CHAPTER 022

861 37 1
                                    


SAINT'S P.O.V

So back to normal na, after ng event binigyan nila ako ng 2 days na pahinga, kasi nalaman daw nila dun sa staffs ng hotel na sobrang aga ko daw mag asikaso dun and mga 3 am na ako natatapos, kaya ayun binigyan nila ako ng 2 days na rest.

"Kayo po ba yung nag design nung event sa hotel?" Nagulat ako ng may mga babaeng sumalubong sakin at tinanong ako tumango naman agad ako sa kaniya

"Pwede po ba kaming mag papicture?" Sabi nung babae na ikinagulat ko talaga pero tumango na lang ako sa kaniya at nag picture nga kami

Okay, this is weird... nag design lang naman ako ng event, bakit may pag ganun? Ahhh baka gusto niya din mag design and nagandahan siya sa design ko...

"Uy siya yung nasa facebook page ng school diba?" Narinig kong bulungan nung nga tao na nadadaanan ko kaya agad akong nacurious at chineck ko ang Facebook page ng school...

At nagulat ako sa nakita ko... it was a picture of the venue and the designs tapos sa bandang huli may picture ko kasama yung may ari ng school at kasama yung ibang owner ng company... ang daming nag react dun sa photos ang dami din na nag comment na gusto nila akong makita in person... tapos may nakita akong post na puro picture ko and facebook page yun for cute boys and andun ako... dati puro mukha ni zee nandito or kaya nila marky eh... tapos nagulat ako ng may lumapit na lalake sa akin...

"Ikaw si saint diba?" Tanong nung lalake sakin at ngumiti lang ako at tumango

"Pwede ka bang idate?" Tanong nung lalake na ikinagulat ko talaga as in, sasagot na sana ako ng may biglang umakbay sa akin

"Hindi pwede, may asawa na siya at ako yun" at napatingin ako sa taong umakbay sakin at si zee at nag sorry naman yung lalake bago siya umalis

"Alam mo ba sa 2 days na wala ka, usap usapan ka na sa buong school, kahit yung mga babae nanlalandi sakin tinatanong sakin yung number mo eh" sabi niya at agad na napataas ang kilay ko sa nasabi niya, kailangan niya pa bang sabihin yun?

"So nagpa landi ka?" Mataray na tanong ko sa kaniya at alam kong wala akong karapatan magalit dahil wala namang kami pero gusto ko lang sabihin

"Ah... eh" yan na lang ang nabanggit niya at nag lakad na ako palayo sa kaniya at hindi pinansin ang pag tawag niya sa akin at nagulat ako ng bigla niya akong akbayan

"Di ko alam kung bakit ka nag seselos pero ang cute mong tignan, sige lang mag selos ka lang" sabi niya at ngingiti ngiting nag lakad habang naka akbay sa akin

"Zee..." tawag ko sa kaniya, matagal ko nang narealize tong nararamdaman ko pero mukhang hindi ko na kayang itago

"Ano yun babe?" Sabi niya at medyo nag pantig yung pandinig ko dun sa tinawag niya sakin

"Anong tinawag mo sakin?" Medyo iritable kong tanong sa kaniya at medyo napalayo siya sakin

"Babe? Pagkaka alam ko yan ang tawag mo sa mga babaeng natitripan mo eh, so anong ibig sabihin ng pag tawag mo sakin ng babe? Itinutulad mo na ba ako sa mga babae mo?" Sabi ko sa kaniya at paatras siya ng paatras

"Hindi po asawa ko" sabi niya at dahan dahang hinawakan ang kamay ko at nagulat ako ng halikan niya ito

"What the heck" sabi ko lang sa kaniya at agad na kinuha ang kamay ko mula sa kaniya

"Ang moody mo ngayon ah?" Natatawang sabi ni zee at tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa at umayos naman agad siya ng tayo

"May exam na next week, magpapa tutor ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya at tumango tango naman siya at umakbay sa akin

"Sunduin kita mamaya, wag kang lalabas ng room niyo hanggat wala ako, ill be there" sabi niya at tumango na lang ako at dumeretso na ako sa room at si zee naman ay bumalik na sa tropa niya, or baka sa mga babae niya

Aamin na lang ako sa kaniya pag katapos ng year na toh, nakakatamad umamin sa kaniya ngayon... atsaka okay na yung ganito lang kami, kesa umamin ako tapos lumayo siya sa akin...

Yeah i know, there's a chance na hindi siya lumayo pero mas malaki ang chance na lumayo siya sakin, knowing na straight siya at nakakadiri nga naman na may mag kagusto sa isang straight na katulad ko.

Pag katapos ng klase ay hindi ako lumabas ng room para antayin si zee, sabi niya wag ako lumabas ng room hanggat wala siya eh...

"Oh hindi ka pa uuwi?" Takang tanong nung isang kaklase kong lalake at umiling lang ako sa kaniya bilang tugon

"Hala ka may multo pa naman daw dito pag wala nang masyadong students" sabi niya at medyo natawa naman ako sa sinabi niya at tumawa lang din siya at nagulat ako ng lumapit siya sakin at hinarap niya sakin yung isang upuan at umupo siya dun

"Kilala mo ba ako?" Bigla niyang tanong at napalunok naman ako dahil sa tanong niya dahil hindi ko siya kilala

"Hay nako, napaka tagal na nating mag kaklase di mo pa ako kilala, james pangalan ko" sabi niya at tumango tango naman ako sa kaniya at nginitian lang siya tapos nag ring ang phone niya at sinagot niya ito, after ng tawag niya ay tumingin siya sakin

"Well, kailangan ko ng umuwi, sasamahan sana kita dito hanggang sa gusto mo nang umuwi eh, kaso pinapatawag na ako sa bahay" sabi niya at napangiti naman ako sa kaniya ang bait niya naman

"Nako, okay lang ako, pero thank you pa rin" sabi ko sa kanoya at niligpit niya na ang gamit niya

"Sige bye bye" sabi niya at tinap niya ako sa shoulder at umalis na at napatingin naman ako sa orasan at nakita kong 5 pm na, kaya nag laro muna ako sa phone ko...

After awhile ay napansin kong napapasobra na ang dilim sa paligid ko kaya pumunta ko sa switch para iopen ito at nakita ko ang orasan at nakitang 6:30 pm na, kaya sumilip ako sa bintana at chineck ang room ni zee mula dito sa pwesto ko at nakita kong may ilaw pa ung room nila at may students pa...

Tinext ko si zee at sinabing gisingin niya na lang ako dito sa room pag uuwi na kami..

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon