa buong byahe namin ay wala ni isa samin ang nag salita, walang imikan, tunog lang ng mga sasakyan ang maririnig. Pag dating namin sa bahay ay sumama siya sa akin sa pag pasok, siguro dito niya balak matulog.

Bago humiga, nagbihis muna ako at nag ayos ng sarili at nakita ko si zee na nakaboxers na lang, sanay na ako na makita siyang nakaganyan, halos araw araw siyang nakaganyan tuwing makakauwi kami galing ng school.

"Tulog na tayo" sabi niya at tumango naman ako at humiga ako sa kama at sumunod naman siya after niyang patayin ang ilaw at isara ang pinto.

Habang nakahiga kami, hindi ako makatulog may kung anong gumugulo sa akin, parang may iba sa pakiramdam ko ngayon na pumipigil sa akin na makatulog. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni zee at talagang isiniksik niya ang sarili niya sa akin.

"Sorry." Rinig kong sabi niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa pisnge ko at may naramdaman akong tulo ng tubig, at narinig ko ang pag singhot ni zee, umiiyak ba siya? Bakit? Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap sa akin ni zee, and for some unknown reason ay guminhawa ang pakiramdam ko at unti unti ko nang naramdaman ang antok.








Pag gising ko ay naramdaman ko wala na akong katabi kaya agad akong bumangon at tumingin sa paligid, wala yung gamit niya at yung damit niya dito, tapos may nakita akong sticky note sa lamp...

"Sorry kung hindi mo na ako naabutan sa pag gising mo ah... may pupuntahan kasi ako eh, kita na lang tayo sa canteen mamayang lunch break... lablab asawa ko"

Yan ang nakalagay sa sticky note at itinabi ko lang ito sa lamp at nagmadaling mag ayos ng sarili dahil medyo malelate na ako para sa klase ko.

Pag dating ko ng school dumeretso agad ako sa room namin... and to my disappointment, ay wala daw ang English teacher namin dahil may inatendan na national meeting for English teachers... habang nanahimik ako dito sa upuan ko ay may isang lalake na bigla biglang nag bukas ng pinto...

"Saint! Wala ka din klase? Tara laro tayo" Nagulat ako ng biglang pumasok si james at sunod sunod niyang sinabi sa akin yan habang palapit sa akin

"Huh?!" Naguguluhang tanong ko sa kaniya ng makalapit na siya sa akin at napa sigh siya sa akin

"Laro tayo, sa library wala din ako klase eh, may dala akong psp at uno cards" sabi niya at napailing na lang ako dahil hindi ko inakalang ganito siya kachildish.

"Mr. Saint, pinapatawag po kayo sa office" nagulat ako ng may student na pumasok sa room at sinabi na pinapatawag ako agad akong tumayo at tumingin kay james at ngumiti lang

"Pinapatawag daw ako eh, sa susunod na lang, and sa susunod laptop ang dalhin mo at mag download ka ng minecraft mas gusto ko yun or kaya download ka sa phone mo tapos pasa mo sa akin tapos mag multi player tayo" sabi ko sa kaniya at nag okay sign naman siya at dali dali naman akong pumunta sa office.

Pag pasok ko dun ay anduon ang may ari ng school at agad naman akong nag bow sa kanila ng nakapasok ako sa office. At sinenyasan ako ng principal na umupo sa sofa...

"Bakit niyo po ako hinahanap?" Takang tanong ko sa kanila at ng makaupo ako ay agad na humarap sa akin yung may ari ng school

"Ill be straightforward na sayo ah, i want you to be the official event planner and interior designer ng events ng school" sabi niya, na talaga namang ikinagulat ko, at medyo naistatwa ako sa sinabi niya

"Ofcourse it won't be for free, i will pay you for every event ng school na ikaw ang mag aasikaso, nagustuhan ko kasi talaga yung ginawa mong pag aayos nung anniversary, lahat ng cofounders at mga visitors ay nagustuhan yung ginawa mo they thought nga na isang professional ang nag ayos ng venue" sabi niya at talaga namang napangiti ako sa mga sinabi niya dahil isang malaking compliment yun

"So please take my offer" sabi niya at napa isip naman ako, i mean tatanggapin ko naman talaga pero parang ang sudden ng mga nangyayari, pero okay na toh for my future makakapag ipon na din ako ng maayos

"Sige po, pumapayag na po ako" sabi ko sa kaniya at pumalakpak naman silang mga tao dito

"Now, since i want you to be official, you'll need to sign this contract, dont worry its not like a contract na may expiration date or may year na kailangan mong abutin bago ka makapag quit, the decision is all yours kung kelan ayaw mo na, and the whole gastos for the event is sa school, like yung pagkain mo, transpo mo, pambayad sa mga taong ihahire mo like that, and andyan yan lahat sa contract" sabi niya at inabot sa akin ang contract at binasa ko lang iyon ng konti at pinirmahan na.

"Thank you po sa offer niyo" sabi ko at umiling lang siya sakin at ngumiti at agad akong lumabas ng office at dumeretso sa library para mag celebrate mag isa, that's my happy place eh..

Myghad hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina, its like a dream come true, grabe yung offer na yun parang lahat yun advantage sa akin ni isang disadvantage wala... napatingin ako sa orasan at narealize na lunch na kaya dumeretso ako sa canteen, para antayin si zee. Habang wala pa siya ay tumungo muna ako at pumikit para ipahinga ang katawan ko dahil feeling ko napagod ako sa pagiging sobrang saya...

Maya maya pa ay may kumalabit sa akin kaya umayos ako ng upo at kinusot kusot ang mata ko at nakita ko si zee na may kasama... si zee ay naka akbay sa isang babae at kumaway lang sakin ang babaeng ito at parehas silang naupo...

"Saint ito nga pala si Rachel, kakapasok niya lang kahapon and pinakilala din siya sakin ng parents ko kahapon, future fiance ko daw" sabi niya at nakangiti pa siya ng sobra, alam mo yung parang naka jackpot siya...

Kaya pala parang sobrang pabor sa akin yung mga nangyayari, nireready lang pala ako para dito...

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon