SAINT'S P.O.VHabang nag babasa ay may kumalabit sa akin, at nakita ko naman yung babae ni zee, i mean yung future fiancee niya.
"uy andyan ka na pala teka lang gisingin ko lang tong lalakeng toh" sabi ko sa kaniya at kakalabitin ko na sana si zee ng hawakan ni rachel yung kamay ko at umiling iling siya, muntikan ko ng balian ng buto ng babaeng toh, makahawak sa kamay ko kala mo close kami
"Ako na lang" sabi niya habang nakangiti at ngumiti lang ako sa kaniya, syempre peke ngiti ko at bumalik na ako sa pag babasa, at napapansin ko kanina niya pa tinatapik at binubulungan si zee, pero hindi nagigising si zee, good luck sa kaniya, parehas pa naman kaming tulog mantika niyan. At nakita kong tinry niyang hilahin yung kamay ni zee na nagsusuporra sa pag tulog niya
"Ano ba parang gago eh" bulyaw ni zee habang nakapikit at agad kong tinakip yung libro sa mukha ko kasi gulat na gulat si ate mo eh! HAHAHAHA! Laughtrip eh.
Agad akong bumalik sa seryosong mukha at napa iling na lang sa kaniya, agad akong lumapit kay zee at hinimas himas yung likod niya, at hinimas ko din ang ulo niya at nilapit ko ang mukha ko sa kaniya
"Zee, gising na, anong oras na oh" sabi ko sa kaniya at hinarap niya ang mukha niya sa akin at dumilat at ngumiti siya sa akin at nginitian ko lang siya at tinuro si rachel at tumingin siya kay rachel saglit at tumingin siya sa akin kinurot niya ang pisnge ko
"Sige alis na ako, punta na lang ako mamaya sa bahay" sabi niya habang nag aaayos ng sarili at tumango lang ako sa kaniya bilang pag sang ayon at umalis na sila at kumaway lang sakin yung rachel at nag fake smile lang ako. At bumalik na ako sa pag babasa ng makalabas na sila ng library.
"Isa din ba yan sa natutunan mo sa uncle mo? Ang mag lagay ng mask?" Napatingin lang ako sa isang shelf at nandun si lesley at inirapan ko lang siya, kung hindi niya sinabi yung nga sinabi niya sa akin kanina baka nahihiya pa rin ako pag nakikita ko siya. And by the way yung tinutukoy niyang mask is yung pag fefake smile ko
"Ewan ko sayo" sabi ko lang sa kaniya at bumalik sa libro
"Alam mo, pasalamat ka ako lang nakakapansin, kanina ka pa nasa iisang page hindi mo man lang nilipat at yung tingin mo ay laging kay zee" sabi niya at lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko at inakbayan ako, hahawakan ko na sana yung kamay niya para saktan siya pero tinanggal niya agad iyon
"Ihahatid na kita pauwi" sabi niya at hindi ko na lang siya sinagot at inayos na ang gamit ko
"Tara na" sabi ko sa kaniya at tumayo agad siya at inakbayan ako
"May gusto ka ba sa akin?" Bigla kong tanong sa kaniya, makapal mukha ko eh atsaka assuming ako
"Oo, may angal ka?" Sabi niya at inirapan ko lang siya at binigay sa kaniya ang bag ko
"So alam ba nila marky at zee na member ka ng gang?" Tanong ko sa kaniya habang nag lalakad kami at tumango lang siya
"Im surprised na you can stay with them" sabi ko sa kaniya, i mean he has this dangerous thing in his life that can involve his friends
"Well, okay lang naman daw sa kanila eh, atsaka im pretty sure na walang gagalaw sa kanila, knowing na makapangyarihan mga magulang nila" sabi niya at tumango tango na lang ako sa kaniya at nagulat ako ng abutan niya ako ng helmet
"Motor?" Takang tanong ko sa kaniya at tumango tango lang siya sakin at inirapan ko siya at sumakay na siya at pinasakay niya din ako.
Habang nasa biyahe. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni zee sa akin, oo tinatawag niya akong asawa, pero never pa siyang nag sabi ng i love you sa akin, or nag sabi na ba siya sakin pero di ko lang maalala... basta napaka unexpected nun... kahit naman siguro kahit sino mako caught off guard kung bigla kang sabihan ng ganun eh...
Okay in denial lang ako, sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung sinabihan niya ako ng ganun, feeling ko nahulog lang ako lalo sa kaniya.
"Stop muna tayo dito" sabi ko kay lesley at tumingin ako sa likod namin at nakita ko na may mga 7 na motor ang nakasunod sa amin
"Sure ka? Walang tao dito, wala tayong witness" sabi niya sa akin at for sure alam niya na kung bakit ko siya pinapatigil
"Oo" sabi ko sa kaniya at sinimulan niyang bagalan ang pagpapatakbo ng motor at umarakanda yung mga nakahabol sa amin na motor at humarang sa daan namin at tumigil na ang motor na sinasakyan namin at parehas kami ni lesley na bumaba ng motor
"Hoy bakla! Ang lakas ng loob mong saktan kapatid ko ah!?" Bulyaw niya sa akin at bumaba na ng motor nila yung mga kasama niya, bali 13 sila, mag isa lang sa motor tong leader nila at dala dalawa sila sa isang motor, myghad fast math im so genius, joke lang
"And sinong kapatid naman ang tinutukoy mo?" Maang maangan kong tanong sa kaniya at pinatunog niya yung kamay niya at dahan dahan na nag lakad papunta dito at sumunod naman sa kaniya yung mga alalay niya
"Be ready" sabi ko kay lesley at nginitian niya ako at tinapik sa balikat habang na iling iling
"I can handle them" sabi niya at nag smirk pa siya at tumango na lang ako sa kaniya at umupo lang ako sa motor
"Ano toh? Body guard mo? Ha! Bobo, dalawa lang kayo, ang dami namin tapos siya lang ilalaban mo sa amin? Tanga! Hoy bubugin niyo tong body guard" sabi nung leader nila at sabay sabay silang umatake kay lesley. At nakita kong natamaan ng isang suntok si lesley at tsaka siya umatake pabalik.
Habang nakikipag laban si Lesley dun sa mga alalay, nag lalakad naman palapit sa akin yung leader nila. At hindi siguro napansin ni lesley na nakalapit na sa akin yung leader, pero okay lang naman din. Mukhang nag eenjoy naman si lesley sa ginagawa niya, kanina pa siya inaatake pero di na siya natatamaan ng kalaban niya.
"Well, well, mukhang busy ang body guard mo? Pano na yan bakla" sabi niya ng makalapit na siya sa akin at tumayo naman ako at hinarap siya.
Agad siya nagtapon ng suntok sa akin pero agad akong naka iwas at hinamapas ko ng malakas sa mukha niya yung helmet na kanina ko pa hawak at tinatago ko lang sa likod ko at agad naman siyang natumba at pumatong ako sa kaniya at hinampas ko lang ng hinampas sa kaniya yung helmet, at tumigil na ako ng hindi na siya nakakapalag.
"Hey! Talo na boss niyo!" Sigaw ko sa kanila habang naka apak yung isang paa ko sa dib dib ng leader nila at lahat sila ay nagulat ng makita na nakahiga na sa sahig yung leader nila. At nag lakad ako papunta sa kanila.
"Alam niyo ba kung bakit dito kami tumigil?" Tanong ko sa kanila at alam ko naman na walang sasagot sa kanila at ngumiti lang ako sa kanila
"Kasi walang tao dito. Alam ko kasi ang scheme niyo pag natalo kayo sa isang gang fight eh, gagamitin niyo yung mga tao na tumayo as a witness pag nag file kayo ng kaso sa nakatalo sa inyo. And if you're trying to do that to me? Don't even bother. See that camera. Kahit kunin niyo yung film dun, kayo lang makikita at etong kasama ko, nasa blind spot kami ng leader niyo. And remember? Bago kayo bugbugin ng kasama ko tumama sa kaniya yung isang suntok kanina? Kita yun sa camera, meaning lahat ng mangyayari after that ay icoconsider na self defense sa side namin. Kahit anong gawin niyo it's your defeat." Sabi ko sa kanila at nagulat ako ng pumunta ng mabilis silesley sa likod ko at nakita ko na lang na tumumba yung leader nila
"See? Defeat" sabi ko sa kanila at tumakbo silang lahat palayo at iniwan yung leader nila
"Hey! Kilala mo naman siguro ang pangalan na Akihiro Tanaka right?" Sabi ko dun sa leader at nakita kong nagulat siya sa sinabi ko
"Well, siguro naman hindi mo na ako guguluhin at pati ng kapatid mo diba?" Sabi ko sa kaniya at naglakad na kami papunta sa motor at sumakay na kami dun para makauwi na. Habang pauwi na kami ay may tinawagan ako.
BINABASA MO ANG
Cliche
Teen FictionHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...