CHAPTER 010

1K 47 0
                                    


SAINT'S P.O.V

I still can't get over dun sa sinabi ni zee kagabi, i mean i know its not that big of a deal, lalo na sa kaniya galing, pero di ko alam. Parang may iba sakin kagabi na sineryoso ko yung sinabi niya.

"Hoy bumangon ka na dyan" nagulat ako ng may biglang nag salita at napatingin agad ako sa pinto ko at nakita ko si zee na nakatayo dun

"What are you doing here!?" Gulat na tanong ko sa kaniya at tinignan ko ang phone ko

"Umagang umaga, sabado pa, bakit andito ka? Atsaka bakit bigla kang pumasok?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya at di niya ko pinansin at dumeretso siya sa sofa ko at humiga

"Remember? sabi ko sayo kahapon, 10 am sa bahay ko, susunduin kita" sabi niya at inalala ko yung mga nangyare kahapon, ang dami kasi eh

"Ay shems!" Nasabi ko na lang ng maalala ko yung sinabi niya, my gosh 11 na pala 10 am pala usapan namin

"Sorry, di kasi ako nakatulog agad kagabi" sabi ko lang sa kaniya at hinanap ang towel ko at kumuha ng damit

"Sexy talaga ng tutor ko" sabi niya at nagulat ako ng makita ko siyang pinipicturan ako

"Burahin mo yan!" Sigaw ko sa kaniya at binato ko siya ng notebook, ay letse maling notebook, diary ko yun eh

"Wag ka nang lumapit, mag madali ka na, para pag dating natin sa bahay ay saktong lunch na, gusto ka daw ni mama makasabay sa pagkain" sabi niya at binaba niya ang notebook ko sa table at naglaro siya sa phone niya kaya agad akong dumeretso sa banyo at naligo na...



Wow! Ang laki ng bahay nila, mansyon na ata toh eh! Grabe ang daming bulaklak, tapos yung ibang halaman naka shape, wow! Tapos may fountain din, tapos ang lawak ng space, parang ang sarap mahiga sa damuhan, tapos nagulat ako ng may malaking asong tumatakbo papalapit kay zee. Wow Siberian husky! Ang cute!

Nagulat ako ng lumapit sakin yung aso tapos inamoy amoy ako at sumampa sakin kaya agad ko itong pinet sa ulo at parang gusto niyang makipag laro.

"Prince, go back" sabi niya dun sa aso at tumakbo kung saan yung aso, at nagulat ako ng lumapit sakin si zee at pinagpagan ang damit ko

"Sayo lang playful yung asong yung yun bukod sakin at kay mama, snobber yun eh" sabi niya at hinawakan ako sa kamay at patuloy kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa pintuan

"Ma andito na kami!" Sigaw ni zee at may inutusan siyang babae at pagbalik nito ay dala siyang vacuum na maliit, at nagulat ako ng ivacuum ni zee yung damit ko at ganun din ang ginawa niya sa damit niya at tuluyan kaming pumasok

"Hey, welcome to our house saint" sabi ng mama ni zee at nag bow naman ako

"Salamat po sa pagpapa punta sakin dito Mrs. Celestiales" sabi ko sa kaniya at niyakap niya lang ako

"Tita na lang itawag mo sa akin" sabi miya at tumango lang ako at pumunta kami sa isang room at i guess dining room ito kasi obvious naman sa laki ng lamesa at sa dami ng nakahain dito

"Nice to meet you again" bati sakin ng tatay ni zee, at nag bow din ako sa kaniya

"Just call me tito, i know you're thinking of addressing me as Mr" sabi niya at ngumiti lang ako sa kaniya

"Now, now magsi upo na tayo at ng makakain na, sakto ang dating niyo at kakatapos lang ng mga pagkain" sabi ng nanay ni zee at umupo naman kami

"So saint, kamusta naman sa tutorial niyo si zee?" Tanong ng mommy ni zee habang nakain kami

"Okay naman po siya tita, madali po siyang maka intindi ng lessons" sagot ko naman at tinignan ko si zee na walang pakielam sa nangyayare sa paligid niya at kumakain lang habang nag lalaro sa phone

"Im surprised that you were able to tamed that gamer boy" sabi ng papa ni zee at ngumiti naman ako

"Mukha lang po siyang ganyan, pero nag strive naman po siyang matuto, its just that hindi niya pinapakita sa ibang tao" sabi ko sa kanila at nagkatinginan naman ang mommy at papa ni zee at napangiti sakin

"Hey zee put down your phone and eat" sabi ng papa ni zee at hindi man lang natinag si zee

"Naglalaro ako" cold na sabi ni zee sa papa niya, at napa iling na lang ang papa ni zee

"Itabi mo yang phone mo" sabi ko sa kaniya at tumingin siya sakin, at bumuntong hininga muna siya bago niya inoff ang phone niya at binulsa ito...






"Ikaw nga, wag kang ganun sa parents mo" sabi ko sa kaniya at tinignan niya ako ng masama

"Huwag kang makielam" sabi niya lang, at napatahimik na lang ako sa sinabi niyang yan at yumuko

"Hey, dont tell me iiyak ka?" Medyo tarantang tanong ni zee at napa ngiti naman ako

"Bakit papatahanin mo ba ako pag umiyak ako?" Mataray kong sabi sa kaniya at inirapan niya ako at tumingin siya ng masama sakin

"Yan tuloy kakairap mo napapagaya na ako" sabi niya at napatawa na lang ako sa kaniya, pero ganun na ba kami katagal magkasama para magaya niya ang ilan sa habits ko

"Well, pantay na lang naman tayo kasi nagagaya mo din naman yung iba sa ginagawa ko" sabi niya na ikipinagtaka ko at kinunutan ko siya ng noo

"What do you mean?" Takang tanong ko sa kaniya at tinuro niya yung legs ko, at napatingin naman ako dito

" oh anong meron sa legs ko?" Takang tanong ko sa kaniya at binigyan niya lang ako ng blank na expression

"Nakabukaka kana, dati tuwing makikita kitang nakaupo kung hindi ka naka cross legs, naka close feet ka at lagi ka pang nagtatakip or naglalagay ng jacket or bag sa legs mo pag nakaupo ka. Ngayon kung hindi ka nakabukaka, naka Indian sit ka naman" sabi niya at agad akong nag cross legs, oo nga noh, pano ba naman kasi siya lang naman nakakasama ko ng matagal, oo normal lang sa lalaki ang nakabukaka, eh hindi naman ako lalaki kaya hindi ako ganun umupo dati, jusqo kailangan ko na sanayin sarili ko mag cross legs pag naka upo

"Para tuloy tayong mag asawa, nakukuha na natin yung habit ng isa't isa"

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon