CHAPTER 023

799 36 1
                                    


SAINT'S P.O.V

Nagising ako ng may narinig akong pag bagsak ng kung anong bagay at nakita ko na may tumakbong pusa at agad akong napatingin sa orasan...

"10:30 !?" Gulat na sabi ko at sumilip ako sa room nila zee at nakitang patay na ang ilaw nito at wala nang ibang bukas na ilaw sa buong university

Nakalimutan siguro ni zee na susunduin niya ako sa room... well im so stupid naman kasi na hindi man lang lumabas ng room namin at ng building na toh... gosh... im so stupid...

Agad akong tumayo at inayos ang gamit ko at pinatay ang ilaw ng room bago lumabas...

Habang nag lalakad pababa ng hagdanan, ramdam ko ang lamig ng hangin at idagdag mo pang sobrang dilim at liwanag lang ng buwan ang nakikita kong liwanag sa labas... nagulat na lang ako ng may tumulong luha sa mata ko...

"What's wrong with me?" Takang tanong ko at hindi ko na napigilan ay sunod sunod na ang tulo ng luha ko... hindi niya ako sinundo, ay nakalimutan niya yung sinabi niya sakin na susunduin niya ako sa room, hindi naman kasi ako ganun kaimportante para maalala diba? Yan asa pa more

"Parang tanga naman eh, nakalimutan lang naman niya na sunduin ako bakit kung ano ano ng pumapasok sa isip ko" reklamo ko sa sarili ko at patuloy na naglakad papunta sa gate ng building na toh

"Syet naman eh!" Reklamo ko at di ko talaga maiwasang mag dabog, punyemas naman kasi eh, naka lock na yung gate ng building na toh and for sure wala na yung guard dito alam ko kasi mga 8 pa lang umalis na yun dito sa school dahil hanggang 7 lang ang halos tinatagal ng mga students dito at dahil din sa mga kwento kwentong may multo dito kaya maagang umaalis ng school yun

"Bakit naman kasi napaka duwag eh" singhal ko sa hangin at binato ng bag yung gate

Well, kung tatanungin niyo ko kung takot ako sa mga ganyan ganyan, sa tingin niyo ba bababa ako ng hagdan mula 3rd floor kung takot ako? Syempre hindi ako takot, why should I?

Sorry mukhang lumalabas attitude ko sa mga nangyayari sa akin... pero diba tinext ko si zee? Hindi niya siguro nabasa, baka busy yung tao... hindi siya busy, hindi ka lang talaga importante... Mukha na akong tanga dito sahil nakikipag away na ako sa sarili ko...

"Sino ba naman kasing tangang matutulog sa classroom after ng uwian?! Syempre may possibility na malockan ka ng school? Anong ineexpect mo!?" Sigaw ko sa sarili ko at sinuntok ko yung hita ko at ayun na pa luhod ako sa sahig, tapos tumulo na naman luha ko

"Tama na ang iyak, icheck natin yung isang gate sa likod" sabi ko sa sarili ko at medyo nahirapan akong tumayo dahil medyo napalakas ata ang suntok ko sa sarili ko at naglakad ako papunta sa likod ng building

"Wow" nasabi ko na lang ng makitang lock din ito, punyemas na lang... hindi ko na kaya, pagod na ako, nagugutom pa ako.

Agad akong dumeretso sa isang office dito para dun na lang mag stay, actually tong office na pupuntahan ko ay mrdyo naging office ko na, kasi nung event dito ko na inasikaso yung mga ginagawa ko dahil sabi nung principal para wala daw maka bother sakin...

Agad kong binuksan ang pinto nito dahil nasa akin pa yung susi at buti na lang may mahabang sofa dito, nang mahiga naman ako ay biglang pumasok sa isip ko na mag lakad lakad sa buong building, tamang tama para magdrama...

Malamig na simoy ng hangin, madilim na paligid, mag isa akong nag lalakad lakad sa building na ito, nakakatakot man pakinggan ang atmosphere ko ngayon, pero dahil sa sakit ng nararamdaman ko at dahil sa sobrang galit ko sa sarili ko ay hindi ko na pansin ang mga bagay bagay sa paligid ko...

"What if lumipat na ako ng school?"

"Pano kaya kung may makakita sa akin dito tapos pagkamalan akong magnanakaw?"

"Or kaya pano kung kasuhan ako ng trespassing? Nakuuu bad agad record ko"

Feeling ko kung may mga multo dito mas matatakot sila sakin kesa ako ang matakot sa kanila, baka sabihin pa nila sobrang baliw ko na dahil kanina ko pa kinakusap yung sarili ko habang nag lalakad...

"May sineryoso kayang babae si zee?"

"Bakit kaya hindi na lang si marky gustuhin ko? Tutal may crush naman na ako sa kaniya dati pa? Kung napipili lang kung sino gugustuhin ng puso ko eh"

"Magkakagusto kaya sakin si zee?"

Agad akong napatigil sa paglalakad ng marealize ko yung huling tanong ko... wow, where did that came from? Ang kapal ng mukha ko para isipin yang tanong na yan... ibig sabihin ba niyan umaasa akong magkakagusto sa akin si zee?

Well, yes umaasa ako na magkakagusto sakin si zee, you know katulad sa mga dramas, yung matagal na magiging magkasama yung dalawa tapos magkakadevelopan ng feelings tapos magiging sila... you know that kind of dreams and hope...

Kaso expectations versus reality tayo dito eh... zee has been flirting with a lot of girls for as long as i remember and never have i seen him flirting with gays... and for goodness sake, he is straight as a pole... the thing that i was hoping for will never ever ever happen... because it is too impossible... a straight man would never fall for a gay... wait let me rephrase that, cause there are cases where a straight guy falls in love with a gay... no one will ever ever fall for me...

"SAINT" nagulat ako ng may narinig akong sigaw at alam kong si zee yun kaya agad akong tumakbo pabalik ng office at humiga agad ako sa sofa at nag tulog tulugan, for sure alam niya na nandito ko, like duh naka open talaga yung ilaw at sinadya kong iwan bukas yung pinto

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon