CHAPTER 037

1.6K 61 5
                                    

SAINT'S P.O.V


Finally!!! This is the day!!! Prom na namin mamaya, at makakalabas na din ako!

Sabi kasi nung doctor, kailangan ko daw mag stay sa bahay for atleast 4 to 5 days, without doing anything na mahirap or mabigat, kaya ayun dito muna natutulog si zee hanggang kahapon. Umuwi na siya kahapon daw kailangan daw siya sa bahay nila.

Sa 5 days na yun sobramg nabored ako, wala akong ibang ginawa kung hindi kumain at manuod, si zee kasi napaka oa, hindi niya na ako pinapakilo. Para tuloy akong nabed rest dahil sa ginagawa niya, nung first day di niya ako pinapayagan maglakad, binubuhat niya ako pag mag cr ako or kaya pag gusto kong pumunta sa sala... tapos pinapakain niya ako, sinusubuan niya talaga ako, at binilhan niya ako ng metal straw para hindi ko na daw iangat yung baso pag iinom ako.

At dahil ngayong wala siya dito at pwede na akong lumabas, pupunta ako sa mall para makabili ng mga kailangan ko para mamaya, at mag papaayos na din ako. Maybe papaayos ng buhok at magpapa make up ako ng korean style, at bibili din ako ng contact lens.

Kaya lang naman ako gagastos ng ganito ay dahil nag padala ng pera si uncle dahil sinabi daw sa kaniya ni lesley na prom namin, at sorry na din daw ni uncle sa akin yung pera dahil hindi daw siya nakapunta sa akin nung nakidnap ako, sinabi ko naman sa kaniya na okay lang ako...

At oo nga pala, next week ay lilipat na ako ng bahay, pinapaayas ako ni kuya dito sa bahay na toh, dahil dito niya daw patitirahin yung pamilya ng asawa niya. Sinabihan naman ako ni uncle na may bahay na naka ready para sa akin sa isang private village, kumpleto na daw yung bayad nun at may mga gamit na din daw dun yung ibang appliances na lang daw ang kulang, at sabi ni uncle wag na daw ako mag alala sa expenses ko dahil siya na daw ang bahala dun, at yung iniwan daw na pera sa akin nila mama ay gamitin ko na daw kahit saan gustong gamitin.

"Saan po tayo pupunta?" Nagulat ako ng may nag tanong sa akin at nakita ko si james

"Sa mall" sabi ko lang sa kaniya at nag bow naman siya at kinuha yung susi ng kotse

Si james, butler ko. Oo, member siya ng gang ni uncle at pinababantayan ako ni uncle nung una pa lang at sinabihan siya ni uncle na wag akong kausapin or kaibiganin man lang sa school para hindi ako mag taka, kaso nalaman ko na nung nakaraan. At Oo nag karuon na ako ng butler ng dahil kay uncle, pero andito lang naman siya pag wala si zee, sabi ko kasi baka magselos si zee kaya ayun andito lang siya pag wala si zee. Actually 6 silang mga nakabantay sa akin, yung lima ay nag tatago sa isang sasakyan na nakaparada malapit dito sa bahay ko, sabi kasi ni uncle para daw hindi na maulit yung nangyari sa akin kaya nag assign na siya ng madaming magbabantay sa akin.

Habang nasa mall ay nag gala muna ako, yung si james, ayun pinalayo ko sa akin, nakakailang kasi na may kasama akong ibang lalake bukod kay zee at kay lesley. For sure andito lang yung anim na yun malapit sa akin at nakabantay sa akin. Hindi ko din sila makikilala pag nakita ko sila kasi yung iba sa kanila ay naka disguise.

Ng matapos ako sa lahat ng kaartihan ko ay dumeretso na ako sa venue, tapos na kasi akong mag ayos, nakapag bihis na din ako dun sa pinuntahan ko kanina. Yung mga bantay ko naman ay inaayos na yung mga gamit ko isa isa dahil sila na daw bahala mag lipat nun dun sa bahay na lilipatan ko. At sabi nila ay yung bahay daw sa tapat ng bahay ko ay sa kanila, para daw mas mabantayan nila ako at ang paligid ko.

At nakita kong ang dami na ng mga students dito at nag sisimula na ang event. After awhile ay inaya ako ni lesley sa table niya. Habang pinapanuod yung ibang nag peperform ay kanina pa ako patingin tingin sa paligid ko.

"Looking for him?" Tanong ni lesley sa akin at tumango tango lang ako sa kaniya at ngumisi lang siya sa akin

"Its either pagala gala lang yun dyan or late yun makakapunta" sabi ni lesley at tumango lang ako sa kaniya at tumayo siya at sabi niya ay mag cr lang siya.

"Now guys, if you have someone in your mind that you would want to dance with, now is the time to ask them... play music" sabi nung mc at nag tayuan naman ang mga students at dinala sa dance floor yung mga napili nilang isayaw at tumugtog ang a thousand years. At eto ko nakain lang habang pinapanuod silang mag sisayaw at nakikita ko na nag papalit palit lang sila ng partners nila.

"Well, shall we dance?" Nagulat ako ng makabalik na si lesley at inayaniya akong sumayaw at tumayo naman ako at dinala niya ako sa dance floor at isinayaw

"Alam mo nung una kitang makita, kala ko isa ka lang nerdy na puro aral lang ang ginagawa sa buhay... kaya nagulat talaga ako ng malaman ko na kamag anak ka ni Tito, at mas nagulat pa ako ng malaman ko na isa ka sa best member ng gang niya" sabi ni lesley sa akin habang sinasayaw ako at natawa na lang ako sa kaniya, tito ang tawag niya sa uncle ko kasi nga kaibigan ng parents niya ang uncle ko at close sila

"Guys be ready for your last dance" sabi nung emcee at nag play ang kanta ni taylor swift na love story at namatay ang mga ilaw at nawala sa pagkakahawak sa akin si lesley, baka nag hahanap na ng last dance niya, agad naman akong nag lakad palayo para makaupo pero nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at hinila ako pabalik sa dance floor. At nag bukas na ang mga ilaw, at alam niyo yung feeling na galing ka ng madilim tapos biglang bukas ng ilaw diba blurred yung makikita mo, ganun ako ngayon kaya kinusit kusot ko ang mata ko habang isinasayaw ako ng taong ito, ng makakita na ako ng maiigi ay napangiti na lang ako ng makita ko ang last dance ko.

"Zee" banggit ko lang sa pangalan niya at ngimiti lang ako sa kaniya at mas lumapit pa sa kaniya, at niyakap niya lang ako

"Kala mo wala ako noh?" Sabi niya at tumango tango lang ako sa kaniya

"Pwede ba namang iwanan ko ang asawa ko, syempre kailangan ako last dance mo" sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo

"Tanda mo ba yung una kitang tinawag na asawa ko? Nung mga oras na yun ay iba na ang nararamdaman ko sayo... pero hindi ko pa inaacknowlege yung pinaka feelings ko sayo, ang alam ko lang sobrang saya ko kapag kasama ka... at naalala mo yung first exam ko after ng tutorial natin? Sinadya kong ibagsak yun, dahil ayokong itigil yung pag punta sa bahay mo at makasama ka, iniisip ko kasi nun pag pumasa ako sa exam, ay titigil ka na sa pagtututor mo sa akin at hindi na tayo magkakasama, kaya binagsak ko yung exam na yun para lang makasama ka pa. At alam mo ba, yung arrangement namin ni rachel? Fake lang pala yun, sabi ni mama at papa ay ginawa daw nila yun para tulungan akong marealize yung feelings ko para sayo, nakikita daw kasi nila na nahihirapan akong iadmit sa sarili ko na may gusto ako sayo... kaya ngayon... sigurado na ako sa nararamdaman ko... sobrang sigurado na ako" mahabang sabi niya sa akin na tumutulo na ang luha ko dahil sa mga sinabi miya at humiwalay siya sa yakap sa akin at nagulat ako sa ginawa niya.

Nakaluhod siya ngayon sa harap ko at nag labas siya ng singsing at pumalibit naman sa amin ang mga students at nag aabang sa susunod na mang yayari.

"Saint, i know its too early for marriage, kaya eto muna ngayon... saint you know now how much i love you, and i wouldn't waste this chance para itanong sayo ito... Saint will you be my boyfriend?" Sabi niya at mas tumulo pa ang mga luha ko ng dahil sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko inakalang dadating ang ganiting scenario sa akin, kala ko talaga mung una ay magiging stuck na ako sa pagiging loner, but luckily i met zee... its the happiest moment of my life...

"Yes! Yes i will be your boyfriend" sabi ko sa kaniya at sinuot niya sa akin ang singsing na hawak niya at niyakap niya ako at binuhat niya...

Cliche man ang story namin pero this is the best thing... he is the best thing that's ever been mine....













The End

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon