CHAPTER 002

1.4K 57 2
                                    


SAINT'S P.O.V

Bwiset!!!

Gandang bungad noh? Pano ba naman kasi pagbukas na pag bukas ko ng pinto papasok ng classroom ay may bumuhos na malamig na tubig sakin at may nalaglag pang bucket sa ulo ko...

Kaya pala ang weird ng tinginan ng mga tao sakin kanina habang naglalakad ako at nakarinig ako ng tawanan sa likod ko at nakita ko na tinatawanan lang ako ng mga students, at may narinig akong pumapalakpak at napatingin ako sa loob ng classroom, pagkatingin ko kung saan nang gagaling yun ay nakita ko ang pinaka nakakabwiset na tao sa buong mundo...

"Pre ano ba toh huh!? Wala namang ginawang masama sayo yung tao" narinig ko na lang na sigaw ng isang lalaki mula sa likod at nakita ko si marky at ipinatong niya sakin ang towel na dala niya.

"Pre ano ba? Di mo ba kami nakikita? Makisaya ka na lang, laughter is the best medicine nga diba?" Sabi ni zee at tumawa lang siya, feeling ko pinupuri na nito sarili niya

"Its okay" sabi ko kay marky at binalik sa kaniya ang towel niya at naglakad papuntang locker room para magpalit

Not the kind of bullying i grew up with, but this is better.

Agad akong nagpalit at bumalik agad sa room at nakita ko yung prof ko na nakatingin sa tubig na kalat kalat sa floor.

"Sinong may gawa nito!?" Sigaw ng prof ko kaya agad akong pumunta palapit sa kaniya

"Sir, ako po, I'll just go and get materials to clean that" sabi ko sa prof at tinignan niya ko mula ulo hanggang paa

"Sino sabing may gawa nito eh!?" Sigaw uli prof at hinawakan ko si prof sa braso

"Sir ako na pong maglilinis nito" sabi ko kay prof at nag sigh lang siya

"Kung hindi mo sasabihin ang may gawa nito mauulit at mauulit toh sayo" sabi niya sakin at ngumiti lang ako sa kaniya

"Okay lang po" sabi ko at agad na pumunta sa janitor's room para kumuha ng mop, pagpasok ko dun ay agad na nagsara yung pinto at kinuha ko lang yung mop pero pag punta ko sa pinto ay ayaw nitong magbukas, hay nako... locked room? Really? Agad akong nag hanap ng screwdriver at may kinalikot sa doorknob, at agad itong bumukas. Buti na lang doorknob toh na normal, hindi kailanganan sirain ng todo at agad akong lumabas, pag sara ko ng pinto ay nakita ko si marky na naglalakad at nagulat siya ng makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dyan?" Takang tanong niya at pinakita ko lang sa kaniya ang mop na hawak ko at napa iling iling na lang siya

"Pag pasenyahan mo na si zee, kulang kasi talaga sa pansin yun" sabi niya at napatawa na lang ako ng konti

"Kulang sa pansin? With that many ex and a lot of fans kulang pa siya sa pansin? I doubt" sabi ko na lang sa kaniya at napatawa din siya ng bahagya

"I'll help you clean up na lang" sabi niya at papasok na sana siya sa janitor's room pero agad ko siyang pinigilan

"Nope. Sira ang pinto niyan and i dont want to be the reason kung bakit ka wala sa klase mo, mamaya magtanong teacher mo sakin about sa alibi mo edi wala akong choice kundi sabihin yung totoo, so go na ako na bahala" sabi ko sa kaniya at napatawa na lang siya sakin

"Grabe bakit parang kilalang kilala mo ko? Sige balik na ako" sabi niya at nginitian ako bago siya maglakad palagpas sakin at agad akong bumalik sa room para linisin yung basa

Habang nag lilinis nung basa ay nakita ko si zee na naglalakad, at nakita niya din ako at aba ang sira ulo minura ako, at di ko na lang siya pinansin at punagpatuloy ang ginagawa ko.

After ng mga klase ko ay dumeretso ako sa cafeteria para bumili ng makakain at para maka punta na ako sa library dahil may research pa ako na tatapusin. Pag kabili ko ng pagkain ay agad akong dumeretso sa isang bakanteng table at dun nag stay.

Nagulat na lang ako ng may naramdaman akong natulong malamig na liquid sakin at napatayo agad ako at nakita ko na may grupo ng mga lalaki ang nasa likod ko at nakita kong may hawak silang coke. At nag tawanan lang lahat ng students dito sa cafeteria ng biglang bumukas ang pinto ng cafeteria at nakita kong pumasok ang grupo ni Zee. Wow siya pa talaga ang nakita ko.

At agad silang napatingin sa direction ko dahil ako lang naman ang pinagkakaguluhan dito, at napa takbo papunta sakin si marky at agad sinuntok yung lalaking nagbuhos sakin ng coke.

"Marky stop" sabi ko na lang at hinila palayo si marky sa lalakeng ngayon ay may sugat sa mukha

"Ulitin niyo pa toh, humanda kayo sakin" banta ni marky sa kanila at agad silang umalis

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya sakin at agad akong pinunasan gamit ang panyo niya

"Okay lang ako, thanks" sabi ko na lang at inayos ang gamit ko, uuwi na lang ako dahil ang daming nangyayari ngayon at hindi sakto ang damit na dala ko para dito

"Kita mo na pre, ginagaya ka na tuloy ng iba" sabi ni marky at humarap kay Zee na ngayon ay nakaupo na sa table

"Di ko kasalanan yun, sila pumiling gawin yun" sabi lang ni Zee at kinain yung binili kong pagkain

"Burger ko yan" sabi ko lang sa kaniya at tinignan niya ako at yung burger at kinagatan ito uli

"Baka mahawa ka sa virus ko" sarcastic na sabi ko at tumayo siya at hinarap ako at ngumisi

"Well, let's see" sabi niya at inunos yung burger, agad akong naglakad palayo sa kaniya

At napagdesisyunan ko nang umuwi na lang dahil kulang ang damit na dala ko para sa mga ganitong pangyayari. Magdadala na lang ako ng madaming extrang damit bukas. Napaka badtrip ng araw na toh...

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon