SAINT'S P.O.VNagtataka na ako kay zee simula last week, kasi lagi na lang siyang nakangiti at parang sobrang saya niya lagi... at ngayon andito uli kami sa office ko dahil nag finalize na ako ng work ko at ayun lang siya sa sofa nakatingin sa akin habang nakangiti... mapag tripan nga...
"Zee, ayoko na sayo" sabi ko sa kanoya at dahan dahang nawala ang mga ngiti sa kaniyang labi at tinignan niya ako ng masama kaya agad akong napatawa ng malakas
"Panira ka ng trip" sabi niya at inirapan ko lang siya at nag ayos na ng gamit
"Zee" seryoso kong tawag sa pangalan niya at tumingin lang siya sa akin ng masama
"Ano na naman?" Inis niyang tanong at napangiti lang ako sa kaniya
"Samahan mo ko sa venue kikitain ko yung mag dedecorate ng venue" sabi ko sa kaniya at umakbay lang siya sa akin at nag simula na kaming maglakad papunta sa kotse niya.
Habang nasa biyahe ay parehas lang kaming tahimik... lalo na ako hindi ako makapag salita, hawak niya kasi kamay ko eh, kanina ko pa siya sinasabihan na baka maaksidente kami kakahawak niya sa kamay ko pero angal lang siya ng angal.
Pag dating namin sa venue ay nakita ko agad yung mag dedecorate ng place. At agad ko siyang kinausap
"Eto dun toh sa taas, kasama itong fairy lights..." habang nag eexplain ako dun sa decorator ay kinalabit ako ni zee at nag excuse lang ako dun sa babae
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya at parang nag dadalawang isip pa siya sa sasabihin niya at inirapan ko lang siya tsaka siya hinampas
"Kasi... kailangan ko nang umuwi, biglaan kasi eh. Umuwi daw si lolo, galing states yun eh papunta na daw sa bahay kailangan daw ako dun" sabi ni zee at nginitian ko lang siya
"Ano ka ba okay lang, sige na umuwi ka na" sabi ko sa kaniya at aalis na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya
"Bakit?" Sabi niya at umiling lang ako at lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi at grabe yung ngiti niya at niyakap niya
"Ingat ka ah" sabi ko sa kaniya ng bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at bumalik naman ako dun sa decorator para iexplain pa yung ibang gagawin.
Bago kami mag patuloy ay nag paorder ako ng pagkain, kasi may mga dumating siyang kasama niya sa mag dedecorate kaya nag pa order ako ng food para sa amin
"Maam, drinks po" sabi samin nung isang waiter, at sinabi niya na pinadala daw yun ng manager kaya tumango na lang ako sa kaniya at ininom ng unti unti yung juice. At bumalik na ako sa pag eexplain kung pano gagawin yung ibang designs
After awhile ay natapos na yung pag eexplain ko sa kaniya, sinabi ko na din sa kaniya na icontact na lang yung school pag ipapadala na dito sa venue yung materials.
"Sige una na ako ah" sabi ko sa kaniya at nagbow lang siya at umalis na ako
Hayys... medyo napagod ako sa pag eexplain ah... naramdaman ko na lang na nahihilo ako... at bigla na lang nagdilim ang paningin ko...
ZEE'S P.O.V
Nag aalala na ako... tatlong araw nang hindi nasagot sa tawag ko si saint, at wala din siya sa bahay niya, tinanong ko na din si lesley, pero hindi niya din alam... dapat pala hindi ko na lang siya iniwan nung nakaraan eh, edi sana alam ko kung asan siya ngayon.
"Pre, wag kang mag alala, si saint yung pinag uusapan natin, kakaiba mag isip yun at kung may mangyari man, mas kaya niya ang sarili niya kesa sa atin" sabi ni lesley andito lang kami sa school at pinanonood lang namin yung mga papractice ng sayaq para sa prom, at biglang nag ring yung phone ni lesley at nakita kong nagulat siya ng makita yung phone niya at bigla siya tumakbo ng malayo sa akin at nakita kong sinagot niya ang tawag.
Asan ka na ba kasi saint? Ano na naman bang pinag gagagawa mo? Saang lupalop ka na naman nag susuot? Kainis naman tong si saint eh.
"Pre... tumawag sa akin yung uncle ni saint" sabi ni lesley agad ng makabalik siya pagkatapos ng tawag na natanggap niya. Teka, uncle ni saint? Yung gang leader?
"Oh bakit tumawag?" Tanong ko sa kaniya at mukhang nag dadalawang isip siya kung mag sasalita ba siya o hindi, ayoko lang maging negatibo ngayon pero mukhang tama yung kutob ko eh
"May nangyari ba kay saint?" Tanong ko sa kaniya at hindi siya makasagit tinatry ko lang maging mahinahon ngayon, wala din namang patutunguhan emotion ko kung mag wawala lang ako
"Na kidnap si saint ng isa sa kalaban na gang ng uncle niya, isa sa pinaka malaking gang dito sa pilipinas yung kumidnap kay saint. Sabi sa akin ng uncle ni saint, na nag send daw sa kaniya ng picture yung gang na yun, picture yun ni saint habang nakatali at walang malay, sabi ng gang na yun sa uncle ni saint ay kailangan daw niyang pumunta duon sa location na yun" sabi ni leslesy sa akin at napabuntong hininga na kang ako dahil hindi ako makapag isip ng tama ngayon at pinakita sa akin ni lesley yung picture ni saint habang nakatali sa isang upuan at walang malay.
Napa sabunot na lang ako sa buhok ko ng dahil sa sobrang walang kwenta ko... sana inuna ko muna si saing nung araw na yun, hangang next month pa naman yung lolo ko dito sa pinas eh, sana sinamahan ko na lang muna siya...
"Pre bukas pa natin makukuha yung location, sumama ka sa akin sa bahay namin" sabi niya sa akin at tumayo ako at sumunod sa kaniya
BINABASA MO ANG
Cliche
Teen FictionHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...