SAINT'S P.O.VAndito ko ngayon sa library, as usual nag babasa ng kung ano ano, dagdag random knowledge. This week kasi puro practice lang, dahil next week may event na magaganap, and sinabi na bawat strand and course ay nakatokang gawin ang main nila, meaning kung culinary ang course mo ang nakatoka sayo or sainyo ay pagluluto... Tourism operation ako, kaya ang nakatoka lang sakin or sa amin ay mag welcome ng guests and ilead sila sa designated seats nila... Anniversary kasi ng school, kami ang ginawang server, cook and all around na kikilos. Dun kasi sa hotel na pag gaganapan ay dadating ang lahat ng shareholders ng school, and then may mga invited na business personnels kasi mga kaibigan siguro, kaya may lists of guest kami... i don't really like being with people, and i hate smiling and greeting, kaya if you're wondering if bakit tourism operation ang kinuha ko, kasi too late na para magbago... what i really want is to be a chef... hindi na kaya ng natitirang pera ko ang paglilipat ng strand, sakto na hanggang college ko yung naiwang pera sakin, pag nag stop pa ako ngayon para lumipat ng strand, mahihirapan lang ako sa pag hahanap ng pagkukunan ng pera... so no choice kung hindi ituloy ito... although, hindi ako mag flight attendant, siguro mag hotel manager na lang ako, kasi alam ko pasok naman ang course na tourism sa requirements ng pagiging hotel manager...
So ayun nga, back to the event tayo, hindi talaga ako andito para magbasa basa, kasi sabi ko sa teachers ako na ang bahala sa interior ng place sabihin lang nila sakin yung theme at sabihin lang nila dun sa namamahala dun sa hotel na bigyan ako pass para pagpupunta ako dun para icheck check yung venue, and ako na din ang mag aasikaso ng guests list, ako bahala mag table table sa kanila, kaya nanghingi ako ng profile ng bawat guests para alam ko kung sinong pag sasamahin sa table at sinong ihihiwalay ko...
"Asawa ko ano yan?" Nagulat ako ng may nag salita sa gilid ko at may umakbay sakin at pag harap ko sa right side ko ay ang lapit ng mukha ni zee sakin na muntikan ko nang mahalikan pisnge niya at humarap siya sakin which is a bad move dahil sobrang lapit ng mukha namin, at nagtama ang ilong namin kaya napapikit lang ako
"Ano nga yan?" Napadilat na lang ako at nakita kong umupo na si zee sa upuan sa tabi ko at tinanong niya ako
"Para sa event" sabi ko lang sa kaniya, at tumango tango lang siya
"Alam mo bagay kang event organizer, pero alam mo kung saan ka mas bagay?" Sabi niya at nag taka ko sa tanong niya
"Saan?" Takang tanong ko sa kaniya at ngumiti lang siya at tinap ako sa shoulder
"Mas bagay ka sakin" sabi niya at kinindatan ako, at napa sigh na lang ako sa sinabi niya at tinignan ko lang siya ng seryoso at nag pout lang siya
"Alam mo, ang corny mo" sabi ko na lang sa kaniya at tinuloy ang ginagawa ko, at nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin lang siya sakin, sakin talaga hindi sa ginagawa ko
"Asawa ko nagugutom na ako" sabi niya at kinalabit kalabit niya ako at tinignan ko lang siya ng masama bago nag salita
"Edi kumain ka, may ginagawa ako, mamaya ka na mangharot" sabi ko sa kaniya at inirapan siya at nag pout lang siya uli sa akin
"May gusto ka bang kainin?" Biglang sweet na tanong niya sakin
"Wala naman, and bawal pagkain dito" sabi ko sa kaniya at tumango tango lang siya
"Well goodluck sa ginagawa mo asawa ko" sabi niya at ginulo ang buhok ko and i immediately shrug his hands off of my head at tumawa lang siya bago tuluyang naglakad paalis...
Naglalakad lakad lang ako ngayon dito sa parang park sa likod ng school, madami ang students na tumatambay dito and karamihan sa mga tumatamabay dito ay nag lalandian, hindi naman sa bitter ako pero medyo nakakadiri lang tignan yung iba na ang lakas ng loob makipag landian eh palamunin pa naman ng magulang and wala pang napapatunayan sa magulang... you know what i mean? Yung ibang babae agad ginagawa nilang proud eh hindi pa nga nila napapaproud yung mga nanay nila sa kanila... kung sino sino agad ginagastusan nila eh, hindi pa nga nila nagagastusan yung magulang nila... pusta ko buhay ko sa inyo, yung pera na pinambibili nila ng regalo at pang date nila sa mga magulang pa nila galing yun.
Habang naglalakad lakad ay nakita ko si zee na may kausap na babae... oo nga pala may hindi pa pala ako nasasabi kay zee, need pala namin siya sa event, i mean need namin siya as head server, wala naman daw kasi siyang gagawin sabi ng teachers, and mas okay daw kung magiging server si zee para daw mag stay yung mga invited na babaeng guests kasi gwapo yung isa sa server...
"Zee" tawag ko sa kaniya at lumingon lang siya sakin saglit at bumalik sa pakikipag usap dun sa babae, kaya lumapit ako sa kanila, mukhang bago yung babae baka nagpapatulong lang about sa school
"Zee, may sasabihin pala ako sayo, mamaya na lang punta ka sa library" sabi ko sa kaniya at parehas silang lumingon sakin nung kausap niyang babae
"Who is this?" Mataray na tanong nung babae kay zee at nag smirk lang si zee dun sa babae at inakbayan ni zee yung babae
"Malay ko dyan, baka isa lang sa mga baklang gusto akong matikman" natatawang sabi ni zee at nag tawanan lang sila nung babae
"Sabi niya kita daw kayo sa library" sabi nung babae at natawa sila parehas
"Hoy bakla bakit naman ako pupunta sa library para kausapin ka? Baka naman gusto mo lang makasama ko ng tayong dalawa lang tapos gawin mo sakin yung gusto kong gawin... Hoy bakla di kita papatulan" mahabang sabi ni zee sakin tumawa sila nung babae, huminga na lang ako ng malalim at nag lakad palayo sa kanila at bumalik na lang ako ng library...
I understand na, he can only be sweet to me when we're alone together, and he will act like a stranger to me if nasa public place kami, lalo na pag may kasama siyang tropa or babae... took me too long to realize... dapat pala narealize ko na toh nung nasa canteen pa lang kami nila marky kasama siya, the way he called me "asawa" before that then he called me "bakla" when we're with marky and lesley and i know na rin kung bakit ang tagal niya lagi sa pagkuha niya ng kotse pag sabay kaming pupunta ng bahay, hinihintay niyang makauwi ang mga students bago niya ako puntahan... took me too long to realize those things...
I understand.

BINABASA MO ANG
Cliche
Genç KurguHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...