SAINT'S P.O.V
Nandito ako ngayon sa mall para mamili ng mga kailangan ko sa bahay, dahil naubusan na din naman ako ng stocks...
Naglalakad lakad lang ako dito sa loob ng mall ng may mabangga akong tao, at nalaglag ang mga dala ko, at hindi man lang ako tinulungan nung nabangga ko, i mean yes nabangga ko siya pero tulong naman ng konti gra-
Parang familiar tong pangyayaring toh? Takang tanong ko sa sarili ko kaya agad akong tumayo at hinarap yung nabangga ko at sana hindi na lang ako tumayo...
"Ikaw na naman!?" Iritang sabi niya at napairap na lang ako at maglalakad na sana ako palagpas sa kaniya ng bigla niya akong hawakan sa damit
"Teka lang, buti nag kita tayo, may iuutos ako sayo" sabi niya at hinampas ko ang kamay niya na nakahawak sakin
"Ayoko" sabi ko sa kaniya at agad na naglakad paalis, letche siya may balak pa akong utusan kala mo close kami
"Oh saint andito ka pala?" Nagulat na lang ako ng may nagsalita sa harap ko at nakita ko si Lesley na kumakaway sakin at si marky, so may gala sila? Anyways pake ko
"Oh, hello" sabi ko lang sa kanila at tinignan ako ni marky mula ulo hanggang paa
"Bakit mukhang badtrip ka?" Takng tanong niya at medyo nagulat ako sa tanong niya, aba! Mukhang kinikilala ako ni crush ah? De joke lang niloloko ko lang sarili ko
"Si Zee kasi eh" sabi ko lang sa kanoya at napabuntong hininga lang siya
"Si Z na naman? Pag pasensyahan mo na yun ah" sabi lang ni marky at tumango tango lang ako sa kaniya
"Osiya alis na ako" sabi ko sa kanila at agad na naglakad palayo sa kanila
"Why am I here again? I dont think i heard you right" sabi ko sa principal namin, dahil ipinatawag niya ako sa office dahil may pakiusap daw siya sakin, so ayun nga andito ko ngayon pero parang mali ata pagkakarinig ko sa sinabi nito eh
"I said, will you please tutor Mr. Zee, sobrang bagsak na niya on almost all ng subject niya except sa P.E, we will pay for you and if babayaran ka din niya hiwalay yun sa bayad ng school, you see ayaw namin na may napagiiwanan na student, pero hindi talaga maiiwasan na may mga students na hindi ko maintindihan kung bakit bumabagsak pa, hindi sa nang jajudge ako, pero kilala mo naman siguro by nature si Mr. Zee diba? And as I've said earlier sa lahat ng subject, sa Physical education lang siya nag eexcel"mahabang paliwanag ng principal, gaano na ba siya kababa para maging ganito kadesprate tong principal
"And, nakiusap sakin yung parents ni Mr. Zee na ipatutor na siya kung lower ng line of 7 na yung grades niya. I know you dont need money, that's why we cant make a deal regarding that, but money is all we have to offer to you" sabi ng principal ulit, so ayun nakiusap na pala ang mga nagulang nitong lalaking toh, landi landi kasi bobo naman
"Bakit ako?" Takang tanong ko sa kaniya, for sure Im not the only student dito na pwedeng mag tutor sa isang student, tapos may kinuhang kung ano yung principal at hinarap sakin
"This is enough reason para ikaw ang piliin namin na mag tutor kay Mr. Zee" sabi niya habang pinapakita sakin yung cards ko since elem, i am not genius, matiyaga lang ako mag kabisado
"Pumayag na ba si Zee?" Tanong ko sa kaniya at parang napalunok siya ng wala sa oras dahil sa tanong ko, kita mo na, sabi ko na di pa pumapayag yun or hindi papayag yun according sa pag jajudge ko sa kaniya ayaw niya mag aral
"Were convincing him pa, pero wala din kasi siyang choice dahil parents niya na ang nakiusap samin" sabi niya at napa buntong hininga na lang ako
"Okay pumapayag na ako" sabi ko na lang sa kanila, for sure pag di ako pumayag dito kukulitin lang din nila ako hanggang sa di na ako makatiis
Okay lang naman sakin mag tutor, dumami lang talaga yung tanong ko dahil gusto kong mag bago pa isip nila, kasi si Zee ang pinag uusapan natin dito, ng dahil sa kaniya binubully na ako ng lahat specially ng fans niya, bakit naging trending na ang pang bubully sakin? kumbaga loser ka pag di mo pa ako nabubully in any way.
Mahirap mabully, pero okay lang yung ginagawa nila sakin, mas malala pa nga naranasan kong pambubully sakin dati, lalo na nung bata pa ako.
Anyways agad akong pumunta sa library para mag muni muni at magbasa ng mga libro dahil hilig ko talaga ang mga books lalo na historical at mystery books...
"Mr. Saint, sabi po ng principal pumayag na daw po si Mr. Zee sa pinag usapan niyo daw po kanina" sabi ng isang student sakin at tumango tango na lang ako at umalis na siya
Habang nag babasa ay may naramdaman akong kamay na pumatong sa balikat ko pero di ko na lang pinansin baka kasi mambubully lang din toh or mambubwiset eh, kaya pabayaan ko na lang siyang gawin kung ano mang balak niya gawin. Pero medyo tumagal na at naka stay lang yung taong yun na nakahawak sakin, kaya tinignan ko na at nakita ko si zee na nakatingin sa librong hawak ko at napatingin siya sakin at kinindatan ako.
"Ew" sabi ko lang at hinawi ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko at umupo siya sa tabi ko at tinignan lang ako
"Ano bang kailangan mo!? Nag babasa ako eh, kung mambubully ka mamaya na pag katapos ng binabasa ko" sabi ko sa kaniya at napasmirk lang siya at kinakalabit ako
"Anong kailangan ko?" Bigla niyang sabi at tinaasan ko lang siya ng kilay at tumingin sa kaniya
"Ikaw, ikaw ang kailangan ko" sabi niya di ko alam pero nainis lang ako lalo sa kaniya ng dahil sa sinabi niya, nang iinis talaga toh eh
"Pwede ba pagod na ako, wag mo muna ako guluhin" sabi ko sa kaniya at tumingin lang siya sakin
"Okay, im just gonna stay here and stare at my Tutor" sabi niya at napairap na lang ako at itinuloy ang pag babasa
BINABASA MO ANG
Cliche
Teen FictionHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...