SAINT'S P.O.V"Makinig ka nga, minor na nga lang tong subject eh" sabi ko sa kaniya at tinignan niya lang ako sagilt at tinuloy niya ang pag susulat ng kung ano ano sa isang notebook
"Zee" mahinahon kong banggit sa pangalan niya at nag pout lang siya at tinigil na ang ginagawa niya, feeling ko tuloy bata yung tinuturuan ko
Habang tinuturuan ko si zee sa lessons niya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mama ni zee kasama ang isang babae na may dalang tray na may mga laman na pagkain.
"Wow naman, nag aaral na yung son ko" sabi ng nanay ni zee at agad namang kinuha ni zee ang phone niya at nilaro ito, at napangiti lang ako
"Well, here's some food, para hindi naman kayo mabored na puro aral lang. Actually, you two look good together, I wouldn't mind if magiging kayo" sabi ng nanay ni zee at talaga namang kinagulat ko yung huling sinabi nito at literal na napa ubo ako
"Choosy ka pa, ma labas na nga di kami makapag concentrate ng asawa ko eh" sabi ni zee at speechless na lang talaga ako sa mga naririnig ko
"Im so happy for you my son" natatawang banggit ng nanay ni zee at lumabas na sila ng kwarto, at agad akong napasapo sa noo ko dahil sa mga nangyari
"Hey asawa, pano mo nga toh ginawa?" Takang tanong niya at pinakita sakin ang papel na hawak niya
"Ganto kasi yan... teka, tinawag mo ba akong asawa? Bakit? Anong meron? I don't remember marrying you" sunod sunod na sabi ko sa kaniya at umirqp lang siya sakin
"Eh gusto kong tawagin kang asawa eh, atsaka okay na yun kesa babe tawag ko sayo" sabi niya na talaga namang ikinagulo ng utak ko
"Bakit mo ko tatawaging babe? Meron bang tayo? Anong pumasok sa isip mo at natripan mong gumawa ng call sign?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya at nag smirk lang siya at tinuloy ang pag susulat
"Hays ewan ko sayo" sabi ko na lang at kumain nung pagkain sa lamesa dito...
"Hey kanina pa ko nacurious dun sa room na yun? Anong meron dun?" Sabi ko sa kaniya at tinuro ang isang pinto, may tatlong pinto kasi dito sa loob ng room niya, yung isa bathroom, yung isa walk in closet, tapos yung isa di ko alam kasi dapat papasok ako dun kanina kaso nahiya akong mag libot libot
"Pumasok ka na lang dun kung gusto mo makita" sabi niya lang at napatingin ako sa kaniya at seryoso siyang nag sasagot dun sa binigay kong mga tanong, back to major kasi kami eh, agad naman akong tumayo at pumunta dun sa kwarto na yun
Pagbukas ko ng pinto ay madilim kaya agad kong hinanap yung switch ng ilaw, ng makapa ko na iyon ay agad kong pinindot yun at lumiwanag na sa buong kwarto at nagulat na lang ako sa nakita ko.
"Wow!" Nasabi ko na lang dahil, may grand piano dito, at may tatlong klase ng guitar ang andito, agad kong kinuha yung acoustic guitar at nag strum strum lang, at nakita kong nasa pinto si zee at naka tingin sakin
"Tinutugtog mo toh lahat?" Tanong ko sa kaniya at tumango lang siya
"Dati" sabi niya lang at napa isip naman ako bigla
"Bakit dati? Ano toh dati may sineryoso kang babae tapos siya yung tinutugtugan mo and then nung inwan ka niya tumigil ka na sa pag tugtog?" Pag gawa gawa ko ng scenario at nakita kong nag iba aura niya
"Seryoso ka!?" Gulat na tanong ko na lang at umalis siya at mukhang bumalik sa ginagawa niya
My gosh! Di ko akalaing totoo yung gawa gawang scenario ko, malay ko bang may ganung storya pala siya, pero ang oa ah? Tinigil niya yung pagtugtog niya ng dahil lang sa isang babae? Hay nako, kaya wala akong balak mag karuon ng kahit anong relasyon eh, iiwan ka lang naman ng mga yan.
"Hoy joke lang yun, wala pa ako sineseryoso, pero mukhang malapit na ako mag karuon" sabi niya at napairap na lang ako.
At dahil nalibang ako ay tumugtog lang ako sa guitar ng kung ano ano, hanggang sa di ko namalayang inaantok na ako at nakatulog ako na yakap yung gitara.
"Hey wake up" nagising ako at medyo nagulat ako na sa kama na ako nakahiga, eh ang pagka kaalala ko dun ako sa room na yun natulog eh
"Binuhat na kita papunta sa kama, bigat mo nga eh" sabi niya at hinamapas ko siya ng bahagya at umayos na ng upo
"Tapos ko na yung ginawa mo" sabi niya at tumango tango naman ako, gumawa kasi ako ng test type na reviewer sa bawat subject niya, at sinabihan ko siya na sagutan niya yun
"Gumamit ka ng calcu sa math noh?" Sabi ko sa kaniya at umiling iling lang siya kaya tumayo ako at pumunta dun sa table at chineck ang mga gawa niya, at napangiti na lang ako sa results ng mga pinasagutan ko sa kaniya
"Mukhang eto na last tutorial natin ah? Hindi ko na kailangang mag alala sa exam mo" sabi ko sa kaniya habang nakangiti at tinignan niya lang ako ng blank ang expression niya at naglaro sa phone niya
"May mga tanong ka pa ba regarding sa lessons?" Tanong ko sa kaniya at umiling iling lang siya kaya napatango na lang ako
"So... uwi na ako" sabi ko at inayos ko na ang gamit ko at tinignan ang sarili sa salamin at nagulat ako ng umakbay sa akin si zee at sabay kaming bumaba, sa pag baba namin ay nakasalubong ko ang nanay at tatay ni zee
"Tito, tita, una na po ako" sabi ko sq kanila at nag bow
"Di ka muna ba kakain?" Tanong ng daddy ni zee at umiling na lang ako
"Oh siya mag ingat ka ha?" Sabi ng mommy ni zee at tumangi tango lang ako at tsaka nag bow uli
"Hatid ko lang siya" sabi ni zee dumeretso kami sa parking lot nila
"Wag mo na akong ihatid kaya ko na sarili ko" sabi ko sa kaniya at tinignan niya lang ako ng seryoso at binuksan ang pinto ng sasakyan at sumenyas na pumasok ako dun, kaya ginawa ko na lang.
Ang tahimik ng buong byahe namin, for some reason walang naganap na away, usually pag papunta kami sa bahay after class para sa tutorial lagi kaming nag aaway sa kotse niya, pero ngayon parang wala siya sa mood na makipag away. Ng makarating kami sa bahay, ay bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan kaso pinigilan ako ni zee at lumabas siya ng sasakyan at nagulat ako ng pagbuksan niya ako...
"Anong meron? Pero, thank you" sabi ko sa kaniya at kinurot niya ng bahagya ang pisnge ko at ginulo ang buhok ko
"Goodnight asawa ko" sabi niya na ikinagulat ko at pumasok na siya sa kotse niya at binaba niya ang bintana nito at tumingin sakin
"Wala ka bang sasabihin?" Sabi niya na para bang sinasabi niyang sabihin ko din yung sinabi niya
"Goodnight din" sabi ko pero di pa rin siya umalis
"May kulang, sabihin mo din yung tawag ko sayo" sabi niya at buti na lang medyo madilim dito dahil feeling ko namumula pisnge ko
"Goodnight din... asawa ko" sabi ko at ngumiti siya ng todo at nag wave goodbye na sakin at umalis na
What just happened!?
BINABASA MO ANG
Cliche
Genç KurguHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...