CHAPTER 036

828 38 3
                                    


ZEE'S P.O.V (same time sa oras at araw ng chapter 35.)

Buong magdamag kaming nag handa ni lesley, tinuro niya sa akin ang pag gamit ng ilang baril na sila mismo ang gumagawa, at ngayon ay inaantay na lang namin yung location ni saint.

"Pre eto na yung location tara na!" Biglang sabi ni lesley at agad naman kaming sumakay sa motor niya at sumunod naman samin yung mga kasamahan niya

"Bakit ba wala yung uncle ni saint?" Sabi ko kay lesley, kasi kamag anak niya yun eh

"Hindi yun pupunta dito sa pilipinas para lang sa ganitong kaliit na bagay" sabi ni lesley na kinainis ko

"Maliit na bagay eh kamag anak niya si saint" sabi ko sa kaniya at umiling iling lang si lesley

"Masyadong malaki ang tiwala ng uncle niya sa kaniya, kaya niya lang binigay sa atin yung location ay para sunduin si saint, dahil sigurado daw siya na hindi niya na kailangan ang tulong natin" sabi ni lesley at hindi na ako nag salita dahil baka mainis lang ako lalo.










SAINT'S P.O.V

Medyo nahihirapan ako sa pag deal sa mga ito, pero napatumba at napatulog ko naman na yung apat. Isa na lang na member at yung boss ang natitira. Ng masusuntok ko na sa mukha yung lalaki ay nagulat ako ng biglang may tumama sa akin sa braso at nakita ko yung boss na may hawak na baril, at napatumba naman ako sa sahig ng dahil sa impact nung tama sa akin.

"Wala naman akong sinabing hindi ako lalaban eh" sabi niya at tumawa lang siya at nakita kong paatake sa akin yung kalaban ko kaya agad ko siyang hineadbutt at hiniwa ko ang isang part sa magkabilang tuhod niya

"Sorry pero dahil sa boss mo hindi ka na makakapag lakad" sabi ko sa lalaking yun ay tinumba ko siya at tinadyakan ko ng malakas ang isang tuhod niya

"Well, i didnt expect na matatalo mo sila, why don't you be a part of my organization? Ill make you my bride" sabi niya sa akin napatawa lang ako

"Wag na noh! Patayin na lang kita" sabi ko sa kaniya habang natawa at bumaba na siya ng hagdan at dahan dahang lumapit sa akin at nagulat ako sa itsura niya...

I mean, sobrang bata niya tignan, mukha siyang nasa 23 years old, sayang siya kung sana inayos niya lang buhay niya sisikat siya.

"Ikaw pa lang nakakakita sa mukha ko" sabi niya at tinaasan kk lang siya ng kilay at inirapan

"So dapat ba honoured ako?" Sabi ko sa kaniya at ngumisi naman siya at lumapit sa akin, nacaught off guard ako, nagulat na lang ako ng hawak niya na ang dalawang kamay ko.

"Well, well, well... maganda ka naman pala eh, bakit di tayo magpakasal?" Sabi niya at nilapit niya ang mukha niya sa akin na para bang hahalikan niya ko pero hineadbutt ko siya sa noo, pero hindi pa rin siya bumitaw sa pag kakahawak sa akin

"Sorry pero mukhang di ka na makakapag parami" sabi ko sa kaniya at tinuhod ko siya sa private part niya at napabitaw naman siya sa akin at napa higa sa sahig kaya agad akong pumatong sa kaniya at tinutukan niya ng baril sa ulo at nakita ko siyang ngumisi

"Sigurado ka bang dyan mo gusto umupo? Baka magulat ka sa mararamdaman mo" sabi niya at pinambatok ko sa ulo niya yung baril

"Ikaw ba talaga leader nila? Bakit parang napaka hina mo?" Takang tanong ko sa kaniya at nakangiti pa rin siya

"Hindi ba pwedeng nakita ko na kasi yung kahinan ko?" Sabi niya at kinndatan ako, syett! Mukha nahulog na sa akin ting gagong toh

"Pwes mag hanap ka na ng iba dahil may asawa na ako" sabi ko sa kaniya ay sumeryoso ang mukha niya

"Tsk! Walang kwenta!" Sabi niya at tinulak niya ako at napahiga ako sa sahig at nakita ko siyang nag lakad palayo

"Pinakidnap pa kita dahil akala ko magkakagusto ka sa akin dahil gwapo ako, tapos kala ko magiging tayo tapos magiging member na ng gang ng uncle mo ang gang ko, takte!" Sabi niya at napa facepalm na lang ako sa mga sinabi niya at napa upo sa sahig at saktong bumukas ang pinto nung dalawang entrance at pumasok si lesley at zee

"Okay that was a weird gang boss" sabi ko na lang at tumayo na at nag pagpag

"Okay ka lang ba!?" Tarantang tanong ni zee at tumango tango lang ako a kaniya at napatingin siya sa braso ko

"You got shot?" Sabi niya at tumango tango lang ako sa kaniya at nakota ko si lesley na napapailing habang naka face palm

"Anyways im ok na, you dont have to worry. And dont worry about the leader of this gang, you dont have to go after him. He was just blinded by my beauty kaya niya ako kinidnap" sabi ko sa kanila at tumango tango lang sa akin si lesley

"Zee dalhin mo na sa hospital yan, gamitin mo tong sasakyan ko" sabi ni lesley at binigay niya kay zee ang susi ng sasakyan niya at agad naman akong sumundo kay zee

Habang nasa biyahe kami ay hindi man lang nag sasalita si zee, sobrang tahimik namin, walang nag babalak mag salita, kaya medyo nairita ako, at napairap na lang ako ng walang sa oras at tumingin ako sa kaniya.

"Stop the car" sabi ko sa kaniya at tumingin lang siya sa akin at iginilid niya muna yung sasakyan bago niya ito inihinto, at mukhang gusto niya in naman itigil ang sasakyan

"Okay. Why are you not talking?" Iritableng tanong ko sa kaniya at nagulat ako ng humikbi siya bigla

"I was worried to death... sa bawat minuto na wala ka sa tabi ko, sa bawat tawag ko sayo na hindi ka sumasagot kung ano ano nang pumapasok sa isip ko... kung ayos ka lang ba? May nangyari bang masama sayo? Tapos malaman laman ko na nakidnap ka na pala, edi mas lalo akong mag aalala sayo, sa bawat oras na wala ka sinisisi ko sarili ko, hindi ko na alam yun-" sabi niya habang naiyak at pinutol ko na ang pag sasalita niya by kissing him, at tumugon naman siya sa halik ko.

"I love you zee"

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon